GILES
Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto dahil sa lakas ng lagabog nito. Nagkatinginan kaming tatlo nila Drein bago tumingin kay Dixie na siyang dahilan kung bakit lumagabog iyon.
Dumeretso ito kung nasaan kami at mabilis na tinungga ang hard wine na dapat iinumin ni Kyron. Napatayo si Drein sa kinauupuan niya at mabilis na inagaw ang glass shot. Miski kami ay nagulat sa ginawa ni Dixie.
“Tangina ng lalaking ‘yon…” mahina ngunit rinig naming tatlo. Nagkatinginan kami ulit.
“Sino?” sabay-sabay naming tanong. Para kaming tangang naghihintay ng isasagot ni Dixie.
“Yung may alagang ahas, pet niya.” nakangising sabi niya kaya naman nalilito kaming tumitig sa kaniya.
“Sino?” pagtatanong ko.
Tumingin ito sa akin ng hindi nawawala ang ngisi kaya naman kinilabutan ako. Para kong nakita sa kaniya si Drein.
“Let's just say…” pinutol niya ang sasabihin niya ng biglang pumasok si Achilles. Takang-taka ako dahil sa paglingon ni Dixie sa kanya. Dahan-dahan ito like how the creepy things in horror movies do.
“Oh? Ba't bumalik kana agad Achilles?” may laman na tanong ni Dixie sa kanya na siyang ikinataka ko. Anong meron sa dalawang ‘to?
“Ahh… Hinahanap ko si Keah.” sagot nito habang ang kamay ay nasa batok.
“Bakit hindi mo hanapin sa labas imbis na sa loob? Sadyang bobo ka ba?”
“Wews…” usal ni Drein dahilan para lingunin ko siya.
Nagkatinginan kami at sabay na natawa.
Tarantado talaga.
Binalik ko ang tingin ko kay Achilles at halata sa kaniya na nagtitimpi lang kay Dixie. Alam niyang si Drein ang makakabangga niya kapag sinagot niya pabalik si Dixie. For the second thought, kayang-kaya ng dalawang ‘to maglabas ng information na hindi alam ng iba.
“Dixie, not now…” sambit niya.
Mukhang nauubos na ang pasensya nito. Sumandal ako sa sofa at nagpapalit-palit ng tingin sa dalawa. Mukhang may mag-aaway dito maya-maya.
“Bakit? Sige, bukas na lang.” halata ang pang-aasar sa kaniya ni Dixie kaya naman napangisi ako. Grabe din talaga ang isang ‘to.
“Bukas ang pinto, Achilles. Doon ka maghanap ng girlfriend mong nawawala dahil sa katangahan mo.” dagdag niya pa. Galit na tumingin sa kanya si Achilles bago lumabas. Pabagsak na umupo si Dixie at isinandal ang batok sa sofa.
“Anong klaseng wine ba iniinom nyo? Sumasakit ulo bigla.” aniya habang hinihilot ang sintido.
“Zinfandel lang,” sagot ni Kyron na ngayon ko lang narinig ulit ang boses. Buhay pa pala siya.
“Wow sa word na lang, huh? It has 13-17% alcohol, you broke!” singhal sa kaniya ni Dixie para matawa kami. Bumalik si Drein sa pagkakaupo at nilagyan ang baso ng wine saka ininom ito.
“What's with the argument with Achi, Xie?” direktang tanong ni Drien sa kapatid niya. Inangat ni Dixie ang ulo at deretsong tumingin sa kapatid.
“Wala naman, may nakita lang ako.” walang ganang sagot niya. Halata naman na may laman ang mga sinabi niya kanina miski sagot niya ngayon. Hindi na kami umimik at tinuloy na lang ang inuman. Nakikisali rin si Dixie sa'min at tumigil din ng makaramdam ng hilo.
Nang tumayo si Dixie ay sabay-sabay kaming sinundan ito ng tingin hanggang sa makaalis ito sa sala kung nasaan kami ngayon. Pare-parehas kaming nakikiramdam hanggang sa mawala ito sa paningin namin.
