CHAPTER 9

9 2 0
                                    

Makalipas ang ilang araw, dumating sa point ang utak at puso ko na magpakumbaba. Pinahupa ko ang mga nangyari dahil mahal ko ang daddy ko. Alam kong sasabihan niya ako na hayaan nalang at huwag nang magalit kaninuman. Mahal ako ng Daddy ko, alam ko yon dahil nung isang araw lang ay may pinadalang envelop sa akin ang dating abogado nila Daddy.

Laman ng envelop na iyon ang mga huling habilin sakin ni Daddy. Oo, hindi kami ganoon kayaman pero may mga iniwan siya para sakin dahil may mga pinagtrabahuhan naman ang daddy noong nabubuhay pa siya at tandang-tanda ko na sinabi niya sakin na para iyon sa aming dalawa.

Binuksan ko itong envelop ngayong araw dahil sa kyuryosidad ko. Nakita kong naglalaman ito ng isang papel, cheke, at mga titolo. Hindi ko alam kung anong mga titolo ito pero binasa ko muna ang nasa papel. "Mga huling habilin at paalala"

"Mahal kong anak, Tanya, alam kong mababasa mo ito sa panahong wala na ako. Gusto ko munang ipaalala sa'yo na mahal kita at proud akong ikaw ang anak ko. Anak, Gustuhin ko mang itago sayo ang katotohanan, kailangan mo paring malaman iyon. Pero bago ang katotohanang ito, gusto kong ibigay sayo ang mga iiwanan ko.

Isinasalin ko ang pangalan mo bilang may-ari ng ating bahay. Nasa tamang edad kana kaya pwedeng ikaw na ang mag may-ari ng ating tahanan. Pangalawa, Ang tanging sasakyan na ating sabay na binili noon, sa'yo narin. Magagamit mo ito sa iyong pang-araw-araw na transportasyon para hindi ka mahirapan. Pangatlo, Ang savings ko at investments sa bangko ay nakapangalan na sa iyo. Maari mo itong I-withdraw kung ayaw mong ipagpatuloy ito.

At ang huli, ang Katotohanan na dapat mong malaman ngayon. Buhay ang iyong real mother o ang iyong tunay na mommy. Her name is Leanne Vargaz, yan ang huling natatandaan kong pangalan niya nung naghiwalay kami bago ko pa makilala si Amor. Iyan ang lahat ng dapat at kailangan mong malaman anak. Sa huli, mahal kita at sana masaya ka kahit wala na ako. Mahal na mahal kita, Tanya." Buong liham ni Daddy na nakapaloob sa envelop. Halos tumulo ang luha ko sa mga nabasa ko sa loob ng envelop na iyon.

Niligpit ko muna ang lahat ng gamit ko, tinawagan ko sila Nick. Sinabi ko sa kanila ang mga nabasa ko at gulat din sila sa iniwan sakin ni Daddy. Pansin na may binabalak silang gawin sa nalaman nila. Hindi nako magtataka na may gusto silang gawin after ng sinabi ko. Natapos na ang call naming apat. Nang biglang may kumatok sa pinto.

"SURPRISE!!" Sigaw nilang tatlo. Natawa ako nang may dala silang mga bag.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko. Nagtitigan silang tatlo at pinapasok ko na sa loob ng bahay. Kapansin-pansing ang dami talaga nilang dala.

"We decided na Samahan kang tumira dito!" Sabi ni Nick na tuwang tuwa.

"What? Anong sinasabi niyo?" Pagtataka ko.

"Well, nagpaalam na kami sa mga magulang namin right after we called. My parents agreed and so as Bryan's and Frida's. So we're going to stay here, make your house as an apartment and help you pay for whatever we need to pay!" Paliwanag ni Nick.

Nginitian ko sila at niyakap naman nila ako nang sabay sabay. Hindi ko talaga mapagkakaila na sila ang mga best of friends ko. "Salamat guys ha, kahit walang pahintulot ko, sige dito na kayo." Sabi ko naman sa kanila.

"Simula ngayon di kana malulungkot sa pagkawala ni Tito kasi nandito na kami" Paalala ni Bryan sakin.

"Salamat Bry ha, kayo din salamat" Pasasalamat ko sa kanilang tatlo.

"Ano kaba, wala yun. Ang ganda nga ng bahay niyo eh kaya dito na tayo!" sabi ni Frida.

"Anong dinner natin te?" tanong ni Nick

"Eto naman, kadarating lang natin kain agad" sabi ni Bryan

"Syempre, malapit na mag 5 pm oh so ngayon palang dapat alam na natin ang kakainin natin for later, diba sis?" sabi naman ni Nick.

"Bahala na kayo, kung anong gusto niyong lutuin go lang." Sabi ko sa kanila kaysa mag-away pa sila. Nagpunta na sa kusina sila Bryan at naiwan kami ni Frida sa sala.

"Kamusta ka naman ba Tanya" tanong ni Frida.

"Ahh okay naman nako, nakakamove on naman na sa pagkawala ni Daddy. Pero may mga araw na nagtataka parin ako kung sino yung mommy ko kasi ang sinabi lang ni Daddy ay pangalan ng isang babae. Leanne Vargaz daw" Sabi ko naman.

"Ahh may nanay ka pa pala, sana mabait siya hindi kagaya ng nakukwento mong mommy mo" sabi ni Frida.

"Uh, step mother. Di ko sya mommy" Dugtong ko.

"Sorry" sabi ni Frida.

Halos mag aalas siyete na kaya naghain na si Frida ng mga plato at baso para makakain na kami. Nagsiupo na kami sa mesa at nagsimulang kumain.

"HEP! Ano? Hindi ba tayo magdadasal?" tanong ko.

"Okay let's Pray" Pauna ni Bryan.

"Thankyou Lord for the food we're about to receive, give us the strength that we all need to thankyou for all the blessing you have given us tonight. Bless us our Lord and those who prepared our dinner, AMEN!" Panalangin ni Bryan.

Kung titingnan nga naman ay si Bryan ang pinakamabait, pinakapure at pinakasagrado sa aming lahat. Ubod siya ng bait na hindi na halos makagawa ng maling bagay sa sobrang bait. Kumain nalang kami at tahimik ang lahat habang kumakain.

Walang kahit na isa sa amin ang nagsalita dahil first time naming magsama-sama para kumain ng dinner. "Thank you Lord" sabi ni Nick nang matapos kumain.

Nagligpit na kami nang matapos kaming apat kumain. Nagligpit ng pinagkainan si Frida habang kami ni Nick ay nagpapahinga sa Sofa habang nanonood ng TV.

Masaya ako ngayon dahil kasama ko na sila sa iisang bahay na para bang naka apartment kami.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now