09

37 17 0
                                        


DIXIE

Madalas nag paglabas ko kasama si Ries at ang boyfriend niyang si Kuya Keiron. Sa madalas na 'yon ay madalas ko rin makita ang babae na nagi-ispiya sa'min. Nasa park kami ngayon at mula sa malayo ay tanaw ko si Deira.

"Ries, layo muna ako saglit. May sasagutin lang." paalam ko.

"Huwag ka masyado lalayo, ha? Bilin ka sa'min ng pamilya mo." aniya. Tumango ako at tinalikuran sila bago inilabas ang phone. I dialed my brother's phone number.

"Pick up... pick up... pick—" naputol ang pagsalita ko ng sagutin ni kuya ang tawag ko.

"My gosh! You answered! What took you so long?!" mahinang sigaw ko bago tumingin sa paligid. Hindi ko na alam kung nasaan si Deira dahil nang tumayo ako ay nawala siya.

"Bakit?"

"She's here." balita ko. Hindi ko alam, pero ako ang madalas niyang sundan ngayon. Wala masyadong alam ang ibang members sa background niya miski si Kuya ay limited lang din ang alam niya, pero ako... alam ko lahat.

"Hey! Are you safe? Nasaan sila Keiron?" nag-aalalang tanong niya.

Kinagat ko ang kuko ko na kakalinis ko lang bago sumagot. "Lumayo ako sa kanila dahil baka marinig nila ang pinag-uusapan natin. Ayos lang din ako, pero hindi ko alam ngayon."

"What do you mean by hindi ko alam sa ngayon?! Nasaan ka? Pupuntahan kita!"

Inis kong inilayo ang phone ko sa tenga at sinamaan ito ng tingin.

"Kaya ko sarili ko! Huwag ka nga tanga Kuya. Mahahalata ako nila Ries na may tinatago ako kung susunod ka rito bigla." usal ko habang pilit na hinihinaan ang boses. Hindi ko alam kung malapit lang ba si Deira sa'kin dahil hindi ko rin alam kung saan siya nagpunta.

"I know na kaya mo sarili mo, pero di ko maiwasang mag-alala. What if something happened to you? Bumalik kana kila Keiron, I'll track you." bakas pa rin ang pag-aalala ni kuya kaya naman napabuga ako ng hangin.

"Okay, I'll see you later." paalam ko at ibinaba na ang tawag. Bumalik ako sa kung nasaan sila Ries sakto namang lumingon ito sa akin at ngumiti.

"Okay na ba?" nakangiting tanong nito kaya naman tumango ako at gumanti rin ng ngiti. Napapansin ko ang paminsan minsan na tingin ni kuya Keiron at hindi ko maiwasang mailang. Mukha siyang may hinuhuli sa galaw ko. Hindi na ako nagpahatid sa kanila dahil dederetso ako sa isang rest house naming hierarchy, malapit ito sa may school.

"Mag-ingat ka, Dianne." sabi ni Ries.

"Don't worry, susunduin naman ako ni kuya." pagkasabi ko no'n ay saktong dating ni kuya. Bumaba ito sa kotse at bumati sa dalawa.

"Thank you for today, Ries. Keiron. Mag-ingat kayo." seryosong sambit ni kuya.

"Kayo rin, bye!" paalam nila. Hinintay pa namin sila makalayo bago pumunta ng sasakyan.

"Wala bang masakit sa'yo?" tanong sa'kin ni kuya kaya naman umiling ako.

"Noong makita ko siya at tumayo ako ay nawala siya bigla, pero hindi ko alam kung nasa likod ko lang siya that time." kwento ko.

"Kumusta ang plano?" pag-iiba ko sa usapan.

"So far, ayos naman. Walang nagmamasid sa'min dahil na sa'yo ang atensyon ng babae." sagot nito at pinagbuksan ako ng pinto. Sumakay ako sa passenger seat habang hinihintay siyang makasakay. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman niyaya ko siyang kumain.

"Jollibee or Greenwich?" pamimili nito sa'kin.

"Greenwich po." sagot ko sa kanya. Ginulo niya ang buhok ko at pinaandar na ang kotse. Umorder kami agad at ng dumating ay kumain. Gumala pa kami ng onti bago umuwi.

KEIRON

Ilang beses ko nang napapansin si Dixie na parang tuliro at kung minsan naman ay madalas na tutok sa cellphone niya o di kaya'y may tatawagan o katawagan. Muli ko itong napansin na tuliro ulit kahit na seryoso ang kanyang itsura. Biglang itong tumayo kaya naman taka akong tumingin dito.

"Ries, layo muna ako saglit. May sasagutin lang." paalam niya sa girlfriend ko. Mukhang hindi pa ito napapansin ni Ries kaya naman napabuntong hininga ako.

"Huwag ka masyado lalayo, ha? Bilin ka sa'min ng pamilya mo." tugon sa kanya ni Ries. Tango lang ang sinagot sa kanya ni Dixie bago tuluyang lumayo.

Namayani ang katahimikan sa'min ni Ries hanggang sa ako na ang bumasag. "Wala ka bang napapansin kay Dixie?"

Taka itong lumingon sa'kin. "What do you mean?"

"She looks uneasy everytime we go out, madalas may katawagan o tutok sa phone niya." pahayag ko sa kanya.

"Baka dahil sa club nila? Hayaan mo na, ganyan din naman tayo noon e." sagot nito sa'kin kaya naman napabuntong hininga ako. Hindi ko maiwasang mabahala dahil mukhang may sumusunod sa kanya na hindi mo malaman kahit ang totoo ay wala naman. Bumalik na si Dixie at iyon na naman ang seryosong aura niya. Tumingin ito sa akin at nandoon na naman ang makahulugan niyang tingin tulad ng tingin ng kapatid niya sa tuwing magkakasalubong kami ng tingin.

Nagtagal pa kami roon bago nagyaya si Dixie umuwi. Lumabas kami ng park at mula sa kalayuan ay tanaw ko na ng kotse ng kuya niya.

"Are you sure na hindi ka magpapahatid?" pag-aalala ni Ries.

"No na po."

"Mag-ingat ka, Dianne." bilin sa kanya ni Ries. Parehas kaming only child ni Ries kaya ganito na lamang namin tratuhin si Dixie.

"Don't worry, susunduin naman ako ni kuya." pagkasabi no'n ni Dixie ay siyang tigil ng kotse ng kuya niya na namataan ko na kanina. Bumaba ito at lumapit sa'min.

"Thank you for today, Ries. Keiron. Mag-ingat kayo." pasalamat sa'min ni Drein. Nginitian ko lang siya at gumanti naman ito.

"Kayo rin, bye!" paalam ni Ries sa dalawa. Tumingin ako kay Drein ng makahulugan at mukhang naintindihan niya naman iyon. Nauna kaming umalis at mula sa rear mirror ay kita ko kung paano nila kami sundan ng tingin hanggang sa mawala kami sa paningin nila.

Beneath the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon