A/N: Hello to you! Please bare with me with my Third person POV, ain't that good po sa POV na 'to. I'm still learning pa rin po with this THIRD POV, please understand po, thank you so much!
RIESIt's been weeks since Dixie and I have interacted. Madalas kaming magkasama at napapansin ‘yon ng mga journalism members. In a short period of time, nakilala ko ang ugali ni Dianne. She speaks when you ask her or she's irritated. She speaks through her mind.
“Ries, tara sa club room namin.” yaya ni Dianne na hindi ko alam kung saan dumaan.
“Ayos lang ba?” nahihiyang tanong ko sa kanya.
Tumango ito. “Mhm, mababait naman lahat maliban sa kapatid ko.”
So ang kapatid niya ay nasa club din? Wala itong nabanggit.
Hindi pa man ako nakakasagot ay hinawakan niya na ako sa kaliwang kamay ko at patakbo kaming nagtungo roon. Mabuti na lamang at hindi ako nag uniform ngayon. Nakarating kami sa club room at siya ang nagbukas ng pinto. Napansin ko na kumpleto sila loob. Ang mga mata nila ay dumapo sa akin at hindi ko maiwasang mailang.
“Who's that?” tanong ng lalaki.
“Si Ries, guys. Ries, sila ang Hierarchy members.” pakilala nito. Ilang naman akong tumingin sa kanila bago bumati.
“Hi?” halos magtunong tanong na ang bati ko.
“Hello! I'm Kianna!” bati sa 'kin ng babae na hindi nalalayo sa vibes ni Dianne. Lumapit din ang dalawang babae at nagpakilala.
“Zeiara.” pakilala ng nakasalamin na babae.
“I'm Keah, it's nice meeting you as Dixie's friend.” pakilala naman sa'kin ng isa. Ngumiti ako sa kanila dahil sobrang warm nila.
“Kyron here.” sambit ng lalaki na naka salamin din. Inalis niya ito at nakipagtitigan sa'kin. Hindi ko kayang tumitig sa kanya ng matagal dahil parang may hipnotismo ang mata nito. Nag-iwas ako ng tingin at napatapat ito sa dalawang magkatabi.
“Achilles, and he's Giles.” pakilala nito sa sarili at sa katabi. Nag-wave lamang sa'kin si Giles kaya naman napangiti ako.
“Drein, Dixie's brother.” huling nagpakilala ang kapatid ni Dixie. Parehas na parehas sila ng aura ng kapatid niya, pero nababasa ko sa mukha nito na maloko rin.
Napapadalas ako sa club room at madalas akong magtanong sa kanila.
“Di ba dating member si Haile dito? Wala ba kayong alam sa pagkamatay niya?” I curiously asked. Ang kaninang maingay ay napalitan ng katahimikan sa naging tanong ko kaya naman hindi ko maiwasang mailang.
“I'm sorry if I ask, sorry.” nahihiyang paumanhin ko.
“It's okay.” sagot ni Zeiara. Hindi na muli ako nagtanong hanggang sa makaalis kami ng room.
THIRD PERSON
Lahat ay nabigla sa naging tanong ni Ries sa Hierarchy. Nagpalitan sila ng tingin at nanahimik. Simula ng mapadalas si Ries sa club room ay hindi sila naglalabas ng kahit na anong detalye sa mga hakbang na ginagawa nila.
“I'm sorry if I ask, sorry.” himig sa boses ang pagkahiya ng dalaga. Miski si Dixie ay hindi maiwasang maweirduhan sa biglang tanong na iyon ng dalaga.
“It's okay” sagot ni Zeiara dito. Kunwaring nag-uusap sila sa mga gagawin nila kahit na ang totoo ay inaalis lamang nila ang pagka-awkward sa atmosphere. Ramdam nila ang pagkatahimik ni Ries sa tabi at hinayaan na lamang nila ang dalaga. Sa kabilang banda, ang atensyon ni Dixie ay nahahati sa dalawa. Nag-aalala ito sa nararamdaman ni Ries habang inaalala ang kailangan nila gawin. Nagsiuwian sila at tahimik pa rin si Ries kaya naman nilapitan na ito ni Dixie.
BINABASA MO ANG
Beneath the Mask
Mystery / ThrillerBehind the killings there's a reason. A person seeks justice for a crime that was made. In what circumstance will you do when the woman you loved most was murdered? Who would think that a simple vacation could be their downfall? ...behold with the...