29

11 8 0
                                    

DIXIE

Hindi ko magawang lapitan ang katawan ni kuya dahil sa panghihina kaya naman ibinuhos ko ang buong lakas ko na makagapang papalapit sa kanya.

“K-kuya…” tawag ko sa kanya. Tulad ni Keah ay naliligo ito sa sarili niyang dugo. Putok ang ulo nito at alam kong imposibleng magising pa si kuya. Muli akong napahagulhol ng iyak dahil hindi na niya binubuksan ang kanyang mga mata.

“Kuya, g-gising na.” panggigising ko sa kanya habang niyuyugyog siya. Tuloy-tuloy ang luha ko habang nakayakap kay kuya.

“Kuya, bumangon k-kana ‘di ba uuwi p-pa tayo?” bulong ko sa kanya sa gitna ng paghikbi ko.

“Masakit ba, Xie? Masakit ba mawalan?” salita ni kuya Keiron. Dahan-dahan ko siyang nilingon kaya naman kahit hinang-hina ay pinilit kong tumayo.

“Ano bang ginawa ko sa'yo? Ano bang ginawa namin sa'yo?” dere-deretso kong tanong sa kanya. Umusbong ang galit ko ng tanggalin niya ang maskara at bumungad ang mukha niyang napupuno ng luha.

Ang kapal ng mukha mong umiyak.

Nagkunwari akong tumawa habang nakatingin sa langit na sobrang dilim.

“Oh, nakita mo ba nangyari? Alam kong sinusundan mo kami that time. Alam ko rin na nandoon ka ng oras na ‘yon.” walang emosyon kong salita habang patuloy sa pag-iyak.

“At wala kang ginawa para iligtas siya, Dixie!” galit na galit na sigaw niya sa'kin para matawa ako.

“E ikaw? May ginawa ka ba? Tumayo ka lang naman sa ilalim ng puno habang nagtatago.” galit na sigaw ko. “Walang ginawang mali ang mga kasama ko rito para idamay mo sa katangahan mo!”

Tinuro ko ang mga katawan na nakahandusay habang nanlilisik ang matang nakatingin sa kanya.
“Para sa isang buhay, pito ang kinuha mo sa'kin.”

“H-hindi ka patas m-makipaglaro.” umiiyak kong sabi at pabagsak na ibinaba ang kamay. Mula sa malayo ay rinig na rinig ko ang sirena ng mga pulis dahilan para sabay kaming mapalingon dito. Kinuha ko ang gloves na dala-dala ko simula kanina at sinuot ito. Sunod kong kinuha ang bakal na ginamit niya sa mga kasama ko at kapatid ko. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanya hanggang sa dalawang dipa na lamang ang layo namin.

“Sa anong paraan mo gusto mamatay?” nangangalaiting tanong ko habang mahigpit ang hawak sa bakal.

“Sa paraan bang pitong beses kitang papatayin tulad ng ginawa mo sa kanila o isang beses tulad ng pagkamatay ni Ries?” hindi pa man ito nakakapagsalita ay buong pwersa kong hinampas sa ulo niya ang bakal hanggang sa matumba ito at maligo sa sarili niyang dugo. Binato ko sa malayo ang bakal at sinaktan ang sarili. Sakto namang dumating mga pulis at ambulansya na tinawagan ko kanina. Lumapit ako sa katawan kung nasaan si kuya. Lumuhod ako rito at nahiga sa katawan niya. Sa huling pagkakataon ay muli kong sinilayan ang mukhang mukha niya habang ang mga luha ay patuloy sa pagpatak.

I have spoken. Sa isip ko hanggang sa mawalan ako ng malay.

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nanggagaling sa kung saan. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at doon ko napagtantong buhay pa ako. Muling nag-unahan sa pagpatak ang luha ko habang iniisip ang nangyari sa amin.

“Omygosh, baby! You're awake!” bahagya pa akong nagulat ng makita ko si Mommy na nasa harap ko na.

“Hoy, Drein! Tumawag ka ng doctor!” sigaw niya. Doon ko lang napansin si Daddy na natutulog sa sofa. Hinimas ni Mommy ang buhok ko habang umiiyak na natingin sa'kin.

“S-sila kuya?” garagal na tanong ko. Umiling lamang si Mommy na nakaupo sa harap ko habang umiiyak.

Tangina ka, Keiron. Mura ko sa isip ko habang umiiyak tulad ni Mommy. Muling bumukas ang pinto at iniluwal si Kyron na ika-ikang maglakad. May gauze pa ang sintido at may suporta ang leeg.

