18

15 9 0
                                    

KYRON

Nauna akong umalis sa inuman namin nila Giles. Nang lumabas si Achilles ay umupo muna ako ng kaunti bago sumunod sa kaniya. Nagpaalam ako sa kanila na lalabas. Hinanap ko si Achilles sa labas at ng mamataan siya ay lumapit na ako sa kaniya.

"Hey, bro..." tawag ko sa kaniya. Halata ang pagkagulat nito para mapangiti ako ng kaunti.

"Tarantado ka! Huwag ka manggulat! Sobrang dilim pa naman dito!" bulyaw niya. Bading.

"Nahanap mo na ba si Keah?" pagbibigay ko ng clue sa kaniya kung bakit ako lumapit. Umiling ito bago naupo sa sahig. Parehas kaming nag-angat ng tingin at tumitig sa langit na napapaligiran ng bituin.

"Wala na ako madahilan sa kagaguhan ko, pre." biglang salita niya para lingunin ko siya. Inilagay ko sa bulsa ang kamay ko at sumandal sa may pader.

"Ano na naman ba ginawa mo?" tanga-tangahang tanong ko.

"Wala naman." pagsisinungaling niya. Hindi ko siya maintindihan kung bakit mas pinipili niya pa rin pagtakpan ang kagaguhan niya. Sa tagal na naming magkakasamang siyam napaka imposibleng hindi namin malaman ang mga pinag gagawa niya. Bumuntong-hininga ako dahil sa konsumisyon bago umayos ng tayo.

"Hanapin mo na si Keah, baka napaano na 'yon." salita ko. Tumayo na siya at tinalikuran ako ng magsalita ako ulit.

"One more thing, Achilles. You're one of the protector here, don't even try to be an enemy." dagdag ko at pumasok na sa bahay. Naabutan ko pa si Zeiara na nasa sala kaya naman nagtungo ako roon at naupo.

ZEIARA

Nagtungo ako sa sala at niligpit ang mga kalat na naiwan. Napailing na lamang ako dahil sa apat na shot glass ang nasa mesa mukhang nag-inom din si Dixie dahil may bakas pa ng lipstick ang isang glass shot.

Kinuha ko ang mga plato't baso at inilagay sa sink, iniwan ko ang mga shot glass at ang wine. Habang naghuhugas ng mga pinaggamitan nila ay nakarinig ako ng ingay mula sa sala kaya naman taka akong lumingon dito at nagtataka dahil ngayon lang papasok si Keah.

Napansin ko na siya kaninang pumasok. Kibit-balikat na lamang ako at hindi na lang pinansin. Nang matapos ay saka ako nagtungo sa kaniya.

Kitang-kita ko kung paano siya magpahid ng luha habang nag-aayos ng mga natirang kalat. Hindi ko maiwasang 'di mag-alala. "Hey, you okay? What happened?"

"Bakit gising ka pa?" hindi ko alam kung anong klaseng reaksyon ba ang gagawin ko sa ginawa niyang pagbalik ng tanong.

"I just washed the dishes 'yung mga pinaggamitan nila." sagot ko sa kanya. "Pero, anong nangyari?"

"I'm okay, Zei. Umakyat kana, ako na bahala rito." sa ginawang sagot niya ay mukhang alam ko na ang nangyari. Hindi ko maiwasang magalit kay Achilles.

"Damn that man. Come here." pagpapalapit ko sa kaniya na ginawa niya naman agad. Niyakap ko siya para lalo siyang umiyak. Napabuntong hininga ako. Inalo ko siya hanggang sa kumalma siya. Naupo kami at saka ko pinakwento ang nangyari.

"He requested for space na naiintindihan ko naman, pero without a reason? Hindi siya valid. Binigay ko sa kaniya ang space na gusto ko niya hanggang sa umalis ako. Tapos hinanap ako," tumigil siya sa pagsasalita. Kinuha niya ang shot glass si Dixie at doon nagsalin ng wine.

"Hey, hey hindi ka sanay uminom!" awat ko sa kaniya. Nilingon niya ako at sumalubong sa'kin ang naluluha niyang mata.

"Let's shot for tonight, Zei." tumango na lang ako. This is a hard wine, ito ang madalas nilang inuming apat. Minsan ay nakikisali sa inuman ang bunso namin.

"But, yeah, he just asked for my forgiveness..." I don't know why, but I feel sorry for Achilles. What a totally stupid he is.

"Pinatawad mo naman?" pagpapakita ko ng interes kahit na alam ko na ang sagot. Tumango siya bago ininom ang Zinfandel na nasa shot glass. Masyado siyang mabait, nakakapikon.

"Magpalamig muna kayo, 'pag okay na ang isip n'yo parehas ay saka kayo ulit mag-usap. We're always here for the both of you, pero don't forget to think of yourself too. Do what's the best thing para sa sarili mo, mhm? Kung hindi na siya healthy for you, then let go." Giit ko na lamang dahil masyadong masakit sa ulo isipin ang ginagawang kalokohan ni Achilles.

"Thank you, Zei." sabay salin ng wine at tinungga 'yon. Mukhang nakaramdam na ito ng hilo kaya naman niyaya ko na siya matulog.

Hinatid ko siya sa kwarto niya at muling nagtungo sa sala. Nagsalin ako ng Zinfandel sa ginamit na baso ni Keah at ininom 'yon. Sumama ang mukha ko ng humagod ang alak sa lalamunan ko.

Damn it. Sobrang pangit ng lasa.

Nasapo ko ang noo ko ng makaramdam ako ng hilo. Paano sila nakakatagal sa upuan na ganito ang iniinom. Dalawang bote pa ang nakalabas habang pangatlo na itong bote na iniinom ko na tira nila.

"You're not into hard drinks, Zei." salita ni Kyron. Umupo ito sa harap ko habang naka de kwatrong upo.

"Ngayon lang naman ako iinom." sagot ko sa kaniya. "Akala ko nasa taas ka?"

"Ah. Nagpunta ako kay Achilles." sagot niya. Kumuha ito ng baso at nagsalin ng alak. "Mind if I join you?"

"Go. We're all stressed out." panandaliang namayani ang katahimikan sa pagitan namin ng sabay kaming napabuntong hininga.

"Mukhang may problema ang dalawang 'yon," ani ko. Pare-parehas kaming naiipit dahil kaibigan namin parehas ang nasa relasyon.

"Kung hindi naman kasi gagong buo ang kaibigan natin edi sana wala silang problema." natatawang sabi niya dahilan para matawa rin ako.

"Nakakaawa pa rin si Keah." sambit ko saka bumuga ng hangin.

"Kung meron lang talaga nag-aayos ng turnilyo sa utak baka pinaayos ko na kay Achi, psh." biro niya.

Napangiti naman ako dahil kahit papaano ay may paraan pa rin kami para mapagaan ang mga bagay-bagay na hindi namin hawak.

"Uubisin ba natin 'to?" tanong niya na tinutukoy ang wine na iniinom namin. Umiling naman ako sa kaniya bago ininom ang huling salin ko.

"Tara na matulog, nahihilo na ako." yaya ko sa kaniya.

"Una kana, ubusin ko lang 'to." pagpapauna niya.

"Hoy! May susunod pa."

"I'm fine, Zei. Mataas ang alcohol tolerance ko."

Hindi na siya pinilit pa dahil hindi magpapaawat ang isang 'to. "Ligpitin mo mga kalat 'pag tapos kana." habilin ko sa kaniya.

"Yes, princess." sagot niya. Iniwan ko na siya sa sala at nagtungo na sa kwarto para matulog.

Beneath the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon