21

9 8 0
                                    

Alam na ng lahat na naunang umuwi si Achilles. The mood within the villa was tense and somber, making the remaining seven students a little bit uncomfortable. Ang mga ito ay busy sa kani-kanilang cellphone at laptop.

“Xie, you want water?” tanong ni Zeiara kay Dixie na naglalaro ng daliri niya. Natuon ang atensyon ni Dixie sa kaniya.

“Nope po, thank you.” ngiti lang ang sinagot ni Zeiara at nagtungo na sa kusina. She noticed something strange while drinking some water. She stayed in the kitchen and unconsciously turned her head at the top of the sink.

Lumapit ito sa may sink sa at nangunot ang noo ng mapansin ang declogger na nasa lababo imbis na nasa cabinet. It'll be a little bit suspicious to her head, but was ultimately ignored since she labeled her thoughts quite ridiculous.

Tumalikod na ito para magtungo sa sala kung nasaan ang lahat ng biglang sumulpot sa likod niya Drein para magulat siya.

“Hey! Baka! You startled me!” bulyaw sa ni Zeiara kay Drein.

“Edi sorry, you're out of space.” ani Drein. Umiling sa kaniya si Zeiara bago sumagot.

“It just like…” hindi niya matuloy ang sasabihin dahil wala siyang makuhang isasagot. “Nevermind.”

Nagtungo na ito sa sala at tinuloy na ang gagawin. Bumalik na rin si Drein na nanggaling sa kusina at tumabi sa kapatid niyang wala pa rin sa sarili. Hinawakan nito ang kamay ng kapatid dahilan para maiangat ni Dixie ang tingin. Taka itong tumingin sa kaniyang kuya.

“What?” usal nito.

“Kahapon ka pa wala sa sarili. Ayos ka lang ba talaga?” natigilan si Dixie sa sinabi ng kuya niya at saka nag-iwas ng tingin. Nang sabihin ni Keah na naunang umuwi si Achilles ay tahimik lamang itong naiyak sa labas ng pinto. Hindi matanggap na kasinungalingan lamang ang alam ng lahat.

“Hey, you're spacing out baby. Ano ba nangyayari sa'yo?” may pag-aalala nang tanong ni Drein sa kapatid.

“Everything is falling apart…” usal niyang muli para malito si Drein. Hindi niya maintindihan ang nakababatang kapatid niya. Mukha itong balisa at laging wala sa sarili. Hindi niya matukoy ang mali.

“Guys, ayoko na. Alis muna ako.” pag-aagaw ni Kianna ng atensyon nila. Nilingon siya ng lahat miski si Dixie na ngayon ay naging tensyonado. Ramdam ni Drein ang panginginig ng kamay ni Dixie. Nilingon niya ang kapatid at doon niya napagtantong may mali.

“Kia, can't you just stay with us?” nakikiusap na sambit ni Dixie. Masyado itong nababahala sa kaibigan ng kuya niya dahil baka may mangyaring masama.

“Nabo-bored na ako kaya bye!” masigla niyang salita at lumabas na. Malalim ang ginawang buntong-hininga ni Dixie dahil hindi niya napigilan ang kaibigan. Muli niyang naalala ang huling sinabi ng nakamaskara at doon niya naalala ang kahulugan.

Someone made a crime, but the last person who saw it is the key. Eyes will reflect the scenes while the mouth will tell what happened. Para makuha ang hustisya, kung sino ang huling mawawala ay sa kaniya huling sasabihin ang totoo. At ang mata nila ang muling magbabalik sa mga nangyari at ang kanilang bibig ang magiging dahilan kung bakit malalaman ang totoo. Sinulat ni Dixie ang stanza yon dahil sa pinanood niyang movie. Pero mukhang maiiba ang huling linya.

Sa kabilang banda, habang naglilibot si Kianna sa kagubatan ay napansin niyang mayroong tao sa likod niya. Tumigil muna siya saglit at pinause ang video. Tiningnan niya ang video at tama nga ito. Naka jacket ito na itim at nakamaskara. Pinagsawalang bahala niya lamang iyon at muling nagtuloy sa pagvi-video.

