CHAPTER 23

7 2 0
                                    

Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo at tulala sa ilalim ng puno ng mangga malapit sa ilog na pinaglalanguyan ng iba naming mga kaklase.

"Ayos kalang ba Tanya?" tanong ni James na nasa likuran ko na pala.

"Oo, ayos lang ako. Salamat" sagot ko sa kanya.

Hindi ko na namalayang tinabihan ako ni James, halos one-inch nalang ang layo namin sa isa't isa. Natahimik lang ako habang sinasabayan naman ni James ang pananahimik ko. Sobrang luwag sa paghinga na makabawi matapos ang nangyari.

"Sa susunod, huwag kang basta basta pumapatol Tanya. Know your fights." Paalala ni James sa akin.

"Sobra na kasi James" Pasinghal kong sagot, "Kung makaasta siya nang ganon-ganon hindi naman na pala siya kilala or much worst hindi na makapangyarihan para takutin ako. Akala ko may mangyayari sa akin matapos ko siyang awayin" Dugtong ko.

"Huwag kang mag-alala, nandito ako para protektahan ka. Gaya nga ng sabi mo kanina, although nakakahiya yun pero that's facts and nothing's wrong with that truth." Sabi ni James.

Nagkibit balikat lang ulit ako at nginitian si James. Natutuwa akong ganito niya ako damayan sa nangyari. Maya maya'y tumayo ito at pumunta sa tent, dumaan ang ilang sandali ay lumabas ito at nakagayak na panligo.

"Tara Tanya, Langoy na tayo!" aya nito sa'kin.

Umiling lang ako at ngumiti kaya sumulong na siya para lumangoy. Tuwang-tuwa na parang bata kung titingnan si James. Natatawa nalang ako sa kanya dahil sa todo pagpapapansin nito sa akin.

Namataan ko naman si Kiel na nasa harap pa ng tent niya at nagkakape, tila malalim ang iniisip. Nilapitan ko siya saglit at kinausap.

"Hey, are you okay?" tanong ko.

Nginitian niya ako.

"I'm sorry for what happened kanina Tanya, I didn't know what's her deal lately. She's been so obsessive ever since we broke up and ngayon sinugod kapa niya." Pagaalala niya.

"I'm also worried na what if dumating yung time na sagutin moko? Aawayin at aawayin kalang niya? That I won't agree. I won't let her come to you." Dugtong niya.

Natuwa nanaman ako sa naririnig ko. Pero nandito ako sa tabi ni Kiel kaya naiintindihan ko ang worries niya. Sana maintindihan niya na hindi ako mahina at kaya kong harapin ang ex niyang warfreak if ever maging kami.

"Will you be my girlfriend, Tanya? I want to protect you after what happened." Tanong ni Kiel na parang gusto na niya akong protektahan sa mga posibleng mangyari sa hinaharap.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Hinawakan ko ang kamay niya, tinignan siya sa mga mata nang diretso at may emosyon.

"Hindi ko pa alam Kiel, But I will make sure na kaya ko ang sarili ko, okay? Don't worry too much, ramdam ko kasing nag-aalala ka para sa akin kaya sana wag mo munang isipin na baka anong sapitin ko kay Andrea because I can deal with her, okay?" sagot ko sa kanya nang may assurance.

Nginitian lang niya ako, na siya namang binalikan ko din ng ngiti. Tinapik ko lang siya at nagpunta na ako sa tent ko para magbihis.

Suot ko ang two-piece kong binili ko last week, at tinakpan ko ng showl para di makita agad ang suot ko o ang katawan ko. Dumiretso nako sa puno at nagchill lang muna.

"Hindi kapa ba magtatampisaw miss Flores? Your mates are enjoying while you're still bothered? Am I right? Is it because of the incident earlier?" tanong ni Sir Leon.

Tiningnan ko nang kaunti si sir at nginitian, "Hindi muna sir, masyado pang malamig ang tubig at enjoy naman sila nang wala ako kaya okay lang" paliwanag ko.

Tinabihan ako ni sir Leon. Naupo siya sa tabi ko pero hindi ganoong kalapitan. Naririnig kong sinisitsitan ako ng kung sino. Nang lingunin ko ay si Nick nanaman. As usual, tuwing ka-encounter ko si sir Leon, lilitaw si Nick.

"Sir, alam niyo po bang may student na nagkakagusto sa inyo. Hindi naman po sa pangwawalang-galang pero, kung tutuusin mga 5-10 years lang naman po ang agwat niyo sa edad namin di po ba?" sabi ko sa kanya.

Napatawa siya nang kaunti at tumingin kay Nick habang tumatawa. Kinabahan ako kasi baka alam niyang may gusto sa kanya si Nick, lagot ako.

"Sino ba yun iha? Kilala ko ba?" tanong ni sir.

Alam kong alam niya kung sino, tunog palang alam ko nang patago ang tanong niya pero alam ko, alam niyang may gusto nga si Nick sa kanya.

"Ah wala po, bale sana po wag kayo masyadong maoffend if may gusto sa inyo ang isa sa mga students niyo" sabi ko kay sir Leon nang mahinhin.

"Wala naman sa akin yun 'nak. Magfocus lang kayo sa pag-aaral at maging masisipag. Para naman din yun sa inyo diba?" sabi ni sir Leon.

Nasa likod na namin si Nick na alam kong narinig ang sinabi ni sir. Napangiti ito kay sir leon at siya namang alis ni sir leon sa pwesto niya.

"Dzai! Ano ba? Anong pinaguusapan niyo ng bebe loves ko?" tanong ni Nick habang nagmamadaling umupo sa pwesto kanina ni sir.

"Wala ano kaba. Basta ang sabi niya, mag-aral lang nang Mabuti at maging masipag para din naman daw yun sa atin." Sabi ko kay Nick.

"Yun lang pala, nakaka-inspire talaga si sir leon. Matik kaya ako nainlove jan eh! HAHAHAHAH" hirit ni Nick na hindi maalis ang ngiti sa mukha.

The Curious Heart's QuestWhere stories live. Discover now