DREIN
Mula sa kilos ng kapatid ko ay alam kong may nalaman na naman ‘to, pero wala akong karapatan magtanong dahil dapat alam ko agad.
Mabuti na lamang at apat na ang shot glass kaya naman sinimsim ko ang wine habang naka de kwatrong pambabae. Habang umiinom ay muli kong nakita si Dixie na patungo sa kung nasaan ako ngayon. Naupo ito sa harap ko at kinuha ang basong may laman nang alak.
Tiningnan ko si Dixie na nilalaro lang ang wine sa baso niya, halata mong malalim ang iniisip. Nauna na sila Kyron sa'min kaya naman naiwan kaming magkapatid sa sala.
“Spill it now, kuya.” saad niya para mapabuga ako ng hangin. Hindi niya inalis ang tingin niya sa glass shot.
“What do you mean by alagang ahas?” hindi ko maiwasan na isiping baka may bago na naman si Achilles habang sila pa ni Keah. Pero kung makikipagtitigan sa'kin ng matagal ang kapatid kong ‘to ay magiging tama ang hinala ko.
“You know…” usal niya at timitig sa mga mata ko.
I'm right. Napabuntong hininga ako habang iniisip ang katarantaduhan ni Achilles. Masyado siyang uhaw sa babae na akala mo’y mauubusan.
“Kailan mo nalaman?” tanong ko sa kanya. Ininom niya ang Zinfandel bago naglagay ulit. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman ngumiti lang ito sa'kin. Mataas ang tolerance niya, pero anytime ay babagsak na rin ‘to.
“Remember when I asked you that I'm going somewhere?” napaisip ako sa sinabi niya bago tumango. “Dahil sa sinabi ni Kianna na baka may kabit si Achilles ay naghinala na agad ako so sinundan ko sila.”
Tumigil ito at muling tumungga. Akmang magsasalin ulit ng agawin ko sa kanya ang bote at tinakpan iyon. “KJ ampt.”
“Shut up.”
Sumadal siya sa sofa at nagdekwatrong panglalaki. “So, nakita ko sila sa may bangin nagtago ako sa may damo. Muntik pa akong mahuli kaya nung nakatyempo ako tumakbo naman ako then nasalubong ko si Keah sa may gate.”
“Mhm? Sinabi mo ba sa kanya?” interesadong tanong ko.
“Hindi, wala akong karapatan makisawsaw sa sawsawan ng iba.” hindi ko maiwasang sumang-ayon dahil kung ako rin ang nasa posisyon niya ay hindi ko sasabihin, pero para matigil ang katangahan na ‘to ay mas pipiliin kong sabihin.
“Bakit ‘di ka makisawsaw kahit wala kang karapatan? It's for the better, Xie.”
“Hindi ko ugaling magsabi. It's for them to find out not unless they force me to speak up or it's needed.” napailing ako sa rason niya. Minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang ugali niya. Nakakaproud na nakaka-disappoint. Nagpalitan pa kami ng pagsalin hanggang sa makatulog na siya sa sofa. Napailing na lamang ako.
Dahan-dahan ko siyang binuhat at nagtungo na taas. Nasalubong ko pa si Keah na nagpapahid ng luha habang si Achilles ay nasa likod. Tinanguan ko lang siya bago puminhik sa taas.
“Tulog na?” tanong ni Zeiara na kakalabas lang ng kwarto.
“Mhm.”
“Wait, buksan ko pinto for you.” saad niya at binuksan ang kwarto ni Dixie. Nagpasalamat ako at pumasok na. Dahan-dahan kong ibinaba si Dixie sa kama at kinumutan. I gave her a forehead kiss before I went out. Dumeretso na ako sa kwarto ko at natulog.
BINABASA MO ANG
Beneath the Mask
Misterio / SuspensoBehind the killings there's a reason. A person seeks justice for a crime that was made. In what circumstance will you do when the woman you loved most was murdered? Who would think that a simple vacation could be their downfall? ...behold with the...