CHAPTER 21

10 2 0
                                    

It is our semestral break and pinaanyayahan kami ni Miss Jessie na sumama sa isang campsite kung saan kami magbabakasyon for 3 days and 2 nights. Ofcourse sinabi ko na agad kay Miss na wala nakong parents kaya sasama nako kasi will ko namang sumama.

Nag-paalam din ako sa kanya na kung pwede isama si Bryan kasi mag-isa nanaman siya sa bahay dahil kasama ko si Nick sa Campsite. Pinayagan naman ito ni Miss Jess kaso itong si Bryan ang ayaw sumama, mas gusto niya daw masolo ang bahay kaysa sumama sa amin.

Bilang lang kaming mga babaeng sumama, kasama sila Kiana, Vien, Zyn. Mas marami namang boys na sumama dahil mas maaasahan sila at sila mismo ang gustong magpunta sa camp dahil nirequest nila ito sa meeting noong nakaraang sabado. Kasama siyempre si Nick, Nathan, Tristan, at Cedric.

"Oh, good to see you here Tanya. Are you ready to go camping?" Bati ni Kiel sa akin nang sumulpot malapit sa bus na sasakyan namin.

"It's quite refreshing to have a vacation in a lake with a waterfall right? I mean, ang sarap isipin na makakapag unwind tayo dun tapos ikaw pa kasama ko." Sambit pa nito sabay akbay sa akin.

Inalis ko sa braso ko ang kamay niya. Maya maya'y dumating na din si James na akala kong di sasama.

"Akala namin di ka na sasama?" tanong ni Kiel sa kanya.

Tinitigan lamang ni James si Kiel at sabay na nginitian ako. Bineso ako nito, namula nalang ako sa gulat at natahimik.

"Uh! Excuse me?" mataas na boses ni Kiel kay James.

"What?" pasaring naman ni James.

"How dare you kiss her?"

"It's just a beso, besides mapapasakin din naman na si Tanya." Sagot ni James kay Kiel. Nagtitigan nanaman ang dalawa.

"Tumigil nga kayong dalawa. Nandito ako para magrefresh at magpahinga. Huwag niyo akong i-stress-in" Awat ko sa kanilang dalawa.

Nag attendance na si Miss Jess at isa-isa na kaming sumakay sa Bus para makaupo sa tamang upuan namin. Ilan sa amin ay magkakatabi, nalayo nang kaunti sakin si Nick pero katabi niya naman si sir Mike.

Kitang kita ko namang tuwang-tuwa si akla. Nginitian ko nalang siya at sabay kuha ko ng earphones ko para magpatugtog sa byahe dahil ayaw ko ng distorbo.

"Can I sit beside Tanya, Miss Jess?" dinig kong tanong ni Kiel kay Miss.

Nakita ko ding nag nod si Miss Jess kaya agad akong umalma.

"Ah Miss Jess, excuse me opo. I want to sit alone po, dun nalang ako sa dulo" suggestion ko kay Miss Jess.

Pumayag naman si Miss at agad akong umupo sa gusto kong upuan. Tumabi sakin sina Tristan at kasama niya si Nathan na tropa ni Kiel kaya naupo ito sa kabilang dulo. Sakop namin ang apat na upuan. Nang makita ko si Kiel ay bakas sa mukha niya ang inis.

Tumawa nalang ako at nagpatugtog.

Bumyahe na kami papunta sa campsite kaya natulog muna ako habang nakikinig ng music. Kita sa tanawin ng byahe ang ganda ng paligid. Mala-probinsya ang tanawin kahit na nasa highway palang kami.

"Tanya, pinabibigay ni Kiel oh" Kalabit sa akin ni Tres habang hawak ang isang sandwhich at tubig.

Nginitian ko siya bilang pasasalamat. Napawi ang inis sa mukha ni Kiel nang makitang tinanggap ko ang bigay niya.

"pakabusog" kita kong bulong ng bibig niya, kaya nginitian ko siya ulit.

Kumagat ako sa tinapay at uminon ng tubig bago matulog sa byahe. Ramdam ko ang sarap ng tulog ko sa uga ng Bus na parang hinehele ako sa tulog.

Inabutan kami ng ulan kaya mas lalong lumamig ang aircon sa loob ng bus. Nanginginig nako sa lamig na parang nasa igloo ako. Tinitiis ko lang iyon. Nang di ko mapansin, tumayo na pala si James papunta sa akin.

"Mr. Silvestre, Take a seat." Paalala ni Mrs. V.

Nakita kong tumango lang si James, lumapit lang siya sa akin at iniabot ang jacket niya sa akin. Bumalik na siya sa pagkakaupo nang di pa nagsasalita sa akin.

"Thankyou" Bulong ko sa kanya nang tumingin siya ulit sa akin pabalik nang makaupo.

Nakatulog nako ulit sa byahe kaya hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

-------------------

"Tanya, gising na nandito na tayo sa Camp" Paggising sa akin ni James.

"Yeah, sunod ako" naalimpungatan ako sa gising ni James sa akin.

Paunti unit kong dinilat ang mata ko at nag-inat ng katawan. Dalawa talaga silang naghihintay sa akin na tumayo ako. Si James malapit sa akin, habang si Kiel naman ay nasa pinto ng Bus.

"Gising kana Prinsesa ko" Bati ni Kiel sa akin.

"Ang baduy mo, alam mo ba yun?" pabirong sabi ni James.

Tumawa nalang ako at bumitaw sa mga hawak nila sa akin. Kinuha na ng mga organizer ang mga gamit namin at dinala sa mga tents na tutulugan namin mamayang gabi.

"Okay, now for the tents ay babanggitin ko kung sinong magkakasama" Anunsyo ni Miss Jess. Kita ko din na iilan lang ang tents dahil kaunti ang space na pwedeng pag lagyan kaya kaunti lang ang nailagay.

"Bale sa isang tent ay may isang teacher at tatlong studyante. Sa unang tent nandyan ako, kasama sila James, Nick, Cedric, at Kiana" ani Miss Jess.

"Sunod naman ay sina Sir Mike, kasama sina Vien, Tanya, Tristan, at Lauren"

Sinasama ni miss Jess ang ibang mga studyante na nasa ibang bus na kasama din namin. Dalawang bus ang gamit namin at kaunti lang sa buong school ang sumama.

"Sa ikalimang tent, nandiyan si Miss A niyo, kasama si Kiel, Jonathan, Vien, at Hillary"

Nagpatuloy lang sa pag aanunsyo si Miss Jess hanggang sa tinawag niya ang huling magkakasama.

"Sa last tent, ang magkakasama ay sina sir Leon, si Zyn, si Mrs V. at si...." Chineck niya ang listahan.

"wala na, silang tatlo lang nandun" sabi ni miss Jess.

Nagsipuntahan naman kaming lahat sa kanya kanya naming tent. Kita kong parang nagiging close na si sir Mike at Nick gayung magkasama na sila palagi ngayong pagbaba palang ng Bus.

"Are you going to be fine here Tanya?" tanong ni James na nasa likuran ko na pala.

"Yeah" sagot ko naman sa kanya at nginitian lang niya ako.

Tinuloy ko lang ang mga ginagawa ko, habang inaasikaso na ng mga teachers ang bonfire, foods, and amenities na gagamitin namin for the next day and night namin dito sa camp.

Nagulat nalang kami nang may biglang dumating na bisita. Halos kaedad lang namin siya. She looks so good and parang hindi naman siya galing sa school.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now