07

19 13 0
                                    

KEAH

We entered the club room and the boys were gathering something.

“Ginagawa nyo?” sulpot ni Dixie na hindi man lang namin napansin na pumasok.

Inismiran siya ng kuya niya bago ito sumagot. “Tingin mo?”

“Walang kwenta.” bagot na sagot nito sa kapatid. Akmang susugudin na ito ni Drein ng pumagitna si Kyron.

“Maglayo kayo sa isa't-isa para matapos na ‘to.” seryoso nitong sabi sa dalawa. Umirap lang sa kanila si Dixie at pumwesto sa kung nasaan si Kianna. Lumapit kaming dalawa ni Zeiara sa kanila at tiningnan ang mga nasa mesa.

“What was that?” I confusedly ask.

“Information about the girl who's spying on us.” sagot ni Giles. Lumapit sa'min si Dixie na ngayon ay seryoso.

“That's Deira, Haile’s friend. As far as I gathered some information about this girl, she's a psycho.” aniya habang nakatingin sa litrato ng babae na tinawag niyang Deira. Tumingin din ako rito at hindi ko maiwasang matakot.

“How do you know about this, Xie?”

“Paano mo nalaman?”

Sabay na tanong sa kanya ni Achilles at Kyron. Napansin ko si Drein na nakangisi sa isang tabi habang nakatingin sa nakababatang kapatid.

“I have always seen her since Haile died. She also sneaks inside my room.” pahayag nito habang nagkibit-balikat. Lumingon ang tatlong lalake kay Drein kaya naman taka itong tumingin sa kanila.

“What?” nakaawang ang bibig na tanong nito.

“You knew?!” balik na tanong ng tatlo. Tumango naman ito bilang sagot. Wala kaming maintindihan sa pinagsasasabi nila.

“And you didn't bother to tell us?!” sigaw ni Giles sa kanya.

“As if you asked, right? Stupid.” ganti ni Drein.

Sumingit na sa usapan si Zeiara at nanatili naman akong tahimik habang nakikinig. “What are we gonna do now?”

Natahimik kaming lahat sa tanong na ‘yon. No one tries to break the silence until…

“Hunt her while she's after us.” basag ni Kianna. Sumang-ayon ang mga lalaki habang kami ni Zeiara ay nagpalitan ng matalinhagang tingin.

RIES

Napansin ko ang journalism members na pumasok sa kanilang club room kaya naman nagtataka akong tumingin dito. Madalang kasi pumunta ang mga ito sa club room kaya naman nakakapagtaka na napapadalas sila dito. Umupo ako sa may bench habang hinihintay silang lumabas. Binuklat ko ang libro ko at habang nagbabasa ay saktong labas ng babae na nakabanggaan ko na si Dixie.

Bumalik ako sa pagbabasa hanggang sa maramdaman ko na lamang ang presensya niya na nasa tabi ko na.

“Is this seat taken?” tanong nito. Lumingon ako sa kanya at hindi pinahalata ang pagkagulat. Nang makabawi ay tumango ako at bahagyang ngumiti. Tiningnan ko ang ginagawa niya at taka naman akong tumingin dahil nakatingin lang siya sa kuko niya. Para niya itong sinusuri.

“You can continue what you are reading, don't mind me.” bakas sa boses nito ang pagkamaldita kaya naman kunwari akong nagbasa muli. Hindi ko maiwasang hindi lingunin dahil ang aura niya ay sinasakop ang paligid.

I cleared my throat. “Bakit ka nga pala nandito? Wala ka bang klase?”

“I don't have po. Why did you ask?” nagitla ako sa biglang pagbabago ng boses niya. Mula sa magalang ay biglang seryoso ng boses nito.

“Wala naman…” halos pabulong kong sagot. Halata rito ang pagtataka at ginantihan ko lang ito ng ngiti. Hindi ko maiwasang maging interesado sa kanya kaya naman kinausap ko na ito. Patuloy lamang sa pagsagot sa mga tanong ko at paminsan-minsan ay nagtatanong din.

“Anyway, I'm Ries, you are?” pakilala ko sa gitna ng pag-uusap namin. Ngumiti ito sa akin at hindi ko maiwasang mamangha roon, ang ganda niya.

“Dixie Ianne, but I prefer you to call me with my first name.” pakilala rin nito. Dixie in Latin means I have spoken. Her name suits her.

“Will you be good if I call you Dianne?”

“A combination of my first and second name, huh?”

“Mhm.”

“Okay.” napangiti naman ako sa pagpayag niya.

“From now on, I'll call you Dianne.” nagagalak kong sabi sa kanya. Tumango lang ito at muling bumalik sa pagkatahimik. She checked her watch at tumayo na.

“I'll go ahead, Ries. See you around!” paalam niya at umalis na. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mamataan ko si Keiron na papalapit sa gawi ko.

“I’m here if you're looking for me.” biro nito at naupo sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin at pinanood ko lang si Dianne na pumasok sa club room kung nasaan ang ibang kasama niya.

She entered that room alone, left alone, and she's entering that door again—alone.

“Who you looking?” tanong ni Keiron na nasa tabi ko. “Dianne.”

“Who's that?” nilingon ko siya. Kitang-kita ko kung paano magsalubong ang kilay nito habang nakatingin sa'kin.

“One of the members of Hierarchy.” sagot ko sa kanya.

“Mhm, is she pretty?” muling tanong nito. Tumango naman ako. Sa tuwing magkakaroon ako ng kakilala ay madalas niyang itanong kung maganda ba ito. Ewan ko ba, parehas yata kami ng hanap. Kidding aside, he's asking about the attitude, not the appearance itself.

“I'm glad that you like her.” himig ang saya sa boses nito.

“Mhm. Makikita mo sa aura niya ang pagkamaldita nito, pero magalang naman.” tugon ko. Nag-usap pa kami roon hanggang sa napagdesisyonan na naming umuwi.

“Mag-ingat ka, mhm? Call me if anything happens.” aniya bago ako talikuran. Hindi kasi ako nagpapahatid sa kanya sa bahay dahil masyadong malayo. Habang naglalakad ay lumingon muna ako sa kung saan nabalita na nagpakamatay si Haile.

The issue won't last long, you need justice.

Beneath the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon