CHAPTER 24

11 2 0
                                    

I stood up para mag-stretching at makapag swimming na kasama ang mga kaklase naming kanina pa nagtatampisaw. Hinubad ko na kaagad ang showl na suot ko para mailapag sa branch ng punong inuupuan namin.

Kitang-kita ko ang mga titig na nakapokus lang sa akin na parang tumigil ang iba sa paglangoy para lang tingnan ako.

"Talon na Miss Flores, ang sexy mo saluhin kita dito!" sigaw ng isang kaklase namin na nakaabang sa ilalim ng talon.

"Mag-iingat ka Tanya!" sigaw naman ni James.

Kita ko rin ang reaksyon o senyas ng mata ni Kiel sa akin na mag-ingat din ako pero hindi nalang ako tumalon. Bagkus ay bumaba ako at naglakad papunta sa sapang nilalanguyan nila.

Dinig na dinig ko parin ang bulungan ng iba patungkol sa katawan ko. Nahihiya nako na baka puro silang nakatingin sa akin kaya nagmadali akong sumulong sa tubig.

"You look hot today, MiLady" sabi ni James habang hawak ang bewang ko, na siya namang inalis ko at lumusong para lumangoy.

"Im not your lady, yet Mr. Silvestre!" Sigaw ko nang makaahon at makita sa malayo si James. Nakangisi nanaman siya na parang bata kaya umiwas nako ng tingin.

Pansin kong wala na sa paligid yung bruhang entitled. Nakatinginan ko nalang si Kiel na kanina pa hindi mapakali. Nilapitan ko nalang siya para tanungin.

"Okay kalang Kiel?" tanong ko sa kanya.

"Yeah im good, enjoy your swim" sagot naman niya na nakakabahala kasi hindi siya ganun kacold sa akin, madalas nga kaming magusap nitong mga nakaraang araw eh.

"Are you sure you're okay?" pilit kong tanong.

Nginitian lang niya ako at bumalik na sa pagkakatulala habang tumititig sa akin. Umalis nalang muna ako sa harap niya nang makita kong sumunod nang tumalon si Nick mula sa kinauupuan namin.

"Oh, buti naisipan mo nang lumangoy?" tanong ko sa kanya.

"Eh kesa magtitigan lang kami ni Sir Leon sa taas eh mas mabuti nang magswimming kesa malunod ako sa tingin niya" hirit nanaman niya.

Ewan ko ba dito kay Nick, halos araw araw nagkakadevelopan sila ni Sir kahit patay-malisya si sir leon sa kanya. Gustong gusto niya talaga si sir kahit anong mangyari!

"Tsaka alam mo ba, kaya ako tumalon kasi ano..."

"Ano??"

"Kasi nga ano.."

"Ano nga Bakla!"

"He asked me out." Sagot ni Nick at biglang natahimik.

Sa sobrang kilig naming dalawa ay hindi namin mapigilan ang aming mga sarili na maghampasan ng tubig at magtatatalon nang husto sa tubig. Tawa lang nang tawa si Nick sa kilig hanggang sa biglang sumakit ang paa ko.

"Tulong tulong!" Dinig kong sigaw ni Nick nang mawalan ako nang malay.

"I-ahon niyo Madali!" sigaw ni Miss Jessie sa ilang boys na nagbuhat sa akin papunta sa Batuhan para maasikaso ako.

"Pump her chest please, para malabas ang tubig sa dibdib niya!" Sigaw ni Nick sa sobrang pag-aalala.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, hindi ko matandaan dahil nang imulat ko ang mata ko ay nasa clinic na kami ng resort.

"Is she okay? When will she be okay?" Dinig kong tanong ni James sa mga nurse.

"Uhh" Hindi ako makapagsalita nang ayos sa sakit ng paa ko.

"Thank God you're okay Tanya. I'm worried sick about you!" sigaw sa akin ni James.

"Where's Kiel?" tanong ko.

"For Heaven's sake Tanya, muntik kanang mapano kanina tapos si Kiel parin ang hanap mo?? Nandito ako Tanya, ako nang bahala sa'yo, your bills are covered" hagulgol na sabi ni James sa akin.

Muli kong ipinikit ang mata ko para huminga, hindi ko parin matandaan ang mga nangyari at nilalamig ako sa tindi ng aircon dito sa clinic.

"Okay kana ba sis? Sorry baka dahil sakin pinulikat ka" nagaalalang tanong ni Nick habang natatawa.

"HAHAHA ano kaba okay lang ako. Look nakakausap mo nako" Pabiro kong sagot sa kanya.

"Eh kasi naman, sa sobrang saya ng balita ko sayo eh napahamak ka. Sorry." Sabi ni Nick na kitang kita kong katabi niya si Sir Leon na nakaakbay sa kanya.

"Sir Leon, please tell this friend of mine na okay na ako. Kiss mo nga masyadong OA eh kita namang okay nako dito" pabiro kong sabi kay sir Leon.

"Oh siya iha, take some rest and the rest of the class will pack, we'll be going home tomorrow. Pagaling ka" sabi ni sir sa akin. Nginitian ko nalang siya at umalis na sila ni Nick sa cubicle.

I saw Kiel rushing to my cubicle looking for me.

"here you are, Tanya" gulat na sabi ni Kiel nang makita ako at si James sa cubicle. Kitang kita ang Slight na gasgas sa mukha niya na para bang may pasa ito.

"Napano ka? Anong nangyari diyan?" tanong ko.

"Ahh wala ito, nauntong lang" sabi niya.

Kitang kita ko ang tensyon sa mga mata niya at ni James. May ginawa si James para maging ganito ka awkward ang cubicle ko.

"James, what is this?" tanong ko sa kanya dahil halata na sa body languages nila na may ginawa silang dalawa.

"Wala" sagot naman niya.

"Really?" sarcastic kong tanong.

"Fine don't answer me, wag niyokong kausapin." Sagot ko sa kanya at nagtalukbong ng kumot para di na nila ako makausap.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now