“Y-your alive?” umiiyak na tanong ko. Mapait itong ngumiti sa'kin hanggang sa makalapit.

“Magagalit kuya mo kung walang maiiwan sa'min,” tugon niya habang tumatawa ngunit bigo siyang gawin ‘yon dahil nagsimula na itong umiyak.

“Nakita mo na sila?” muling tanong ko. Tumango ito sa'kin bilang sagot kaya naman pinilit kong bumangon sa kama na agad nilang pinigilan lalo na si Mommy. Taka ko silang nilingon habang patuloy sa pag-iyak.

Bakit ayaw nyong makita ko sila?

“Mom? Please?” pagmamakaawa ko. Walang nagawa si Mommy kundi alalayan ako. Sinalubong ako ni Kyron at siya ang sumama sa'kin kung nasaan sila kuya kasama ang iba. Nagtungo kami sa morgue at bumungad sa'kin ang mga katawan nilang wala ng buhay.

Kailangan bang sa ganitong paraan kayo mamatay? Kausap ko sa kanila. Inisa-isa kong tiningnan ang mga katawan nila at para akong nawalan ng lakas. They were my safe place haven when I am lost. Am I able to survive without them? Without my brother?

“Let's go, Xie. Hindi tayo pwede magtagal dito.” tumingin ako kay Kyron na nagpipigil lang ng emosyon. Sinuri ko ang buong katawan niya at tulad nila ay may tama ang tuhod, sintido, at batok nito. Pero mukhang hindi ganoon napuruhan dahil hindi ko alam. Sumunod na lamang ako sa kanya hanggang sa madaanan ko ang mga pamilya nila Keah at Giles. Hinila ko ang dulong damit ni Kyron kaya naman napatigil ito at lumingon sa'kin.

“You want to see them?” masuyong tanong niya bago nilingon sila Tita Zel. Tumango ako rito kaya naman inalalayan ko sa paglalakad ng magtungo ito kila tita. Sabay-sabay silang napalingon ng makita kami.

“Xie! You're awake. Thanks God.” usal ni tita Zel, magulang ni Keah. Yumakap ito sa akin at muling nag-unahan ang mga luha ko.

“I know they're all happy to see you alive, baby. Be strong, mhm?” salita niya sa gitna ng pag-iyak. Tumingin ako kay Kyron na nakangiti lang sa tabi na umiiyak rin tulad namin. Lumapit sa'kin si Tita El at ginawaran ako ng mahigpit na yakap. Mula sa malayo ay kita ko si Mommy na papalapit.

“Tara na Dixie.” yaya sa'kin ni Kyron kaya naman kumalas ako ng yakap kay Tita El at sumama kay Kyron.

Tumigil kami saglit, tinawag ko si Mommy. “My, call me if Tita Ynah is here.”

“Sure, baby. Magpahinga ka muna.” malambing niyang tugon. Nagtungo kami sa kwarto ko at muling nahiga. Ilang araw din akong nasa hospital hanggang sa pwede na akong makalabas. Nasa iisang chapel lang sila kuya kaya naman ng makalabas ako agad sa hospital ay nagtungo ako rito.

“Dianne,” salubong sa'kin ni Wyxie. Ngayon ko lang siya ulit nakita after niyang umalis.

“Sup.” walang buhay kong bati sa kanya. Nilingon niya muna si Kyron na nasa likod ko bago ako sinabayan maglakad. Naunang makalabas si Kyron sa hospital. Madalas siyang bumisita sa'kin at siya rin ang naghatid sa'kin dito.

Naupo kami sa harap kung nasaan ang buong pamilya ko kasama ang mga pamilya nila Zei, Keah, at Giles. Hindi na kami nakaabot pa sa burol ni Kianna kaya naman plano naming dumalaw ni Kyron sa puntod nila. Nahanap na rin ang katawan ni Achilles the day na mag inspect ang mga pulis.

Sumapit ang araw ng libing at maraming tao ang nakiramay samin. Natapos ang seremonya at kami na lamang ni Kyron ang naiwan. Tiningnan ko ang mga puntod na magkakahilera mula kay Kianna hanggang kay Giles.

Let's keep in touch, gazettes. Sa isip-isip ko bago tumalikod sa kanilang lahat. Everything is made for a reason, they say. But what happens is created by a reason.

The gazettes are now signing off...

Beneath the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon