CHAPTER 16

4 2 0
                                    

Nagising ako sa kalabog ng pinto ng kwarto ko. Ang lakas ng kumakatok at hindi alam na tulog pako. Umaga naman na at alas nuebe na pagtingin ko sa orasan. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Nick na nagwawala.

"Ano kabang bakla ka ang ingay-ingay mo, umagang umaga" reklamo ko sa kanya.

"B-Bakit hindi mo man lang ako ginising para ilipat sa kwarto ko yung tulog ko aber? Hinayaan mo talaga akong matulog sa dibdib ni Bryan???"

Fast pa kay flash kung magsalita si Nick. Ang bilis magsalita as in kung makapagreklamo akala mo di niya bet yung ganon.

"Oh eh ano naman? Hindi ba bet mo rin namang may kayakap na lalaki?" sabi ko.

Naupo ako sa kama ko at kinuha ang suklay.

"Gusto mo rin naman talaga yun, gaganyan ganyan kapa" dugtong ko.

"Pero bakit?" tanong niya.

Hindi ko na siya sinagot at tumayo na para kumilos sa labas. Naglinis ako ng mga kalat sa labas at pinagtatapon ang mga basura habang habol naman nang habol sa tanong itong si Nick. Hindi talaga matigil. Habang yung isa tulog pa.

"Alam mo ikaw? Maghunos-dili ka nga? Kumalma ka don! Natulog lang kayong magkapatong ganyan k-" naputol ko ang sasabihin ko nang marealize kung bakit siya nagkakaganon.

"AHA! Bakla ka nga! Walang nangyari sa inyo okay? Inantok kayo pareho, nakatulog ka sa balikat niya at siya namang pagyakap niya sayo. Kaya tigilan mo pagiging ilusyunada mo!" Paliwanag ko nang nakasigaw.

Nahimasmasan ang baklush. Hindi ko na nilingon at tinuloy ang ginagawa ko. Hindi ko na din pinaalam yung tungkol sa liham baka lalong maging OA.

Natapos nakong magligpit at nagpahinga nako sa sala. Humiga lang ako saglit at naidlip. Nang magising ako ay nakita kong may message si Miss A sa group chat namin.

*Print out your finished chapters 1, 2, and 3, and pass it tomorrow on my table at 8am. Don't Be Late or I won't accept your papers!* Miss A.

Agad ko namang tinapos ang paper namin at pinrint. Pina-compile ko nalang yon kay Nick at pinadala ko sa kanya. First time kong maging leader kaya ang saya-saya ko na ang sipag namin as a whole group at lahat gumagawa talaga at hindi lang umaasa sa kung kanino.

Nang walang ano-ano, nag-ayang mag mall si Bryan at Nick. Pumayag naman ako kaya pumunta kami ng mall para doon narin magtanghalian. Dumaan kami sa mga accessories, bags, grocery, at arcade. Naalala ko nanaman si Dad, pero wala. Masaya nako kasi dala-dala ko ang mga aral na binigay niya sa akin at ang tapang na meron siya? Nailipat sa akin. Kaya naman, kayang-kaya ko na ang sarili ko.

Nagmeryenda din kami sa foodcourt nang mall dahil maraming option. Naupo kami malapit sa inorderan namin ng unli para malapit lang kami pag babalik. Naupo nako habang nagiintay kina Bryan na umoorder ng foods namin.

Chineck ko agad ang phone ko and may message akong natanggap.

*Hey Tanya? Is this your number? Tanya Flores?* from a Unknown Number.

Hindi ko na pinansin yung text at inoff ang phone ko. Dumating na sila Nick dala ang food naming tatlo at kumain na kami nang sabay sabay. Tumunog nanaman ang phone ko habang sinusubo ang last bite ng food ko.

*Can you answer my text? I want your confirmation* from a Unknown Number.

Tinaob ko nanaman ang phone ko as a sign na inoff ko ito.

"Sino ba 'yan sis? Nakabusangot mukha mo" tanong ni Nick.

"Wala, Unknown Number eh. Nakakadalawang message na e hindi ko naman kilala so bakit ko pa sasagutin?" sagot ko naman.

"Malay mo importante?"

"Fine." Sabi ko sabay kuha sa phone ko.

*Sino ka ba? Bakit ang kulit mo?* Sent.

Pinakita ko kina Nick ang reply ko. Tumawa naman silang dalawa sa reply na nakita nila. Nang bawiin ko ang screen, nagreply na ulit ang Unknown Number.

*Basta meet me <location>, tomorrow 10 am* received.

Di ako makapaniwalang hindi parin siya nagpakilala. Hindi ko na ulit nireplyan at tinapos na ang pagkain naming tatlo. Curious man ako pero wala akong balak na kitain siya kung di ko siya kilala. Pero bakit kasi biglaan? Bakit kailangang sa meet up pa sabihin kung sino siya?

Nang makauwi kami, dumiretso nako sa kwarto ko after kong maglinis ng katawan dahil gumugulo sa isipan ko ang unknown number na 'yon na kanina pa nagtetext. Bago pako makatulog ay nagtext nanaman ang magaling na unknown number.

*Tomorrow. 10am. Don't Be Late!* received.

AGGHHH! Bahala na nga. Lord guide me as always para naman goods akong makauwi bukas. Matutulog na ako at nang makapagpahinga. Hindi parin ako makatulog nang tumawag na ang unknown number. Di ko alam kung sasagutin ko ba or what. No choice na.

"Hello?" sabi ko.

"Tanya, hello. Tomorrow ha? 10 am tayo" sabi ng isang lalaking boses.

"Sino kaba muna?" tanong ko.

"Huwag kanang magtanong, basta kitain moko."

"Pano kung wala akong tiwala sa'yo? I mean wala naman talaga akong tiwala sayo kasi sino kaba para kitain ko?"

"Importante to pwede ba? Huwag ka nalang masyadong madaming tanong."

Binabaan ko siya ng call. Sa bwisit ko ay natulog nako at nakasimangot pero nilalamon ng mga tanong ang utak ko. Sino ba yun? Bakit kailangan makipagkita? At saan niya nakuha ang number ko?!

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now