CHAPTER 19

7 2 0
                                    

Nahimasmasan nako sa mga pangyayari ngayon araw. Knowing I have a half-brother, Panliligaw na tanong ni James, at ngayon dumagdag pa si Kiel. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. First time kong mastress sa ganitong bagay.

Naghain nako for dinner at tinawag si Bryan.

"Anjan ka pa pala bro" bati ni Bryan kay Kiel na nakaupo't nanonood sa tv.

"Yeah, imma eat dinner here narin kasi I bought some ulam" sagot ni Kiel.

Inayos ko na ang mesa at inihain ang mga ulam pati ang sinaing ko. Naglapag lang ako ng tatlong plato at wala parin si Nick, wala atang balak umuwi si Bakla.

"Let's eat na" aya ni Nick.

"Oh wait, Bryan's gonna pray pa" paghinto ko sa pagsubo ni Kiel.

"Thankyou Lord for the food we're about to receive, give us the strength that we all need to thankyou for all the blessing you have given us tonight. Bless us our Lord and those who prepared our dinner, AMEN!" pauna ni Bryan.

Kumain na kami. Tahimik lang na kumakain si Kiel habang tinititigan ako. Ang pogi niya talaga, hindi ko lubos maisip na magkakandarapa ang ganito kagwapo sa akin? I mean, I look so pretty and hot din naman kaya bagay kami pag nagkatuluyan.

Kidding aside, he's very charming, innocent looking, but buffed body. I really love his pump, and his broad shoulders? UGH! So hot!

"Tapos kana kumain, Tanya?" tanong ni Bryan.

Nahuli niya ata akong nakatitig lang kay Kiel at hindi pa ubos ang food ko sa plato. Minadali kong ubusin ang pagkain ko at niligpit na ang pinagkainan ko. Pumunta muna ako sa kwarto ko at hinayaan silang kumain sa kusina.

Nagstay ako sa kwarto ko for a while habang nagcecellphone. Tamang nood lang ng IG reels at nakikita ko talaga si Kiel sa mga bikers dito sa reels na napapanood ko like omg ang hot talaga! Tinitiis ko ang kilig ko kasi masyado siyang gwapo para kiligin ako nang ganito.

Maya maya ay kumakatok si Kiel sa pinto ko. Pinagbuksan ko siya at pumasok naman siya nang maupo ako ulit sa kama ko. He locked the door and sat beside me. Niyakap niya ako at inakbayan na parang sasaluhan ako sa panonood sa cp ko.

"What do you think you're doing?" Tanong ko sa kanya.

"Being affectionate to you, why?" sagot naman niya na ikinapula ng pisngi ko.

"Don't you want my company tonight Tanya? Can I barge and sleep in here?" tanong naman niya sa akin na lalong ikinahiya ng mukha ko.

"No. Hindi, hindi pwede. Umuwi ka sa inyo" Sagot ko nang may pagkaalog ang boses.

"But I want to lie here down" sagot niya sa akin at nagbirong humiga sa kama ko at nagtulog-tulugan. Nginitian ko lang siya at nilapitan. Hinimas ko ang buhok niyang malambot at tinapik ang braso.

"Hindi nga pwede Kiel, umuwi kana muna sa inyo. Bawal pa." sabi ko sa kanya nang nakangiti. Pansin sa mukha niya ang pagbababy face na parang nagmamakaawa.

"Bakit hindi pwede? Nakalock naman yung door oh" sabay turo niya sa pinto.

"That's the point, nilolock mo pa yung pinto. Parang may balak kang gawin sakin eh" pabiro kong sabi. Tumayo naman siya para iunlock yung pinto.

"Ayan open na po, can I sleep here na?" tanong niya nang nakangiti.

Natawa nalang ako sa kanya at umiling. Ang cute niya tingnan, para siyang baby na gustong makitulog sa tabi ng ate niya, But this time is not like that. He wants to sleep beside his future girlfriend na hindi ko papayagan at hindi pa naman kami.

"Alam mo ikaw? Umuwi kana sa inyo" sabi ko sa kanya habang inaabot ang jacket niya para kunin niya at suotin.

"Ihahatid na kita sa labas, nakita ko motor mo dun" sabi ko.

Lumabas kami ng kwarto at sinundan niya ako palabas ng bahay. I pinched his cheeks that caused him to smile. Ang pogi niya ngumiti, nakakatunaw at hindi ko maitanggi, nakakainlove. Pero hindi ako bibigay. Pinagbuksan ko siya ng gate at tinitigan lang niya ako habang inaayos ang helmet.

"Sure ka ha? Ayaw moko katabi matulog ngayong gabi?" tanong niya.

"Oo nga, kulit naman." Sagot ko.

Wala pang ilang minuto ay napansin kong nasa labas din pala ng bahay namin ang kotse ni James.

"Andito pala si Kiel?" Tanong ni James nang makalabas sa kotse niya.

"Kanina kapa ba jan? Umuwi kaba?" tanong ko. Umiling siya.

"Dude, you should go home. Uuwi narin ako, hindi ako pinayagan matulog dito eh" sabi ni Kiel na ikinagulat ko. Namula ang pisngi ko.

"Ano? Makikitulog- Magboyfriend na ba kayo?" tanong ni James.

"No. Wala, hindi kami James. Nanliligaw palang si Kiel" sagot ko.

"But I am courting you as well Tanya" sabi niya. Nadismaya siya sa narinig niya.

"Look, Ewan ko sa inyong dalawa okay? Bahala kayo kung anong trip niyo. Hindi ko nga alam kung ready akong magkaboyfriend o hindi eh" sagot ko.

"Ganito nalang pre, we both court her and let her choose the man that she wants." Suggestion ni Kiel.

"Sige, sigurado naman akong di ako matatalo sayo" sagot ni James kay Kiel at nagkamayan ang dalawa.

"Bye bahala na kayong dalawa diyan, matutulog nako" sabi ko sa kanila.

"Goodluck pre! Goodnight mi amor, Tanya!" Sigaw ni Kiel.

Pinagsaraduhan ko sila ng gate at sabay silang umalis nang bahay. Hindi ko talaga maisip ang mga nangyayari ngayong araw. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayokong pagpiyestahan sa school dahil lang sa kanilang dalawa. Hindi ko na alam your honor.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now