28

29 10 0
                                        

KEAH

Nang itanong sa'kin ni Drein kung nasaan si Dixie ay hindi ko maiwasang sisihin ang sarili dahil ako ang dahilan kung bakit nasa labas ngayon si Dixie.

“Ky, ayos lang kaya sila?” nag-aalala kong tanong kay Kyron na ngayon ay nagpipigil lamang ng emosyon. Nilingon niya ako at doon ko napansin na wala ng makikitang emosyon sa kanya.

“Mhm. Nandoon si Drein.” walang emosyon niyang sagot. Bumuga ako ng hangin hanggang sa pumasok sa isip ko si Zeiara. Hindi ko pa siya nakikita simula ng makapasok ako rito.

“Nasaan pala si Zei, bakit hindi natin kasama?” muling tanong ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla na lamang niya suntukin ang pader.

“She's dead, Keah.” may halong galit niyang salita para matigilan ako. Nasa gano'n kaming senaryo ng biglang pumasok si Drein na kasama si Dixie na naghahabol ng hininga.

“Magtago kayo sa may van natin. It was park sa dark area ng villa.” utos ni Drein. “Kyron, you know what to do.” tumango lang si Kyron sa kanya at nilingon si Dixie na nakatingin sa katawan ni Giles.

Hindi ko maiwasang maawa kay Dixie dahil masyadong masakit ang nangyari ngayon. Para kaming inisa-isa na patayin hanggang sa maubos kaming lahat. Lumabas na kami ni Kyron dahil kay Drein hanggang sa makarating sa kung nasaan ang van. Laking gulat ko ng makita ang nakamaskarang tao na nasa harapan namin. Wala akong magawa kundi panoorin lamang si Kyron na salagin ang mga hampas ng nakamaskarang ito.

Nang makakuha ng tiyansa na makalapit si Kyron ay sakto namang nakatayo ang nakamaskara. Winasiwas niya mula ang hawak na bakal niya ito inihampas kay Kyron.

“Ky!” umiiyak kong sigaw habang nakatingin sa katawan niyang pinipilit na tumayo. Muli siyang hinampas ng nakamaskara hanggang sa hindi na ito makatayo pa. Napaatras ako bigla ng papalapit ito ng papalapit.

If this is the end, I want to see them for the last time. Sa isip-isip ko habang umiiyak at patuloy sa pag-atras. Winasiwas niya ang bakal na hawak niya at mabilis itong inihampas sa sintido ko. Malakas ang naging sigaw ko hanggang sa bumagsak ang katawan ko. Muli niya akong hinampas ng bakal hanggang sa maligo ako sa sarili kong dugo. Sa huling pagkakataon ay wala akong magawa kundi ang umiyak at panoorin lamang sila na iligtas ako.

I am sorry if I wasn't able to help. I'll treasure the memories we have, gazettes.

DREIN

“Achilles is dead.” bulong ni Dixie na siyang nagpalingon sa'kin.

“What?” gulat man ay mamayani ang galit sa loob ko. Sabay kaming napalingon ni Xie sa labas ng marinig namin ang sigaw ni Keah.

Hinawakan ko ang kamay ni Dixie ng akma itong tatayo dahil sa sigaw muli ni Keah. Umiling ako rito para iparating na hindi pwede. Wala itong magawa kundi ang umiyak lamang sa tabi ko.

“They need us!” galit niyang bulong sa'kin. Napailing naman ako dahil sa sinabi niya.

“Hindi ka bayani, Xie! Pwede kang mamatay doon!” pagpapaintindi ko sa kanya at muling sumilip sa may pinto.

“Kuya! They all your friend! Kailangan ka nila!” umiiyak na sabi niya. Iniwas ko ang tingin sa kanya at muling pinigilan ang emosyon.

“Kaibigan ko sila at kapatid kita! Hindi kita pwedeng pabayaan!” garagal kong tugon sa kanya. Napasabunot na lamang ito ng sariling buhok habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Sabay kaming napatingin ng marinig namin ang bakal na kinakaladkad dahil sa ingay nito.

“Where are you, Xie and Drein?” tumatawang tanong ng nakamaskara sa'min. Nagkatinginan kami ni Dixie at nagtango sa likod ng sofa. Ilang minuto namin pinakiramdaman ang paligid hanggang sa wala na kaming marinig.

“Gotta!” gulat akong napatingin ng nakasilip na ito kung saan kami nagtatago. Tinulak ko si Dixie palayo sa'kin at sinalo ang bakal na muntik nang tumama sa kanya.

“Run as faster as you can!” kita ko ang pag-aalinlangan niya kaya naman ngumiti ako rito habang nangingilid ang mga luha.

“I'll be fine, Xie. Magkikita tayo, uuwi pa tayo. I'll stay alive, baby...” usal ko habang nakatingin ng deretso sa mga mata niya. I can see her hesitation, but seeing her pulling herself together makes me proud. Tumayo ito at lumabas sa pinto. Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Muli kong binalik ang tingin ko sa nakamaskarang ito at buong pwersa na inagaw ang bakal na hawak niya.

“Tanginamo, gago!” mura ko sa kanya at binigyan ng suntok. Nagpalitan kami ng kamao hanggang mahilo ito. Nagtungo ako agad sa labas at hinanap si Xie na ngayon ay umiiyak kung nasaan sila Keah at Kyron. Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko habang nakatingin sa katawan nila. Nasa gano'n akong posisyon ng bigla na lamang may tumamang bakal sa may tuhod ko dahilan para mahirapan ako tumayo.

“Kuya!” rinig kong hiyaw ni Dixie. Muli akong nakaramdam ng tama sa may panga ko para bumagsak ako sa sahig.

“Kuya! Kuya!” palahaw na sigaw ni Dixie. Rinig ko ang pagtakbo niya palapit sa'kin hanggang sa makarating ito sa pwesto ko.

“K-kuya…” umiiyak niyang tawag habang nakatingin sa aking mata. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at sinaulo ang bawat angulo ng mukha niya.

At least before I die, her face was the last thing I saw.

“I love you, princess.” nanghihina kong sambit sa kanya. Tinulak ko ng malakas si Dixie hanggang sa malayo ito sa'kin. Rinig na rinig ko ang wasiwas ng bakal na nilalaro ng nakamaskara.

"I'm so sorry if I wasn't able to accompany you to our house, baby..."

Akmang ihahampas ito muli sa'kin ng malakas na sumigaw si Dixie na nagpatigil sa amin. Na siyang nagpatigil sa mundo ko. “Stop it, kuya Keiron!”

Nilingon ko ang nakamaskara at doon ko lamang napansin ang tattoo na nasa pala-pulsuan siya. That symbol.

“Tama na, kuya Keiron! This is not the justice that Ries wants!”” malakas niyang sigaw habang umiiyak. Akmang tatayo sana ako ng malakas niyang inihampas ang bakal na tumama sa sintido ko.

“Lintek lang walang ganti rito, Dianne.” galit na galit niyang salita. Napahiga ako sa sahig at muli niya akong hinampas ng ulo.

I am sorry, Xie. I'm sorry kung mauuna si kuya.

Kitang-kita ko kung paano nalulunod ang bunso kong kapatid habang wala itong magawa—tanging pag-iyak lamang. Gustong-gusto ko siyang lapitan para punasan ang luha niya at yakapin, at sabihin na ayos lang ang lahat dahil panaginip lang ‘to. Sa huling pagkakataon ay ngumiti ako sa kanya.

“Everything will be okay…” I whispered before everything went black. Survive this battle for us, without the other member of gazettes. Without me, your brother.

Beneath the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon