CHAPTER 31

9 1 0
                                    

Nilapitan ako ni tita Tessie sa kinauupuan kong bench dito sa garden.

"Are you okay iha? Stay strong okay? Gagaling si JaJa" Assurance ni Tita.

"Yeah tita, im just really worried and sorry for myself kasi wala ako sa tabi ni James nang mangyari sakanya yun. Hindi ako updated." Mangiyak-ngiyak kong sagot kay tita.

"No, don't blame yourself iha. Nangyari ang nangyari, nagkasakit siya kaya heto tayo sa hospital naghihintay ng himalang gumaling siya kaya wag kang mawawalan ng pag-asa okay?" dugtong ni tita.

Tumango ako at ngumiti kay tita. Niyakap niya ako para mapaginhawa ang paghinga ko kaya natuwa ako. Para bang anak narin ang tingin niya sa akin.

"Pasok muna ako iha, iwan muna kita dito" paalam ni tita.

Ngumiti nalang ako kay tita at naglakad na siya papasok. Habang tulala ako sa kawalan. Nakita ko nalang na paparating na sila Nick sa akin. Kaya humagulgol nako ng iyak bago pa nila ako malapitan.

"Te anong nangyari ba't ka umiiyak, wala na ba si-" putol ni Bryan sa kanya kaya lalo akong umiyak.

"Lalo mong pinaiiyak eh." Sabi naman ni Bryan sa kanya.

"Nandito na kami okay? Ipagdadasal natin na gagaling pa siya kaya please wag kang mawalan ng pag-asa" sabi ni Kiel na kasama din pala nila Nick.

"Thankyou-" tuloy parin ang iyak ko.

Sa hindi mawaring dahilan ay lumabas si tita Tessie. Umiiyak habang hawak ng kapatid niya na tita ni James. Nang makita ko si tita, hinabol ko ang hininga ko na parang hirap nakong huminga pero tumakbo padin ako papunta kay tita.

"Tita anong nangyari? Bakit kayo umiiyak?" tanong ko kina Tita Tessie na hindi makasagot nang maayos.

"S-si JaJa" Hagulgol na iyak ni tita Tessie.

"Ano po?" tanong ko nang maluha na din ako.

"Wala na si JaJa" Biglang nagsama ang langit at lupa nang umiyak si tita Tessie nang mabigat. Napaluhod nalang din ako at napayakap kay tita Tessie habang umiiyak.

Dali dali akong tumakbo papunta sa room ni James, sobrang lakas ng tunog na naririnig kong senyales ng pagkamatay ni James.

"Huwag please, James, gumising ka please!! Gising! GISING!!!" yugyog ko nang malakas sa katawan ni James habang umiiyak. Lalo kong hinihigpitan ang yakap sa braso niya nang malamang wala na siya.

"Mahal na mahal kita, tandaan mo yan." Huling bulong ko sa kanya.

Tumayo ako at umiyak sa balikat ni Nick na sumalo sa akin dahil sa nanghihina kong mga paa. Nanlulumo ako sa mga nangyayari at nakikita ko. Hindi ko na kayang makitang hindi na humihinga ang pinakaminamahal ko.

"Time of Death, 10:42 pm" Sigaw ng Doctor sa kwarto.

"NOOOOO!" Sigaw ko naman habang umiiyak nang makitang wala nang ibang magawa ang mga doctor para buhayin pa si James.

Napaluhod at Nawalan nako ng malay sa kakaiyak. Bago ko pa maipikit ang mga mata ko ay nakita ko si Tita Tessie na umiiyak parin sa paanan ni James. Sobrang masakit makita na pareho kami ni Tita na nawalan ng taong minamahal.

Matapos ang ilang sandali, naimulat ko na ang mga mata ko. Dali dali akong tumayo pero nahihilo ako.

"Oh teka lang, baka mapano ka nanaman. Magpahinga ka muna" paalala ni Kiel sa akin.

"Pwede ba? Gusto kong makita si James. Nasaan si James?" Sigaw ko habang umiiyak. Randam ko parin ang sakit ng puso ko kaysa sa sakit ng ulo ko nang mahimatay ako.

"Gusto mong makita yung wala na?" Tanong sa akin ni Nick.

"Anong ibig niyong sabihin." Tanong ko.

"Kaya ka nga nahimatay, nalaman mong wala na siya. Wala na siya Tanya." Dugtong ni Nick.

Natulala nalang ako, sa sobrang sakit ay hindi ko na mailabas ang luha ko. Sobrang daming tumatakbo sa isip ko. Nawalan nako ng ganang umiyak, maging sa ibang bagay ay nawalan nako ng gana. Ni kumausap ng taong nasa paligid ko ayaw ko nang gawin.

"Please Tanya, umuwi na tayo" Pakiusap ni Bryan kasama nila Kiel na sabi sa akin nang makita akong nanlulumo sa looby.

Agad nalang akong tumayo at dumiretso sa kotse nila. Pumasok at umupo sa passenger seat kaya sumunod sila at sumakay narin. Hindi ko na nagawang kamustahin si tita Tessie. Siguro naman alam niyang nagluluksa din ako sa mga nangyari.

Tahimik silang tatlo sa loob ng sasakyan at tila walang balak na kausapin ang isa't isa. Basta ang alam ko ayoko munang magsalita. Ayokong isipin na wala na si James. Hindi ko pa tanggap na iniwan ako ng taong pinakamamahal ko.

Ang daya daya mo. Yan ang patuloy na tumatakbo sa isip ko mula nang makarating sa bahay. Nagkulong ako sa kwarto at nanatili doon hangga't gusto ko.

"Gurl, ilang araw ka nang di kumakain. Lumabas ka naman muna jan oh" Pagaalala ni Nick sa akin.

Hindi parin ako umiimik, at tila ayaw kumain ng tiyan ko kaya hinahayaan ko nalang. Sarap na sarap akong humiga sa kama nang makaramdam ng ginhawa mula sa problemang iniisip ko lang noong isang araw.

Dinadaan ko sa tulog ang lahat, kinakalimutan kong wala na si James pero minsan hindi mawala sa isip kong ramdam ko na kasama ko siya paminsan minsan. Parang kanina lang, ramdam kong yakap niya ako kaya parang ang ngiti ko ay abot tainga nanaman.

Ramdam ko din na hindi na sinusubukan nila Bryan na kulitin ako at tila tanggap na nila na hindi nila ako kayang asikasuhin. Kaya laking gulat ko nang may ibang tao silang ginamit para lang mapatayo ako sa kama ko.

"Bumangon ka na diyan, Tanya. Please. Let yourself mourn and not just forget what happened. Makakasama sayo yan." Galit na paalala sa akin ni Kiel.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now