CHAPTER 2

34 2 0
                                    

Nakita namin na naghihintay sina Bryan sa field. "Ang aga niyo ata dito?" tanong ko. Lumapit kami at sinamahan silang umupo at kumain.

"Maagang nagdismiss yung Home Economics namin eh" hirit ni Frida. Nilabas nila yung mga dala nilang pagkain. Kitang kita kung sinong mayaman sa aming apat.

"Taray, sushi talaga??" patawang tanong ni Bryan. "Fave ko to eh bakit ba? Pakainin nalang kita kung gusto mo" Sagot ni Nick.

Sabay sabay lang kaming kumain kasi kanina pa naman kami gutom ni Nick. Kapansin-pansing may dumaan na nakamotor sa harap namin. Kung titingnan mo siya, mapapanganga ka talaga kasi fit yung damit niya, bakat na bakat sa damit niya ang Maganda niyang katawan.

Nagpark siya sa bandang tabi ng palm tree sa tapat ng Guidance Office, at nakuha talaga nito ang atensyon ko nang tanggalin niya ang helmet. Ang ganda ng wasiwas ng buhok, may kanto ang panga, at higit sa lahat - matangos ang ilong, bilog ang mga mata, at kumikislap ang mga labi na animo'y naka lipstick ito pero hindi.

"Ang hot naman nun" Pasaring ko habang nakatitig kami ni Nick sa nakamotor. Kapansin-pansin din na maraming bumabati sa kanya. Sa tagal-tagal kong nagaaral dito sa HHS ay ngayon ko lang siya napansin.

"Bakit kilala siya ng iba?" tanong ko. Agad naman akong tinitigan nila Frida, Bryan, at Nick na akala mong may mali sa sinabi ko.

"Have mercy Tanya! Hindi mo kilala si Kiel?" OA na sagot ni Nick. Kilalang kilala niya ito dahil narin siguro sa talino niya.

"Siya si Ezekiel Juan Zamora. The one and only Vice President of the SSLG or Student Supreme Loyale Government of HHS! San kaba nagaaral?" Pasaring ni Frida.

"Akala ko ba tomboy ka? Eh bat parang mas inlove kapa kay Nick?" Pabiro ko kay Frida. Madalas na kaming nagbibiruan sa mga kasarian namin kasi matagal na namin silang tanggap ni Nick. Habang kami ni Bryan naman ay straight.

"OA ka Tanya, sinabi ko lang naman name niya no! Bahala ka jan di ko nalang ipapakilala sayo" tampong sagot ni Frida.

Kitang kita kong pumasok yung guy na yun sa Office. Anyways may ilang klase pa kaming apat bago ang uwian mamaya. "Pasok na kami ni Nick sa next sub namin ha?" Sabi ko sa kanila. Agad namang tumayo si Nick at sumunod sakin.

Pagpasok namin ay agad namang sinundan kami ng teacher namin kaya naupo na agad kami sa upuan namin. Medyo may pagkaboring itong subject namin na ito. Maya-maya ay naantala ang discussion ng teacher naming nang pumasok sa room namin ang mga SSLG Officers.

Tiningnan ako ni Nick nang matindi nung makita naming pareho yung Kiel na nakamotor kanina. "Goodafternoon Ladies and Gentlemen, we are the Officers of the SSLG of HHS. We are here to announce na magkakaroon ng SEMI-STER FINALS wherein we are having a ton of Activities, nandiyan ang Sports Fest, Band War, and specially Ms. Hiraya 2024" Announce ng President nila na si Miggy Suarez.

"We are encouraging you to join our activities to experience the best of Hiraya High School. Specially the Ms. Hiraya 2024 will be crowned and she will receive a cash prize of 10 Thousand Pesos, sponsored by our Principal and Sponsors from different Investors. We are gladly appreciating your participation in our SEMI-STER" dugtong na announcement ni Kiel, or the Vice President of SSLG. "THANKYOU!" Sabay sabay na hiyaw ng mga officers.

Matapos nilang umalis ay nagpalakpakan ang mga studyante sa loob ng room. "Sali kaya ako sa Ms. Hiraya? Baka Manalo ako, may ten-kwit pako" Sabi ni Nick. Nginisian ko siya.

"Tingin mo isasali ka nila? Babae nga daw diba?" sabi ko sa kanya. "Babae naman ako ah?" Biro nito. "Binabae kamo." Biro ko naman.

Nagtawanan nalang kami, kapansin-pansin na parang iniiscan ng teacher namin ang room. "Sino ba sa inyo ang sasali sa Ms. Hiraya?" Tanong ng teacher. Nagtitinginan lang lahat.

"Si Kherxien nalang sir tutal muse naman natin siya." Sabi ni Cedric bilang taga-announce ng mga kung ano-ano, PIO kasi siya kaya ganon.

"Oo nga"

"Pwede nga si Kherxien"

"Go Kherxien, Sali ka!"

Dinig kong bulungan ng mga kaklase ko. Tumango naman si sir, pero naghahanap pa siya ng ibang ipipresinta sa klase. Nagkasalubong ang mga mata namin. "Bakit hindi si Tanya?" Tanong nito.

Agad na nagbulungan din ang mga kaklase ko. "Ooh, gandang laban din yan" "Bagay din kay Tanya no?" "Oo" Dinig ko ding bulungan ng mga ito matapos akong irekumenda ng teacher namin. "Ipaalam niyo nalang sa adviser niyo kung sinong papasalihin niyo" Sabi ni sir at agad na nagdismiss ng klase.

Naglabasan naman kami at dumiretso na sa gate. Naghihintay na doon sila Bryan at may plano kaming magliwaliw sa mall after class. "Tara na?" tanong ko sa kanila.

Sumakay na kami ng jeep papunta sa Mall at bumaba para maglibot libot. Di maalis sa isip ko yung dating ni Kiel, ang tikas niyang tingnan, brush up ang buhok na akala mo nag-ayos para sa announcement.

"Huy ate tulala ka, kanina pa kita tinatanong kung anong oorderin mong drinks" Di ko namalayan ang paligid, nasa isang Resto na pala kami. "Ahh iced tea lang ako." Sabi ko kay Nick. Naupo nalang kami sa isang table malapit sa Entrance ng Resto.

"Lalim ng iniisip natin ah?" tanong ni Bryan. Hindi kasi maipinta ang mukha ko, talagang pansin nila na may iniisip ako? Hay! Bahala na nga. Dumating na nga yung inorder nilang food. "Dami naman ata?" Tanong ko. Walang sumagot sa kanila, kumain lang ang mga damuho.

"So anong plans niyo? Weekend bukas." Tanong ko. "What do you prefer doing ba?" tanong naman ni Bryan. "Date mo kaya ako?" Biro kong sagot. Ngumisi lang ito, "Ayoko nga. Di kita type eh, si Frida nalang" tawanan naman kaming apat. Ang saya nila kaibiganin. Lalo akong nagiging masaya na sila ang mga nakatagalan kong kaibigan kasi nung naging kaibigan ko sila, hindi nako naging malungkot.

Natapos kaming kumain at umuwi na sa kanya-kanyang mga bahay. Bumungad sakin sina Mommy at Daddy. "Oh nak, nakauwi kana pala. Kumain kanaba?" tanong ni Daddy. "Yes Dad, nag-aya kasi sila Nick" Sagot ko. Nagmano nako sa kanila at dumiretso sa kwarto ko.

Niligpit ko ang mga gamit ko at nagpahinga na'ko sa kama.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now