CHAPTER 4

15 2 0
                                    

Ngayong week nga ang PTC or Parent-Teacher Conference na inannounce ni Ms. Jessie sa amin last week. Pinapunta ko si Daddy kasi siya lang naman talaga ang pumupunta, never si mommy. Sinamahan ko nalang si Daddy papuntang classroom, nandun na din ang parents nila Bryan, Frida, and Nick.

Lahat naman ng parents naming ay close din at parang magtotropa pero mga non-chalant sila. Mga minsan lang mag-usap o magpansinan pero wala naman silang galit sa isa't isa. "Goodafternoon po sa inyong lahat mga butihin parents ng mga bata!" bati ni Ms. Jessie.

Nagsalita na si Miss tungkol sa mga pagbabago sa classroom naming, at ipinaalam sa mga magulang namin na may mga bago na kaming guro, aralin, at mga kamag-aral. "mga?" tanong ni Frida. Pare-pareho talaga kaming nagtataka kung ilan ang bago naming kaklase.

"Ang mga bata po ay magkakaroon ng tatlong bagong kamag-aral". Nabigla kami sa sinabi ni Miss. "Walang babae?" Bulong ni Bryan samin. Natawa nalang kami sa reaksyon niya nang walang babaeng papasok sa amin.

Natapos ang meeting at nagpatuloy na ang klase namin sa mga bago naming aralin. "Goodafternoon class." Nakakatakot na bati ng bago naming teacher. "I am Sir Mike Luell. You all can call me sir Mike or sir Luell, I am your teacher on English for Academic and Blue Collar Profession". Napanganga kaming lahat sa husay mag-english ni sir.

"Infairness, he's hot" nababaklang hirit nanaman ni Nick.

"Lahat naman ata ng lalaki, Hot para sa'yo" Pabiro ko.

"Who could give me the definition of Blue Collar Profession?" Kasisimula palang ng subject at oras naming, ganyang tanong agad. KALOKA! Nick then raised his hand and answer.

"A blue-collar profession typically refers to a job that involves manual labor and is often skilled or semi-skilled in nature. These professions usually require physical work and specialized training, but not necessarily a formal college education" Nagulat ako sa sagot niya na akala mo may internet siya sa utak.

"Te ano yun?" Patawang tanong ko.

"Sagot ko malamang" sabi niya. Inirapan niya ako. "Nagpapaimpress kalang kasi pogi si sir Mike. Naku po kilalang kilala na kita Nick!" sabi ko habang tumatawa.

Pansin sa mukha ni Nick na kanina pa tumititig kay sir Mike. Nagulat ako nang mahuli siya ni Sir at wala siyang kaalam-alam. Tawa ako nang tawa. "Ahmm Ayos kalang ba hijo?" Tanong ni sir Mike kay Nick na halos katabi na niya sa Table.

"Ah sir a-ano kasi" Nautal siya nang malapit na yung mukha niya kay sir Mike. "May LBM po ako, pwede po mag clinic?" Biglang sagot ni Nick. "Oh siya sige, Samahan mo miss-" suhestiyon ni sir Mike habang inaantay sabihin ko ang pangalan ko.

"Tanya sir"

"Samahan mo miss Tanya sa Clinic at baka dito pa yan magkalat".

Agad kaming lumabas sa classroom at nagtawanan. Namumula ang pisngi ni Nick habang naglalakad kami papunta sa Clinic. "Ano te masakit ba talaga tiyan mo o nagpalusot kalang kasi ang lapit na ng pes mo sa pes ni Sir?" Natatawang tanong ko.

"Malamang hindi, pero te ang bango niyaaa like sh*t! Gusto ko sana siyang ikiss kanina kaso wala ako sa sarili" Sabi nito habang naglalakad papuntang Clinic. Nagstay kami sa loob ng clinic for a while at niresetahan ng nurse si Nick ng gamot.

"Inumin mo nalang yan after mong kumain mamaya sa break" Paalala ng nurse.

"Sige po, salamat." Sabi ni Nick

"You can stay here for 5-10 minutes hanggang sa maging okay kana, Samahan mo muna siya miss Tanya" Dugtong ng nurse.

Naupo lang kami ni Nick sa sofa at dinaramdam ang lamig ng aircon sa loob ng Clinic. Ngingiti-ngiti si akla at pilit na inuulit ulit ang nangyari kanina sa utak niya. "Huy baka mabaliw ka diyan sa kakangiti, tama na" Biro ko.

"Ano ba, hayaan mo na nga lang ako" pagtataray niya.

"Nurse, kilala niyo po ba si sir Mike? Ilang taon na po kaya siya?" tanong ko sa Nurse habang tumitingin nang bahagya kay Nick. Kitang kita sa mukha niya na nahihiya siya pero inaantay ko parin ang sagot ng Nurse.

"Ahh si Sir Mike, Bago lang yun dito diba? Mga nasa 20-22 years old lang ata siya kasi nandito rin siya bago siya matanggap as teacher here eh" Sabi ng Nurse. Napatango nalang kami at nagpaalam na sa Nurse. Paglabas na paglabas naming ng Clinic ay nandoon si sir Mike.

"Okay kanaba Mr. Questro?" Tanong ni sir na lalong nagpahina kay Nick.

"a-ahh eh opo sir okay na po ako" Sagot nito kay sir Mike.

"Oh sige bumalik na kayo sa classroom at namiss niyo ang mga nangyari" Hirit ni sir Mike. Anong mga nangyari? Andun naba yung mga bagong classmate namin? Nagmadali na kami at bumalik sa Classroom, buti wala pang teacher.

Nakita naming wala namang bago sa classroom nang makita kong may iba nang nakaupo sa tapat ng upuan or table namin. May kakaibang aura ang lalaking nandun, at yung dalawa namang bago din ay nakaupo din sa harap malapit sa teacher's table.

"Ohh Hi, I'm James" Sambit nito nang makita kami sa likod at umupo sa table namin, tinanggap ko naman ang kamay niya bilang pagwelcome namin sa kaniya bilang bago naming kaklase.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now