Chapter 22

246 6 1
                                    

Chapter 22




Sandra






CHECK UP ni shiloh ngayon. And kasama namin ngayon si tj. After nang tagpo namin, isang buwan na ang nakalipas, hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto nyang patunayan. Napakalabo nya, hindi ko mabasa kung ano talaga ang gusto nyang mangyare.


May mga pagkakataon na hindi ito nananakit, kalmado at normal, ang pakikitungo nito sa akin. Pero may mga pagkakataon din na sobra ang pagdududa nya. Kahit ang mga kaibigan ko ang kausap ko ay big deal yun sa kanya.


"Mommy! what happened here?" She pointed the big bruise on my arm. "Are you hurt mommy? Like shiloh?" She asked.


"No baby, mommy is fine, so don't worry ok?" Pagpapaliwanag ko. "You have to behave later ok?" Bilin ko rito.


"Yes mommy! Shiloh is always behave!" Sigaw nito.










After i-check ni doc. Ford si shiloh ay nanatili pa rin kami sa office nito. Nakakapagtaka dahil sa tuwing magpapacheck up si shiloh ay, pwede na kaming umalis agad.


Tumagal ng sampong minuto ay bumalik si doc. Ford. Kinakabahan ako sa totoo lang, parang may problema ulit kay shiloh, parang hindi nanaman maganda ang resulta. Sana naman maayos lang ang kalagayan ng anak ko.


"Ms. Sandoval i need to discuss something, privately." Doc. Ford said. While looking at tj.



"What??" Tj said.



"Kailangan kong kausapin si ms. Sandoval. Pwede mo bang ilabas muna si shiloh?." Doc. Ford said.



Kinakabahan tuloy lalo ako. Ang alam ko ay hindi agad malalaman ang resulta, kailangan pa ng mga ilang araw, bago yun makuha.


Lumabas naman si tj at kasama si shiloh. Lumingon pa ito sakin at mukhang galit nanaman. What did i do?


Umupo si doc. Ford sa kanyang swivel chair, at tinitigan lang ako nito. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong magtanong kung maayos lang ba ang kalagayan ng anak ko.


"Uhmm... A- ayos lang po ba si shiloh doc?" Tanong ko.


"Yeah! Shiloh is getting healthy..." Sabi nito habang nakatitig pa rin sa akin.


"Ano? po ba ang sasabihin nyo? Bakit? pinalabas nyo po sila." Kinakabahang tanong ko.


"Is he hurting you?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni doc. "By the way, don't be too formal just call me ford."


Agad kong tinakpan ang mga pasa sa bandang braso ko. Bagong pasa lang ito, dahil nong nakaraang gabi lang ito.


"Tj is hurting you right? You can tell me, i know the reason why"


"S- since bumalik kami ni shiloh sa condo nya, lagi nalang mainit ang ulo nya. He has a short temper, he's always acting weird. Kung minsan matino sya at kalmado, pero kadalasan doc. Bigla nalang po syang nananakit." Mahabang paliwanag ko.


"And?... Hindi ka na nagtaka? At nagtitiis ka sa pananakit nya?"



"No choice po kasi doc. Ilalayo nya sakin si shiloh, at alam kong kaya nya yun."


Hindi ko alam bakit bigla nalang tumulo ang luha ko.  "Wala na rin po kasi akong trabaho, kung wala ang pera ni tj. Hindi ko po mapapagamot si shiloh. Nahihiya na rin po kase ako sa mga kaibigan ko, andami ko na pong utang sa kanila." Pagpapaliwanag ko.

Can We Go Back? [ "SINFUL" Series #1 ] Where stories live. Discover now