CHAPTER 13

7 2 0
                                    

While mesmering the time with him, nakatitig lang kami sa mga bitwin sa langit. I glanced a bit sa mukha niya and he's looking angelic. Mga mata niyang nakatitig lang sa langit habang nakangiti. Bakas sa mukha niya ang pagiging in-love.

Hindi ko lubos maisip na may maiinlove sakin.

Habang tinitingnan ko ang ibang tao sa park, marahan kong naramdaman ang hinliliit ng kanyang daliri na gustong hawakan ang kamay ko.

"Oh sorry, di ko sadya" Sabi ni James nang mapansin na kinuha ko ang kamay ko.

"Can I hold your hands, Tanya?" tanong niya.

Tumango naman ako to say 'yes' and this is my first time having a guy na hinahawakan nag kamay ko. Ramdam na ramdam kong nilalaro niya yun at hinahalikhalikan. Nginingitian ko nalang siya dahil masaya akong nakikita siyang nahuhumaling sa kamay ko.

"Gustong gusto kita Tanya" sabi niya out of nowhere.

Pinapangiti mo talaga ako James ha? Hindi ko pa alam mararamdaman ko kasi first time ko 'to. Pasensya kana kung hindi ko pa alam ang mga dapat kong iparamdam sayo, hanggang ngiti-ngiti palang ang kaya kong ipakita.

Agad naman niya akong inaya na umuwi na kaya naglakad-lakad na ulit kami pabalik sa kotse niya. Nagmaneho na siya pauwi sa bahay. Nagplay sa radio ng sasakyan niya ang isang kanta ni Moira na 'Kumpas', amin itong pinakinggan at napapapikit ako sa bawat lirikong maririnig ko.

Ikaw ang kumpas 'pag naliligaw.... Ikaw ang kulay sa langit na bughaw....Sa bawat bagyo na dumadayo....Ikaw nag kanlungan na kailangan ko....

"Ikaw na sakali ang kumpas ko Tanya, kaya sana makita mo kung anong nararamdaman ko para sa'yo" sabi nito nang marinig din ang liriko ng kanta.

Namula agad ang pisngi ko sa sinabi niya, sabay kuha niya sa kamay ko. Hawak niya ito habang hawak din ang manibela. Hindi ko alam ang itsura ko sa kilig, tinakpan ko nalang ang bibig ko ng isa ko pang kamay sa kahihiyan.

"Huwag mo nang ipagkaila Tanya, kinikilig ka din" Sabi pa niya.

"T-tumigil ka nga j-jan" Utal kong sabi.

Nakarating na kami sa harap ng bahay, bumaba naman si James ng sasakyan para alalayan nanaman ako pababa. Nang dalhin niya ako malapit sa gate, hinawakan niya ang pisngi ko.

"aahh-" putol ni James nang halikan ako sa labi. Ramdam na ramdam ko ang lambot ng labi niya sa mga labi ko. Napapikit ako sa ginawa niya at napayakap siya sa akin habang tuloy na hinahalikan. Para bang hinuhubaran niya ako habang hinahalikan niya.

"I'm so sorry again Tanya, hindi ko mapigilan a-" putok ko din sa kanya at itinuloy ang halik sa kanya. "Im sorry" Sabi ko. Nakita ko namang ngumiti siya.

"Okay lang. Salamat Tanya, sa uulitin." Sabi nito bilang paalam at sumakay na sa sasakyan niya. Pumasok nako sa bahay nang nakangiti at hindi maipinta ang mukha sa kilig sa ginawa namin ni James.

"Ano yon?!" Bungad sakin ni Bryan nang makapasok ako sa pintuan.

"K-kanina kapa jan?" tanong ko.

"Oo bakit?"

"Bakit ka nakabantay?"

"Anong oras na kaya, walang magbubukas ng pinto para sa'yo no?" sabi nito.

Pinapasok naman niya ako at naupo nako sa sofa- Tulala, nakangiti, at hindi maalis ang focus ko sa orasan nang isipin ko ulit ang mga nangyari kanina lang.

"Hindi maka move-on oh! Ang saya siguro ng date niyo?" tanong ni Bry

"Huh, ano lang naman. Okay naman yun" Paliwanag ko.

Nagkibit balikat nalang siya at nagpaalam nang pumunta sa kwarto niya. Wala si Nick sa sala kaya tulog na yon. Agad kong niligpit ang gamit ko at naligo na para makapagpahinga.

The next morning, maaga akong nagising kaya naghanda ako ng aalmusalin naming tatlo. May sinangag, fried egg, ham, and hotdogs.

"WOW! Ang aga natin ah? At may almusal! Grabe na talaga, inspired ka ata magluto ng agahan Tanya?" Bungad ni Nick sa umaga.

"Sarap naman nito" Dugtong naman ni Bryan na kagigising lang din.

"Pambawi ko na sa'yo yan Bry at pinagbuksan moko ng pinto kagabi"

"Weh?" sabi ni Bryan.

"Tapos ako? Wala lang? ah sige" sabi ni Nick sabay namang kuha ng mga kakainin niya. Tinawanan ko nalang at kumain na kami.

"So kayo naba?" tanong ni Bryan.

"Hindi pa" Sabi ko

"HA? Eh ano yung kagabi? Yung *nagpout siya*?"

"What??? Nagkiss kayo?" tanong ni Nick.

"He kissed me and that's it! OKAY?!" Sabi ko sa kanila.

Nagtawanan nalang kami at agad na tinapos ang kinakain namin.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now