22

9 7 0
                                    

KYRON

Naiwan kami ni Drein ulit sa sala. Hating gabi na at hindi pa rin nauwi si Kianna. Inilapag ni Drein ang Zinfandel maging ang shot glass na dalawa.

“You don't really like sharing the same glass, huh?” asar ko sa kanya. Kung may baso man siyang iinuman ay sa kapatid niya lang.

“Kadiri.” natatawang ganti niya. Naupo ito sa harap ko kaya naman kinuha ko ang bote ng wine saka nagsalin.

“Ano sa tingin mo nakita ni Dixie that night?” salita ni Drein. Kinuha ko ang baso ko at gano'n rin ang ginawa niya. Sumimsim ako ng kaunti bago siya sinagot.

“Baka ‘yung katawan ng babae ni Achilles.” walang gana kong sagot. Halata sa kanya na hindi siya satisfied sa sagot ko, miski ako. There's something.

“What if there's another reason?” muli niyang tanong. Napaisip naman ako sa tanong niya. “Hindi na ‘to ang unang beses na nakakita si Dixie katawan na patay.” dagdag niya pa.

“What do you mean na hindi ‘to first time ni Xie?” kuryorisado kong tanong.

“Don't mind it.” aniya at muling uminom. These people are too private. Kaunti lamang ang alam naming lahat sa dalawang ito. Masyado silang maingat at ‘yon ang napansin ko. Inabot na kami ng alas tres at walang dumating na Kianna. May namumuo nang pag-aalala sa loob ko.

“Pre, paano kung may nangyari kay Kianna?” nababahala kong tanong kay Drein. Tinapunan niya lamang ako ng tingin saka sumimsim ng wine.

“Alam kong may tinatago si Xie, at ‘di malabong konektado lamang ‘to sa pipigil niya kay Kianna na hindi niya gawain,” malayo niyang sagot na naintindihan ko naman.

“Matulog muna tayo. Di na kaya ng ulo ko.” yaya niya. Sumang-ayon naman ako at tinulungan siyang magligpit ng kalat namin. Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa baba kaya naman inis akong bumangon sa kama.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang mga pulis sa labas. Ang mga kasamahan ko ay mga nasa pintuan maliban kay Dixie na halatang tensyonado na naman. Nilapitan ko muna siya bago lumapit sa kanila.

“Hey, are you okay? Namumutla kana.” kumusta ko sa kanya. Katulad ng kapatid niya ay tinapunan lang ako ng tingin at binalik na ang tingin sa kung saan. Napabuntong hininga ako at lumapit na sa kanila.

“Magandang umaga, ho. Ako ho pala si Police Captain Santos at kasama ko ngayon si Police Major De Leon,” pakilala ng mga pulis na nasa gate. Si Drein at Giles ang kumakausap sa kanila at doon ako patungo.

“Magandang umaga rin po, ano po maitutulong namin sa inyo?” tugon ni Giles sa kanila. Nagkatinginan kami bigla ni Drein dahil mukhang parehas kami ng hinala.

“May nagreport ho kasi sa'min dito na may natagpuang bangkay sa may bangin at sa may gubat. Nais lamang sana namin itanong kung nakita nyo ang suspect o kilala nyo ang mga namatay.” salita ng isang pulis.

“Ah, wala ho kaming nakita e. Hindi rin po namin alam na may bangkay sa mga lugar na nasabi nyo.” sagot ni Giles sa kanila. Hindi ko na kayang manahimik kaya naman nagtanong na ako.

“Pwede po ba namin makita ang nakuha nyong litrato sa dalawang bangkay?” sabat ko. May narinig akong yapak mula sa likod ko kaya naman nilingon ko iyon at doon ko nakita si Dixie. Tinulak niya si Giles pagilid at siya ang humarap sa mga pulis.

“Eto po,” sabay pinakita ang dalawang litrato ng babae. Inagaw ito ni Dixie at nagsunod-sunod na ang patak ng luha nito dahilan para malito ako. Bakit?

Mabuti na lamang dahil nasalo ni Drein ang kapatid ng matumba ito. Kinuha ko ang litrato at doon ko napagtanto na si Kianna ang isa sa mga bangkay.

“Tangina.” halos bulong ni Giles. Nagsilapitan ang mga kasamahan namin at tulad ng reaksyon ni Dixie ay umiiyak na si Keah at Zeiara.

“Kilala nyo po ba ang isa?” tumango ako sa pulis bago binalik ang litrato. “ May kilala o alam ba kayo na nakaalitan, kaaway, o hindi pagkakaunawaan ang taong ito bago siya nawala?”

“Wala po.” sagot ni Drein. “Sa loob na ho natin pag-usapan, pasok kayo.” seryosong anyaya niya. Nagkatinginan muna ang mga pulis bago pumasok.

DREIN

Nakaalalay lang ako kay Dixie habang papasok kami ng bigla itong tumigil at tumingin sa'kin. Taka naman akong tumingin sa kanya.

“Paano kung sila Keah na ang sumunod? Paano kung ikaw?” dere-deretso niyang salita habang umiiyak. Umayos ako ng tayo habang siya naman ay nakatungo na.

“Xie, aksidente lang ang nangyari kay Kianna…” pagpapakalma ko sa kaniya.

“Tanginang aksidente…” mahina man ay rinig na rinig ko ang sinabi niya. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya.

“Hey, wala nang mawawala satin, okay?” paninigurado ko sa kaniya. Inangat niya ang kanyang ulo at doon ko nakita ang galit sa mata.

“Stop saying that everything will be okay! Hindi na maaayos ‘to! Hindi na mababalik ang buhay ng mga ‘yon!” sigaw niya sa'kin habang nakaturo sa loob ng bahay. Gulat akong tumingin sa kanya. Ibang-iba ang sigaw na ‘to sa madalas niyang sigaw. May bahid na galit at hinanakit.

“Huminahon ka nga, Dixie Ianne!” hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi siya sigawan. Mukhang nagulat ito sa pagsigaw ko. Nang makabawi ay tatakbo itong pumasok palayo sa'kin. Napahilamos ako ng mukha bago pumasok sa loob. Tumabi ako kay Kyron at nakinig na sa sinasabi ng pulis.

“Ano nangyari sa inyo?” bulong sa'kin ni Kyron.

“Kaalitan, maya ko na kausapin.” bulong ko rin sa kanya. Nakinig na lamang kami parehas hanggang sa makaalis ang mga pulis. Nagpasalamat kami rito at muling bumalik sa sala para pag-usapan ang nangyari kay Kianna.

Beneath the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon