DREIN
“Isusunod ko na lang gamit mo,” tugon ko sa kanya. Tumango lang ito at nagtungo na sa taas. Napabuntong hininga ako habang sinusundan ito ng tingin. Nasa gano'n akong eksena ng may hamawak sa balikat ko, it was Kyron.
“Bakit?” taka kong tanong sa kanya. Hindi niya ako sinagot bagkus ay dumeretso ito sa sala kung nasaan sila Giles na seryosong nakatingin sa 'kin.
Umupo ako sa solo sofa at tiningnan silang tatlo. Madalas kaming mag-usap ng seryoso, pero mukhang malalim ang isang ‘to.
“Ahem…” nilingon ko si Giles na nagkunwaring umubo. Tinaasan ko kita ng kilay.
“Nahihirapan kana ba sa sitwasyon nyo ni Dixie?” prangkang tanong ni Kyron. Bigla akong napasandal sa sofa ng itanong niya ‘yon saka bumuga ng hangin.
Tumango ako rito. “To be honest, yes. I just missed my sister.”
Hindi ko maiwasang malungkot at mapagod dahil apektado kaming lahat sa inaasal ni Dixie, lalo na ako. Ako na ang madalas gumagawa ng away sa pagitan namin, pero hindi niya ako pinapatulan na hindi niya naman gawain.
Muli akong napabuga ng hangin at iniangat ang paningin.
“Hindi ko alam na ganun ang epekto ni Ries sa kapatid ko, feel ko tuloy siya ang kapatid at hindi ako…” usal ko. Ries brings a light to Dixie’s life. Nagkaroon ng kulay ang buhay niya when Ries comes to her life. Mapakla akong napangisi at ipinatong ang braso sa mata.
KYRON
Noong unang buwan ay nahanap ang bangkay ni Ries, halos linggo rin ang tinagal dahil masyadong malawak ang ilog. At noong sumunod na linggo ay nakulong naman si Deira, at ng mga sumunod na araw ay biglang pumutok ang issue tungkol kay Ries at kami na ang sinisisi. Hindi naging madali ang pinagdaanan namin dahil miski ang gumawa ng projects for our club ay hirap na hirap kami.
Nang umakyat na si Dixie sa taas ay saka ko nilapitan si Drein na halatang pagod na rin. Sa limang buwan na wala si Ries ay lumabo ang relasyon ng magkapatid. Hindi ko alam, pero mas mukhang kapatid pa ni Dixie si Ries kaysa kay Drein. Hinawakan ko ang balikat nito bago nagtungo sa sala. Sabay kaming umupo. Magkakatabi kami nila Giles sa mahabang sofa habang siya naman ay nakaupo sa solo sofa.
“Nahihirapan kana ba sa sitwasyon nyo ni Dixie?” tanong ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tanong na ito, pero sapat na rin siguro ‘to para malaman ang nararamdaman niya. I know he can handle the pain, but I also know that he can't endure it anymore.
“To be honest, yes. I just missed my sister.” sagot nito. Sa ginawa niyang pagtakip sa mata ay umiiyak na ito. Halos lahat kaming magkakaibigan ay hindi maiwasang maawa at manibago sa kanilang dalawa.
“Hindi ko alam na ganun ang epekto ni Ries sa kapatid ko, feel ko tuloy siya ang kapatid at hindi ako…” dagdag niya pa kaya naman napatingin ako sa kanya at kitang-kita ko kung paano tumulo ang luha nito.
“Magiging ayos din kayo, Drein. For now, intindihin muna natin si Dixie. Baka kay Ries niya rin kasi nakuha yung bond na gusto niya…” tugon ni Achilles. Hindi ko maiwasang sumang-ayon sa kanya dahil siblings bond ang kailangan ni Dixie, pansin ko ‘yon simula noong pumasok siya sa club namin.
“Ano pa nga ba…” mahinang sagot niya. Napabuga ako ng hangin bago iniiwas ang tingin. Kumunot ang noo ko ng may mapansin akong anino sa may hagdan.
GILES
Hindi ko maiwasang maawa kay Drein. Alam ko sa loob-loob niya ay nagseselos siya dahil sa relasyon na meron si Dixie kay Ries na napakalayo sa relasyon nilang magkapatid.
Kung hindi ka sumulpot sa buhay ni Dixie edi sana hindi magkakaganito ang dalawang ‘to, Ries.
May ibang araw na sinisisi ko si Ries dahil nalayo ang loob ng magkapatid, tulad na lang ngayon. Alam kong hindi niya kasalanan, pero kung iba naman nasa katayuan ko ay maghahanap din naman ng masisisi lalo na kung masyado nilang mahal ang relasyon ng magkapatid na ‘to, just like me.
I really love Dixie and Drein’s bond and I know magkakaayos din ang dalawang ‘to, hindi nga lang ngayon.
“Alam kong maldita at snob ‘yung kapatid ko, pero tangina pre. Wala akong magawa…” biglang salita ni Drein. Kitang-kita ko kung paano tumulo ang luha nito habang ang braso ay nakapatong sa mata niya niya. Nagkatinginan kaming tatlong lalaki at binalik ang tingin kay Drein. Hindi ko mapigilan na mapaluha habang nakatingin sa kanya.
“Huwag kang epal sa moment ni Drein, Giles!” mahinang singhal sa'kin ni Kyron. Tiningnan ko siya habang nakanguso, tangina neto.
“Ew” parinig ni Achilles kaya naman nilingon ko rin siya. Bwisit. Pinunasan ko ang luha ko at lumapit kay Drein.
“I love you much, pre. Huwag ka muna mamamatay…” usal ko bago siya yakapin. Binatukan ako ng kung sino kaya naman sinamaan ko ng tingin ang dalawa.
“Bobo, ‘di pa ‘yan mamamatay!” sigaw sa'kin ni Achilles. Narinig namin ang mahinang tawa ni Drein kaya naman napangiti kami.
BINABASA MO ANG
Beneath the Mask
Mystery / ThrillerBehind the killings there's a reason-a person seeks justice for a crime that accidentally made. In what circumstance will you do when the woman you loved most was murdered? Who would think that a simple vacation could be their downfall? Behold the l...
