CHAPTER 17

4 2 0
                                    

Paggising ko ay napatulala nalang ako sa pader ng kwarto ko. Tulala talaga as in. Nilalamon ng antok at thoughts yung utak ko. Sisiputin ko ba yun? Ano ba talagang gagawin ko?

Naistorbo ni Bryan ang pagiging tulala ko nang pumasok siya sa kwarto ko.

"Gising kana pala. Kain na tayo Tanya" Alok niya.

Tinanguan ko lang siya at nag-ayos na ng buhok bago lumabas ng kwarto. Nandun siya mag-isa sa kitchen table. Wala si Nick at baka tulog pa. Naupo nako at inilapag ang CP ko sa tabi ng plato ko. Sumubo ako ng isang kutsara ng kanin at ulam at sa hindi mawaring dahilan ay busog nako.

"Oh, isang subo lang?" tanong ni Bryan.

"Oo. Wala akong gana kumain" sagot ko. Tumango naman siya at inalok ako ng tubig kaya ininom ko nalang yon. Tumayo nako at naupo sa sofa para mag isip. Quarter to 8 o'clock palang naman kaya nagisip muna ako.

"Aalis ako Bryan ha?" Sabi ko kay Bryan na kumakain pa ng agahan.

"San punta mo?" tanong niya.

"Ahh, sa may café lang dun malapit sa school" sagot ko kahit alam kong duda siya sa sagot ko.

Nag-ayos nako ng sarili ko at umalis na sa bahay. Dumiretso muna ako malapit sa isang tindahan na malapit din sa location na sinend nung Unknown Number. Hinintay kong dumating siya para makita ko kung sinong kikitain ko.

"Tanya! Kung hindi kapa pinasundan ni Bryan sakin, hindi ka magsasama ng kasama mo?" Gulat na bati sakin ni James.

"Anong ginagawa mo dito?" pagtatakang tanong ko.

Siya kaya yung kausap ko? Alam niya naman number ko ah? Imposibleng siya yun kasi nabigay ko na ang number ko sa kanya.

"Pinasundan ka nga ni Bryan sakin, nakikinig kaba? Ayos kalang ba" Sabi niya sakin nang may pag-aalala sa boses niya.

Di ko na siya sinagot at hinintay ang kikitain ko. Sobrang curious nako kung sinong tatagpuin ko dito. Hanggang sa may isang lalaki akong nakita na parang may hinahanap din. Nanliit ang mata ko para tingnan nang malinaw kahit malayo ang itsura o dating ng lalaki.

Medyo bata, gwapo, mestizo, perm ang buhok, AFAM? Hindi, pero may lahi eh. Pero tagalog ko naman siyang nakausap? Ano ba kasi siya? I mean sino siya??

"Alam mo, bakit di mo lapitan?" sabi ni James

Nilapitan ko siya at nakatalikod siya samin nang papalapit kami kaya hinablot ko ang braso niya at hinarap sa akin.

"Hoy! Sino ka? Bakit kailangan mokong kitain? Madami akong tanong sayo kaya sumagot ka! Sino ka?!" tanong ko sa kanya na parang baril ang tanong ko sa tuloy tuloy na daloy ng bibig ko.

"Ako si Liam. Liam Vargaz ang name ko. Ikaw ba si Tanya?" sagot niya sakin.

"Oo, ano naman? Sino ka nga? Wala akong kilalang Liam kaya magpakilala ka kundi tatawag ako ng pulis!" Banta ko sa kanya.

"Fine. Pero can we talk in somewhere private?" Tanong pa nito.

"Aba? Nagdemand pa?"

"Hayaan mo na, pagbigyan mo na muna. Kasama mo naman ako" sabi ni James. Tiningnan ko siya sa mata at umakay sa kanya kaysa umakay kay Liam. Sumunod kami kay Liam at may private place na pala siyang nakaready. Naupo kami sa isang table na may tubig kaya uminom muna ako.

"Grabe ang init sa Pinas! Bukod dun, stressed ako kagabi pa kung sino ka talaga. Ano bang pakay mo sakin at kinukulit moko?" tanong ko.

Huminga siya nang malalim bago sumagot.

"Ako si Liam Vargaz, anak ni Leanne Vargaz. Ang mommy mo. I'm your step brother Tanya. Tanya Vargaz Flores is your real name and mom told it to me." Paliwanag niya.

"Teka, wala akong kilalang Leanne" sabi ko.

"But she's your mom, our mom. How come you don't know her?" sabi niya.

"Huwag mo nga akong inglisen, nakapagtagalog ka nga sa call eh. Ano nga kasing pakay mo dito?" sabi ko sa kanya.

"Hinanap kita simula nang marinig kong may anak si Mommy sa una niyang asawa. I've always wanted a sister pero hindi pa sila nagkakaanak since I was born. And knowing na may ate ako, hinanap kita. Di ko pinaalam kina mommy" sabi niya.

"So kapatid nga kita?" sabi ko sa kanya.

"Alam mo bang wala na ang Daddy ko, tapos ngayon magpapakita ka dito nang hindi nagpapaalam sa mommy mo? Baka nga mamaya hindi niya ako tanggapin pag pinakita mo ako sa kanya." Sabi ko sa kanya at naramdaman niya rin ang hinanakit ko dahil hindi ko talaga ramdam na may ina ako nung nabubuhay pa ang daddy.

"Believe it or not, lagi ka niyang bukambibig ate. Hinahanap ka din niya. Yun nga lang di ko sinabing hahanapin kita. Gusto ko siyang isurprise sa birthday niya eh" Paliwanag niya.

"Wala akong alam tungkol sa kanya" sabi ko.

"Don't worry ate, hindi kita ipapakita kay mommy hangga't di mo siya nakikilala nang lubos" Excited na sabi ni Liam. Hindi pa nagsisink in sakin na kapatid ko siya.

"Anak ka talaga niya? Bakit ang bait mo?" sabi ko.

"Mabait din naman siya ate grabe ka naman. Kaya nga siya pinakasalan ni Daddy bago pako mabuo eh. Mahal nila ang isa't isa at masaya sila sa piling ng isa't isa. And by the way, ang Dad ko Americano kaya ang pogi ko" sabi niya.

Tumawa naman kaming dalawa. Pinagmamasdan ko lang siya. Hindi ako makapaniwalang may kapatid akong pogi, isang taon lang ata agwat namin, at ang ganda ng mata at kilay niya. Masasabi kong perfect siya pero kapatid ko siya kaya wag kayong mag-isip ng kung ano ano.

Natapos ang hapon namin nang maghiwa-hiwalay na kami.

"Text nalang kita ulet ate! Salamat sa time mo!" sabi niya sabay talikod at alis habang kinakawayan ko palayo.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now