Chapter 31

212 6 1
                                    

Chapter 31








Sandra











Tatlong araw na mula noong sinabi ko kay tj ang tungkol sa pagbubuntis ko. Tatlong araw na rin akong nagtataka kung bakit panay ang pag iwas nito sa'kin. Mag-uusap lang kami tuwing may itatanong lang sa isa't isa. Sa tuwing susubukan kong lumapit sa kanya, tyaka naman sya lalayo. Mabaho ba ako? Naliligo naman ako tatlong beses pa nga sa isang araw dahil sa sobrang init.




Nakahiga ako sa sofa ngayon dito sa sala at tahimik na binabantayan si shiloh. Hindi ko nga maintindihan kung bakit anglala ng mga ginagawa ni shiloh lately. Kahapon nakaidlip lang ako saglit at nang magising ako kita ko kung gaano na kabaha sa kitchen. Paliwanag pa niya naghugas daw ito ng pinggan, at gusto daw nya akong tulungan dahil palagi daw akong pagod. Eh.. samantalang mas nakalala pa ang ginawa nya.





Si tj naman ngayon ay nasa kusina. Sya ang pinagluto ko dahil alam kong iikli nanaman ang pasensya nya sa sobrang kulit ni shiloh. Ewan ko ba kay shiloh! Sabi naman ni dave baka raw dahil masusundan na kaya ganito sya.




Sa totoo lang friends palang ni tj ang may alam sa pagbubuntis ko. Walang kaalam alam 'yong tatlo. Ewan ko nalang kung ano magiging reaction nila, lalo na si grace baka sabunutan pa ako noon.





"Shiloh!" Tawag ko sa anak ko. Lumingon naman ito sakin at handa nang makinig kung ano man sasabihin ko. "Can you? tell daddy i need water please..." Utos ko kay shiloh.





"Yes mommy!" Agad naman itong nagtungo sa kusina.




Wala pang dalawang minuto ay dumating si tj na may dalang isang basong tubig. Bumangon naman ako sa pagkakahiga at inabot ang basong hawak nya. Pagkakuha ko ng baso ay tyaka na ito umalis. Ano bang problema nya?!




Iniwan ko si shiloh sa sala at sinundan si tj sa kusina. Hindi pa ata nya napansin na nakasunod ako sa kanya.




"Mag-usap nga tayo tj!" Napalingon ito sa'kin at mukhang nagulat. Pinatay muna nito ang apoy bago humarap sakin ulit. "May problema ba?" Tanong ko ulit.



Umiling ito na parang bata. "W-wala. Bakit mo natanong?"



"Bakit ba iwas na iwas ka sa'ken? Mabaho ba ako? Sa tingin ko hindi naman ah!"



"No! No! Sandra... I'm sorry. Hindi sa ganon."



"Then explain! To me! Anong problema mo? Nandidiri ka ba sakin? O iniisip mo nanamang hindi sayo 'tong dinadala ko?"



Nakuha pa n'yang magkamot sa batok! Bakit hindi nalang nya sabihin ang rason nya? Nakita ko rin kung paano nya lingunin si shiloh sa sala, baka siguro iniisip nyang maririnig kami ni shiloh. Dahil parang napapalakas ata ang boses ko. Bwesit kase!!!




"Sandra it's not that! I'm sorry! Mali 'yong iniisip mo! Ok? Later nalang tayo mag-usap ha. Tapusin ko lang toh!."




"Mas importante ba yan, kesa sa'ken?" Tanong ko sa kanya habang lumuluha. "Ang sabihin mo! Ayaw mo nang ayusin 'tong relasyon natin kasi hindi na ako maganda!... Alam ko naman eh! Ang pangit pangit ko na! Kaya ka siguro umiiwas sa'kin!..."




Nakita ko ang pagkataranta nya at mukhang nag iisip pa ito kung lalapit sakin o hindi. Rinig ko rin ang sunod sunod nitong pagmumura. Hanggang sa lumapit ito at niyakap ako ng sobrang higpit. And he keeps saying sorry.




"Shhhh... Stop na... Hindi na. Hindi ka pangit ok? You're the most beautiful woman for me. And the best mommy ever. And i cant wait to tell you that you're the best wife ever."




Can We Go Back? [ "SINFUL" Series #1 ] Where stories live. Discover now