13

16 12 0
                                    

THIRD PERSON

Habang nasa loob ang mga lalaki ay nasa labas naman ang mga babaeng kasama ng mga ito, maliban kay Dixie. Kumukuha ng litrato si Kianna habang nakamasid lamang ang dalawa sa kanya.

“Grabe din talaga nangyari satin, ‘no?” salita ni Keah habang nagbabalik-tanaw sa limang buwan na nangyari.

“So real, hindi ko rin inexpect na aabot tayo sa gano'n na may kailangan pa mapahamak,” sagot sa kanya ni Kianna na ngayon ay kasabay na nilang maglakad.

“Tama rin siguro sila na may pangyayari talagang hindi natin hawak. Tamo naman ngayon, hot topic tayo ng buong campus tapos ‘yung relasyon ng magkapatid ay lumabo.” sabat ni Zeiara na sinang-ayunan ng dalawa. Sabay-sabay silang napabuntong hininga.

“Alam kong pagod na si Drein sa trato ng kapatid niya kaso walang magawa,” ani Kianna bago ikinawit ang braso sa braso ni Zeiara.

“Miski ako naman, pero mas naiintindihan ko part ni Drein.” sang-ayon ni Keah. Napailing naman doon si Zeiara.

“Keah, tingnan mo parehas ang sitwasyon nilang dalawa. Try to fit the shoe—parehas silang nasasaktan. Si Dixie, sa pagkamatay ni Ries na naging ate rin sa kanya habang busy si Drein sa ‘tin. At the same time, nasasaktan si Drein dahil parang nawala ang kapatid niya sa kanya na kahit malapit lang.” paliwanag ni Zeiara sa kanya. Natahimik naman si Keah at napatungo, iniisip ang sinabi.

“Ang lapit sa kanya ni Dixie, pero hirap na hirap niyang abutin…” dagdag ni Kianna sa sinabi ni Zeiara. Natahimik silang tatlo hanggang sa maalala ni Zeiara si Wyxie.

“Girls, hindi nyo ba nami-miss si Wyxie?”

“Hindi, siya naman nag decide na hindi sumama sa ‘tin e.” pabalang na sagot sa kanya ni Kianna. Hindi niya talaga mahanap ang dahilan kung bakit galit ito sa isa nilang kaibigan, parehas sila ni Dixie na may ayaw kay Wyxie. At kung may pagkakasunduan man ang dalawa ay iyon ang parehas nilang ayaw sa dalaga.

“Hey, don't be rude. Wala namang issue yata sa'yo si Wyxie.” depensa ni Keah sa kaibigan nila.

Hindi siya sumagot rito hanggang sa makita nila ang isang kubo.

“Why don't we sit in there? Pahangin muna tayo habang nagpapahinga.” pag-iiba ni Zeiara sa usapan na sinang-ayunan ng dalawa.

KEAH

Naupo kami sa may kubo at doon nagpahinga, patuloy pa rin kami sa pagkwe-kwentuhan.

“Wala ka bang balak mag-bf, Kia?” tanong ni Zeiara sa kanya. Napahawak naman si Kianna sa may bandang dibdib habang nanlalaki ang mata. OA talaga kahit kailan.

“Why me and not you?” mataray niyang balik na tanong kaya naman natawa kami ni Zeiara.

“Sira, kagagaling ko lang sa break up.” ganti sa kanya ni Zei. Kitang-kita namin kung paano umirap si Kia sa hangin bago sumandal.

“Hoy! Sobrang tagal na ‘yon! OA ka!” sigaw sa kanya ni Kianna at hindi namin maiwasang humagalpak ng tawa.

“Talagang sa'yo pa galing yung salitang OA, ha?” natatawang sabi ni Zei na sinang-ayunan ko.

“Oo! Oo! Sa'kin talaga manggagaling dahil ang OA mo sa part na galing ka sa break up!”

“Te, this week lang talaga ‘yon.” pagtataray sa kanya ni Zeiara kaya naman natigilan ito. Nagulat kami ng bigla itong tumayo at tinuro-turo si Zeiara.

“Shet ka! Kailan ka pa nagka-boyfriend after ng long relationship mo?!” napailing ako dahil sobrang OA niya talaga.

“Good question, girl. Same person pa rin.” napangising sagot sa kanya ni Zei kaya naman lumapit sa pwesto namin si Kianna at birong sinabunutan si Zeiara.

Beneath the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon