THIRD PERSON
Ilang araw wala si Dixie sa pagpaplano ng hierarchy dahil abala rin ito sa kung paano ilalayo ang nag-iispiya sa kanila. Ang lahat ay nasa loob ng club room maliban kay Dixie na ngayon ay kasama si Ries.
“Ayos na ba ang rest house natin sa may tabi ng ilog kung saan namatay si Haile?” tanong ni Kyron sa mga kaibigan. Tumango naman sa kanya ang binatilyong nag ngangalang Achilles.
“Napaayos ko na kay kuya Calo.” sagot nito.
“Are you sure na gagawin natin ‘to? Paano kung mayroong mapahamak?” nag-aalalang tanong ni Keah sa mga kaibigan niya. Lumapit sa kanya si Zeiara at hinawakan ito sa braso.
“I'm sure they'll never let it happen, Keah.” pagpapagaan nito sa loob ng kaibigan. Lumapit din sa kanila si Kianna na nangiti sa kanila.
“Ako ang bahala sa inyong dalawa.” sambit niya. Nagngitian ang tatlo at sakto namang tunog ng cellphone ni Drein. Inilabas niya ito bago tumingin sa mga kasamahan.
“It's Dixie,” paalam niya. Nagpalitan ng tingin ang mga lalaki bago sagutin ang tawag.
“Hello kuya?” ini-loudspeaker ni Drein ang tawag upang marinig din ng iba ang sasabihin ni Dixie.
“You hear me?” halata ang pagkabalisa sa boses ni Dixie kaya naman hindi maiwasang mag-alala ng lahat.
“Dixie, anong nangyari?” tanong sa kanya ng kuya niya.
Malalim ang ginawang buntong-hininga ng nakababatang kapatid niya bago ito sumagot.
“She's not following me right now. I don't know, but I feel like she's there.” natigilan ang lahat sa sinabing iyon ni Dixie at heto na naman sila sa kani-kanilang reaksyon.
“Are you sure, Xie? Wala namang tao dito sa labas.” paninigurado ni Kyron na siyang sumagot.
“Mhm. Magkita-kita tayo sa rest house, pupunta na ba kayo?”
“Papunta na kami. Mag-ingat ka at gabi pa naman.” habilin ng kapatid bago pinatay ang linya. Lumabas ang lahat sa club room at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ng kakaiba si Zeiara pero pinagsawalang bahala niya lang ito.
DEIRA
Habang abala sa pagpaplano ang gazzetes sa kanilang gagawin ay tahimik akong nakikinig sa labas. Hindi ko maiwasang magalit sapagkat naunahan ako ng gazettes sa hakbang na gagawin ko. Umalis ako sa tapat ng club room at nagtungo sa bahay na tinitirahan naming dalawa ni Haile noong nabubuhay pa siya.
Inilabas ko ang mga gamit na gagamitin sa pagganti sa gazettes at tiningnan ko muna ang litrato ni Haile na nasa isang table.
“If this is the only way to get revenge, then I'll do it. Even if it costs my own life.” sambit ko habang nakaharap sa litrato ng Haile. Pinahid ko ang luhang tumulo sa aking mata at lumabas na ng bahay.
Ilang minuto na ang nakalapas at hindi ko maiwasang mainis dahil sobrang tagal nila dumating. Nag-iinit na ang aking upuan dahil kanina pa ako nakaupo rito. “Mamamatay na nga lang kayo ay sobrang tagal niyo pa dumating?”
Nasa gano'n akong posisyon ng bigla kong maanigan ang kanilang van. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil makukuha ko na ang hustisya na kailangan ng kaibigan ko.
Naunang lumabas ang mga lalaki at sumunod ang tatlong babae na kasama nila, halatang pinoprotektahan ang mga ito. Dahan-dahan ang ginawa kong lakad papalapit sa kanila at inilabas ang throwing knife.
Lintik lang ang walang ganti, hierarchy.
Bumalik ang lakad ko hanggang sa tumakbo na ako papalit sa kanila at inatake ang isa sa mga ito.

BINABASA MO ANG
Beneath the Mask
Mystery / ThrillerBehind the killings there's a reason-a person seeks justice for a crime that accidentally made. In what circumstance will you do when the woman you loved most was murdered? Who would think that a simple vacation could be their downfall? Behold the l...