Chapter 13

310 5 1
                                    

Chapter 13



Sandra




NASA ENVELOPE ang resulta na kanina pa binigay sakin ni grace. Kina umagahan nung gabing kaarawan ni path ay pina check-up ko agad si shiloh. And after a week dumating na ang resulta. Isang linggo na rin akong hindi pumapasok sa trabaho dahil kailangan ko munang i-monitor si shiloh. Sa isang linggo kong kasama si shiloh ay may mga napansin pa akong mga pasa sa iba't ibang parte ng katawan nya. Hindi ako sure pero kinukutuban na ako. Sana hindi tama ang nasa isip ko, sana lang talaga.

Hinintay kong dumating ang mga kaibigan kong si vernon at grace. Wala si path nasa province ulit. Ayokong makita ang resulta ng mag isa kinakabahan ako.

Tumawag si vernon sa'kin na papunta na raw sya dito. Si grace naman ay kanina pa umalis baka malapit na rin dumating yun. Ina sikaso ko muna si shiloh at maagang pina tulog. It's already nine thirty in the evening and may na rinig na akong sasakyan sa labas so i tried my best na dahan dahan lang sa pag baba ng kama baka magising si shiloh.

Tama nga ang kutob ko. It's positive, shiloh has leukemia. Ito na ata ang pinaka masakit na resultang natanggap ko. Sa dami ba naman pwedeng makuha sakin ni shiloh, leukemia pa talaga. I remember the time when i was seven year old. I was diagnosed with mild leukemia.

Day by day shiloh is getting weak. and it's hard for me to see her being like that. Every night i prayed to god. I only wish to save shiloh from this kind of pain. I cried a lot of times but i don't show it to anyone, even grace. Kung noon siguro kahit konting dapa lang ng anak ko ay umiiyak na ako. But now i need to act strong, i need to be strong. Dahil may umaasa sa'kin ngayon at yun ang anak ko.

Ilang linggo pa ang lumipas ang we all decided na mag stay nalang si shiloh sa hospital. She needs to stay in the hospital to check or monitor her from time to time.

"She needs to undergo for bone marrow transplant." The doctor said.

"How about the donor doc. A- ako pwede po ba ako?" Tanong ko kaagad.

"Let's check if you're match"

Pinaliwanag  sa'kin  ng doctor kung ano ang dapat gawin bago gawin ang procedure. Kailangan na nilang malaman ang resulta as much as possible, kung match ba talaga kami ni shiloh.

"Babe you need to rest please..." Nagmamakaawang sambit ni grace.

"Pahinga? Grace nakita mo ba kanina? Halos mawalan na ng buhay yung anak ko, sa tingin mo magagawa ko pang pumikit?"

"Alam ko. Nakita ko! But can you see yourself? Ha? Mukhang pati ikaw aalagaan na rin sa lagay mo!"

"Ok lang ako. Wag kang mag alala, kaya ko pa. Pwede ka munang umuwi, alam ko pagod ka na rin ok lang talaga ako dito."

"Should I slap you? Hmm?" Napalingon ako sa kanya "For you to wake up sandra? For you to know! That, everything right now is all fuck up"

Pasigaw yun. But she's trying her best to slowdown her voice. Because shiloh is sleeping.

"Ayoko grace! Ayoko! Natatakot ako!... Ok na? Ayokong pumikit kahit isang isang sigundo lang. Kung pwede lang hindi kumurap mabantayan ko lang ang anak ko, gagawin ko." Pagalit kong sabi.

" And you think pababayaan ko si shiloh?" Pagalit na rin na sabi nito. "Sandra I'm with you since day one, since you had shiloh i am with you. Can you trust me? Not just your friend. But trust me as her pedia."

"That's enough guys!"

It's path. Pumasok ito sa kwarto ng hospital. Narinig nya siguro ang usapan. Hindi na rin namin sya napansin. Halatang pagod at stress din ito. Pero pinilit pa rin ang umuwi para raw makatulong sa pagbabantay kay shiloh.

Can We Go Back? [ "SINFUL" Series #1 ] Where stories live. Discover now