CHAPTER 15

3 2 0
                                    

Nagpasa na sa akin ng mga final parts for the draft ng aming study ang mga kagroup ko kaya inayos ko na agad iyon sa word at hinayaan na masettle iyon doon bago magpacheck kay Miss A for corrections and continuation. Hindi kasi namin pwedeng iusad ang study nang walang signal ni Miss.

Napangiti nalang ako nang matapos na ang mga gawain ko at makakapagpahinga na. Bigla kong naalala yung mga letters na natanggap ko sa lamesa ko kaya kinuha ko sa bag ko yun at pinagbabasa isa isa.

[Letter from: Sir Mike]

Hi Ms. Flores, I sent you this letter to know how is Nick? Okay na ba siya? Is he feeling okay? Sana naman ay nasa maayos na siyang kalagayan. I'm kind of accountable if anything happens to him. Sana talaga ay magaling na siya at okay na ang pakiramdam niya. Get in-touch with me if he's okay now.

Ps. Di ko kayo kilala online kaya letter nalang binigay ko, hahshhaksks...

Grabe, bakit di nalang niya dinirekta to kay Nick? For sure pulang-pula na yun sa kilig once na mabasa niya itong pangangamusta ni sir sa kanya. I mean, he's fine but, DANG! Ang lakas ng amats ni Nick kay sir Mike!

[Letter from: James]

Tanya, I know it's a bit awkward for me to send you letter sa 21st Century pero it was kind of my thought na magsulat nalang kasi di ko feel na magchat sayo. Anyways, The kiss? I wanted to talk to you about it kasi masyado akong napangunahan ng nararamdaman ko pero I'm sure may araw din na makakausap kita about it.

Yun lang pala yung letter ni James? Napagusapan naman na naming iyon sa kotse niya so maybe it was okay na? Hay nako ewan, basta ang alam ko kagagawan ni Author yon! Next letter nan ga *Eye rolled*

[Letter from: Cedric]

Hi Tanya! I know naman na bago lang ako sa circle niyo pero I'm thankful na naging part ako ng research group niyo. And don't worry, Malaki ang maiaambag ko sa paper natin promise yan! Thanks ulit! Ayoko kasing maging kagroup sina ano.... ALAM MO NA. Joke! AHHAHAHAH basta salamat! Just message me pag may kailangan ka ha?

Wow! For the first time in my groupmates herstory, may kagroup akong masipag at responsable! At hindi lang yun, nagvovolunteer! Sana si author din may ganoong kagroup kasi baka sinusulat lang niya yon kasi may mga kagroup siyang pabigat sa kanya. Tama ba author?

(Caliber96_): Ba't mo naman natanong??

Wala lang, para kasing kaya ka nagsusulat ng mga ganitong character eh dahil hindi ka nagkaroon ng mga kagroup na gaya nila?

(Caliber96_): Ano naman? Magfocus ka na nga lang sa letter na iyan. May isa pa oh!

Oo na sige na! Bubuksan ko na tong letter ni Kiel. Sa kanya nalang tong naiwan eh.

Bubuksan ko na sana ang letter ni Kiel nang kumatok sa kwarto ko si Bryan. May dala-dalang pagkain at madami siyang dala.

"Gusto mo Tanya? Kakain kami ni Nick dito sa sala" anyaya ni Bryan. Sumunod nalang ako palabas at iniwan ang letter ni Kiel sa Unan ko. Nagpagpag ako ng suot ko at tumayo na papunta sa Sala.

"San galing mga foods niyo?" tanong ko.

"Wag kana magtanong te, kumain ka nalang" Sagot naman ni Nick.

Nagkibit balikat lang ako sabay upo sa tabi ni Bryan at hinainan ako ng pagkain at iniabot ang soft drink sa akin. Kumain lang kami habang nanonood ng movie sa tv. Binge watch kami ng movies ni Kathryn B.

Natapos nalang kaming kumain at niligpit lahat ng pinagkainan.

"Malapit na maghapunan, kakain paba kayo? Busog nako baka maaga ako makatulog" sabi ko sa kanila habang nagliligpit.

"Hindi na siguro, busog na din ako eh. Ikaw ba Bry?" sabi ni Nick.

Umiling din si Bryan at tinapos na ang nililigpit nila at naupo na sa sofa para makapagpahinga. Wala kaming pasok bukas kaya pwede magpuyat pero puro kami inaantok.

"Ano balak niyo bukas?" tanong ni Bryan habang tulala.

"Wala naman, parang dito lang sa bahay" Sabi ko naman. Nagkibit balikat siya nang sagutin ko ang tanong niya. NagCP lang ako habang nanonood sila ng movie. Makalipas ang ilang oras, di ko namalayang nagyayakapan na ang dalawa at nakatulog. Di ata nila pansin na nagkayakapan na sila sa sofa.

Pinicturan ko silang dalawa at napatawa sa kacute-an nilang dalawa. Bagay naman sila, sadyang straight si Bryan at ayaw ni Nick kay Bryan. Feeling ko nga may manliligaw tong si Nick pero parang bet niya parin talaga si Sir Mike.

Nagpunta nako sa kwarto ko at doon natulog nang patayin ko ang tv at ilaw sa sala.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now