CHAPTER 7

14 2 0
                                    

Nang mahimasmasan si Daddy, naisipan kong aliwin siya at ayain na mag-mall kaming dalawa. Agad naman siyang pumayag, kaya nagbihis nako at nag-ayos nang konti para sa Father-Daughter Date naming today. Paglabas ko ng kwarto napanganga ako sa suot ni daddy, nakaslocks na beige, white polo shirt at shoes na pang bonggang labasan!

"Wow daddy, sabi mo mall pupuntahan natin? Parang golf naman yang suot mo" Hirit ko, napangiti si daddy sa sinabi ko.

"Ano kaba, simpleng panlabas lang to anak. Halika na!" Sabi ni Daddy. Umalis na kami nang bahay at nagpunta ng mall. "San mo gusto nak? Kainan? Shopping? Or Arcade?" Excited na tanong ni Daddy. Mahilig kasi kami ni Daddy mag arcade, malakas siyang mang spoil sakin dahil only daughter nga.

"Tara arcade muna anak" Aya ni daddy. Pumasok na kami sa Arcade at bumili si Daddy ng worth 2-thousand na tokens. "Oh enjoy anak ha, have fun!" Ibinigay niya sakin lahat ng token at naglaro ako. "Sunod ako nak!" Habol ni Daddy. Tumango ako at naglaro na ng basketball.

Nagpatuloy ako sa paglalaro nang may kumalabit sakin. "Oh Bry, ba't nandito kayo? Nasan si Frida?" Nakita ko sina Bryan at Nick na magkasama. "Oh wala, di siya pinayagan kaya kami lang ni Nick ang magkasama. Eh ikaw ba't mag-isa ka?" Tanong ni Bryan.

"Ahh hindi, kasama ko si Daddy. Ayun oh may kausap ata sa telepono kaya nakatalikod" Turo ko kay Daddy. Sinamahan ako nina Bry na maglaro kaya pinagamit ko rin sa kanila yung token na bili ni Daddy.

"Oh nak, sino tong mga kasama mo?" Tanong ni daddy nang makalapit samin.

"Ah Dad, si Bryan at Nick mga kaklase ko. Friends ko Dad!" Sagot ko naman.

"Woah! Ikaw pala si Bryan? Lagi kang nababanggit nitong si Tanya eh, nililigawan mo ba?" Hirit ni daddy. "Dad naman!" nahihiyang sabi ko.

"Ahh hindi po tito, BF ko po si Bryan" singit ni Nick.

"Baliw" Sabi ni Bryan. Nagtawanan kaming apat. Nagpatuloy kami sa paglalaro nang biglang magpaalam si Daddy. "Ahh nak, may kukuhanin lang ako sa kotse ha? Naiwan ko kasi yung isa kong wallet, nandun yung card ko" Sabi niya. Tumango ako at nagpatuloy sa paglalaro sa arcade.

--------------------

Ilang minute na ang nakalipas at hindi pa nakakabalik si Daddy.

*Daddy Calling* I answered my phone. "Dad asan kanaba, bakit ang tagal mo?" tanong ko. Ibang tao yung narinig kong sumagot ng phone. "Sino ito? Hello?"

"Hello iha, ikaw ba ang anak ni Kiko Flores? Iha may kasama kaba?" tanong ng kausap ko sa telepono. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko, naluluha, kinakabahan, nababalisa. Halo-halo na!

"O-opo ako nga po, sino po ito?" Sabi ko sa cp.

"This is from Red Ground Hospital" Nanahimik ang paligid ko, wala akong ibang marinig kundi tibok ng puso ko. Naghihintay sa sasabihin ng kung sinumang kausap ko sa phone.

"Your dad is Dead On Arrival here in RGH this 1:30 pm." My Jaw Dropped.

"WHAT?!" Sigaw ko sa phone na dinig ng ibang tao sa loob ng mall.

"No-no-no-NOOO!!" Iyak na sigaw ko. Hindi, ayoko! Hindi to nangyayari! Gisingin niyo ako! PLEASEEE GISINIGIN NIYOKO!

"Im sorry ma'am" sabi ng nasa phone. Binaba ko agad ang telepono ko at nagmadaling tumakbo.

"Wait san ka pupunta?" dinig kong tanong nila Nick. Hindi ko na sila nagawang tingnan pa at nagmamadali akong tumakbo palabas ng mall. Pumara ako ng taxi, "Red Ground Hospital kuya, BILIS!" Sabi ko sa taxi.

Nanginginig na sa takot ang tuhod ko. Lord ayoko pa please, please let me see and talk my dad! PLEASEE!!! Siya nalang ang meron ako, kukunin mo pa? Lord naman!

Nakarating nako sa hospital, nasundan ata ako nila Bryan kasi nandun na din sila nang makababa ako sa taxi, "Girl kumalma ka" Paalala ni Nick.

Pumasok na agad ako sa Emergency Room at hinanap si Daddy. Nakita kong duguan siya at puro pasa. "Doc anong nangyari? Bakit ganito ang daddy ko? DOC ANO?!" Sigaw ko sa loob ng E.R.

"Huminahon ka Iha, we will clarify what happened" Sabi ng doctor.

Lumabas kami sa cubicle ng bedrest ni Dad, sinarado nila ang kurtina nito at kinausap ako. "Your dad has receive severe body crash and brain damage dahil sa tinamo niyang bangga. He is hit by a car multiple times." I was shocked sa sinabi ng doctor, even Bryan and Nick can't talk with the information na natatanggap namin.

"Binangga? Nino???" tanong ko sa sarili ko. "MULTIPLE TIMES?!" For God sake sinong may gawa nun?? Nakakaloka naman, tatay ko yun oh, wala pang awa sa ginawa sa kanya? Inulit ulit pa? Nakakagigil, nakakapu****ina!!! Sa lahat ng pwedeng mamatay, tatay ko pa??? PAKAWALANGYA!

"Doc, who did this?" I grasply asked the Doctor.

"Only the rescuers were able to see what happened dun sa scene" Sabi ng doctor.

"Then sinong nakakita ng nangyari?" Galit kong tanong.

Kapansin-pansing lahat sila ay natatakot sa kung anong pwede kong masabi at masisi. Kaya lahat halos sila ay nagtuturuan gamit ang mata.

"Ah walang magsasalita?" Sabi ko. Agad namang tinitigan ng karamihan ang isang lalaki, "You, you saw something before you guys took my dad here?" I asked.

"Ahh mam nakita ko lang ang isang sasakyan na puro dugo ang harapan, ang plate ay KMZ 590" Sabi ng nurse na tinuro ng karamihan.

"I will make you pay, you f*cker!" bulong ko sa sarili ko.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now