“Hi, guys! So, as you can see nandito ako sa may gubat. It's so creepy here!” salita niya sa camera. Habang naglalakad ay napansin niya ang nakita niya kanina na nakamaskara. Sumusunod ito sa kaniya. Nakaramdam ng takot si Kianna dahil bumibilis ang lakad ng taong ito.

Dahil sa takot ay nagmadaling lumakad si Kianna habang patuloy pa rin sa pag-roll ang kaniyang camera. Nakalabas siya sa gubatan.

“Fuck, go to hell where ever you are!” sigaw niya habang patuloy sa pagtakbo. Luminga ito sa paligid dahil mukhang naliligaw ito, mabuti na lamang ay may street keeper kaya naman lumapit ito rito at tinanong kung saan ang daan pabalik sa Fuentes.

“Dumiretso ka ro'n, ta's kumanan ka, may madaraanan kang gubatan, doon ay may mas malapit na daan, kumanan ka sa gubat at dumiretso lang.” turo sa kaniya. Nagpasalamat ito at muling tumakbo. Nang marating ang kagubatan kung saan niya galing ay nasabunutan niya na lamang ang sarili.

“Tangina, galing na ako rito!” sigaw niya. Nangibabaw ang pagdadalawang isip niya kung papasok ba o hindi, pero kailangan niya makauwi sa mga kaibigan. Muli siyang tumakbo hanggang sa mapansin niya ang nakamaskara na tao.

“Bwisit!” dismayado niyang sigaw. Bigla itong natisod dahilan para maabutan siya ng nakamaskara. Tumilapon ang camera niyang patuloy sa pag-roll at nakuhaan ang pagkamatay ni Kianna.

GILES

Kanina pa paikot-ikot si Dixie simula ng umalis si Kianna. Ako ang nahihilo sa kanya.

“Xie, maupo ka nga.” suway ko sa kanya. Tumigil ito sa paglakad ng paikot-ikot at naupo sa harap ko.

“Tawagan nyo na si Kianna, magtatanghalian na tayo.” utos ni Keah. Kinuha ko naman ang phone at tinawagan ang phone ni Kianna, pero hindi ito sumasagot.

“Nagri-ring lang.” paalam ko sa kanila. I tried to dial it again, but it keeps on ringing. “Ayaw sumagot mga ‘te,”

“Mauna na tayo kumain, maga-alas dos na e.” nagsitayuan kami at nagtungo sa dining table. Naging tahimik ang mesa, ni isa samin ay hindi sinubukang basagin ang katahimikan sa pagitan naming lahat. Nakakapagtaka na sobrang tahimik ng mesa, naninibago ako.

“Giles, paabot ng menudo.” pasuyo ni Dixie. Kinuha ko naman ito at saka siya sinandukan.

“Okay na ‘yan or dagdag pa?”

“It's okay na po, thanks.” binalik ko ang menudo sa kung saan ito nakalagay at muling nagpatuloy sa pagkain. Natapos kaming lahat kumain at muling bumalik sa sala. Pinatay namin ang oras sa paggawa ng papers namin at ang iba naman ay naglalaro.

“Wala pa ba si Kianna? Maga-ala sais na,” pag-aalala ni Dixie. Ngayon ko lang din napansin na wala pa nga ang isang ‘yon.

“Baka napasarap na naman sa paggala kaya ayaw na umuwi.” biro ko.

“Hanapin na kaya natin?” ani Dixie. Hindi talaga ito mapakali simula pa kahapon.

“Babalik ‘yon, Xie.” paninigurado ni Kyron. Kung hindi lang talaga namin bunso ‘tong si Dixie baka inilapit ko na si Kyron sa kanya.

Napatingin naman ako kay Drein na nakatingin sa kapatid. Kaso tropa namin ‘to, edi talo-talo. Hindi pwede.

Napailing ako sa sarili kong isipin. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa hawak kong uno cards habang nakikinig sa kanila. Muli kong naalala ang short at damit ni Dixie na bahid ng dugo. Kahapon ay naglaba ako at nakasampay pa ang putik na damit niya, doon ko napansin na may dugo. Napatingin ako kay Dixie na pinapakalma ng kuya niya.

Hindi ko dapat siya pagdudahan, pero mas matimbang ang negatibo sa aking isipan.

Beneath the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon