CHAPTER 32

4 1 0
                                    


Several weeks have passed and Kiel's been taking care of me habang nagluluksa parin ako sa mga nagaganap these past weeks. Hindi ko parin kinakaya ang mga bagay na nangyari kasi si James 'yon eh. Si James na minahal ko, minahal ako, at pinangakuan ako ng panghabang buhay na pagsasama.

Pero ngayong siya ang naunang nangiwan, hindi ko na alam. Parang gumuho na ang mundo ko't nawalan ako ng gana sa buhay. Pati pagpasok sa school hindi ko na magawa.

"Sis, hinahanap kana sa school. Pinasasabi ni Leon na hanap ka na daw ng ibang teachers lalo na si miss Jessie" Sabi ni Nick sa akin.

"Hindi ko pa alam kung kaya ko ng pumasok beh, sobrang ayaw makisama ng katawan ko't ayaw bumangon. Dito lang muna ako sa kama all day" sabi ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang si Nick at bumaba muna sa sala. Rinig kong nag-aayos sila ng gamit sa baba para bang kakain na. Kumatok si Bryan sa kwarto sabay kumusta sa akin.

"Kakain kaba? Kaninang umaga hindi ka nag-almusal. Mananghalian ka man lang Tanya. Baka magkasakit kana niyan" Paalala ni Bryan.

"Hayaan na magkasakit, para pag nategi, edi magmeet kami ni James" Biro ko.

"Nakukuha mo pang magbiro talaga? Hays sige akyatan nalang kita ng food mamaya dito pagkatapos namin. And make sure na kakainin mo yung ipapakain ko sayo mamaya, masarap naman ang ulam." Suhestyon ni Bryan.

Lumabas na siya ng kwarto at hinayaan akong matulog. Nakatulog naman ako ng mga ilang minute at para bang tapos na silang kumain. May kumakatok ulit sa pinto ng kwarto ko.

"Tanya, Kumain kana." Dinig kong sabi ni Kiel nang kumatok ito sa kwarto ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang tinatakpan ang mukha kong nahihiya at walang hilamos at walang ayos.

Inalis niya nang bahagya ang pagtakip ko ng mukha ko. Ibinaba niya na rin ang pagkaing dala niya na nakalagay sa tray. May pritong baboy, sinabawang isda at isang prutas kasama ng tubig ang nakapatong sa tray.

"Kailangan mong kumain para naman sumigla-sigla ka. Hindi pwedeng nagakukulong at nagmumukmok ka lang dito" sabi ni Kiel.

"Alam ko pero-" bago pako matapos ay pinutol na niya ako.

"Pero kailangan mong mabuhay. Hindi naman porque nauna si James sa kabilang buhay eh susundan mo na siya dun. Oo alam ko mahal mo siya pero please Tanya, kailangan mong mabuhay. May buhay kang naghihintay sayo." Paalala niya sa akin.

"May mga kaibigan ka pa, nandito ako oh. Alam ko pakiramdam mong magisa ka nalang ngayon pero nandito kami, dadamayan ka namin. Mahal ka namin eh, mahal kita." Dugtong niya.

Sa gulat ko sa sinabi niya, napatitig nalang ako sa mga mata niya. Tulala ako as in at para bang hindi ko magalaw ang katawan kong nakatitig lang nang diretso sa kanya.

Hawak niya din ang mga braso ko na para bang yakap niya ako. Hindi na ako nakagalaw talaga at nagulat sa nagawa kong paghalik sa kanya. The kiss last long for almost a minute sabay tulak sa akin ni Kiel.

"Ahh bale..." Hindi na nakasalita si Kiel at kinuha ang foods.

"Kumain kana muna, baka gutom kana" Iniiabot niya ang plato ko sabay ng kutsara't tinidor.

"S-salamat" sambit ko naman.

Tumayo si Kiel mula sa kama at naglakad lakad na parang bata sa harap ko. Panay ang hawak nito sa noo at takip sa bibig. Hindi ko maintindihan kung anong inaarte niya. Dahil bay un sa halik ko?

"Ano bang nangyayari sayo?" tanong ko sa kanya.

"Anong nangyayari sa akin? Talaga ba Tanya? Matapos mo akong halikan nang ganon na para bang pinaintindi mo sakin ang pinagkaiba ng pancit malabon at palabok. You've turned me on again and again Tanya." Sabi niya.

"At isa pa, nakokonsensya ako oh. Halos isang buwan nang wala si James tapos ito ang nangyayari sa atin? Hindi naman sa hindi kita gusto, I even love you alam mo yan pero parang mali na mahalin kita kasi." Dugtong niya.

"Kiel, maupo ka please lang" sabi ko sa kanya.

"No. Hindi, di mo na ako madidiktahan" sabi naman niya.

Tinitigan ko lang siya sa mata nang may conviction at naupo naman siya sa tabi ko. Napangiti nalang ako sa inaasta niya na para siyang batang takot sa tatay niya.

"Alam mo, wala kang dapat ipag-alala. Masyado pang magulo ang lahat kaya wag ka din muna magisip nang kung ano ano" sabi ko sa kanya.

"Magisip ng kung ano ano? You just kissed me Tanya. Tapos di ako mapapaisip? Pinaglalaruan mo ba ako?" tanong niya sa akin.

"No Kiel-" I said.

"Then what? Ano yon?" dugtong niya.

Lukso ng damdamin bang matatawag ang ginawa ko kay Kiel? Nahalikan ko siya nang bigla pero di ko maramdaman kung may gusto na ulit ako sa kanya o namimiss ko lang si James. Nalilito narin ako sa mga ginagawa ko sa buhay ko talaga.

Inubos ko na muna ang pagkain ko nang di kinikibo o kinakausap si Kiel. Nandito lang siya sa tabi kong inaantay akong matapos kumain. Niligpit niya para sakin ang pinagkainan ko at naupo ako nang maayos.

"Busog kana?" tanong niya sa akin.

"Yes. Salamat Kiel" sabi ko naman sa kanya.

Tumango ito at di na nagsalita bago lumabas ng kwarto. Sinara niya ang pinto at nagpunta nalang sa kusina siguro para ayusin ang pinagkainan ko pero gulat ko nang bumalik siya agad sa kwarto.

"Halika, labas tayo" aya niya sa akin.

"Saan tayo pupunta? Tinatamad ako eh" sagot ko sa kanya.

"Halika na, Wag ka nang tamarin, masaya yung pupuntahan natin." Sabi niya naman sa akin.

Tumayo nalang ako at naglakad palabas. Nakita kong nginingitian lang ako nila Bryan at Nick habang nagtititigan sa sala.

"Hay salamat, lumabas din si senyorita" Bati ni Nick.

"Oo nga, si Kiel lang pala magpapalabas sayo" Pangiinis ni Bryan.

"Ito? Masaya to sa tingin mo?" Sarcastic kong tanong kay Kiel.

"No, hindi ito. Aalis tayo" sagot ni Kiel sa akin.

"Saan nga tayo kasi pupunta, nililito mo na ako" Inis kong sagot sa kaniya.

"Basta, halika na" Sagot lang niya sa akin sabay hila sa akin palabas.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now