23

18 9 0
                                    

ZEIARA

“Ito ho ang file case ni Miss Kianna Zerrudo. Base sa nakalap na impormasyon, matigas na bakal ang hinampas sa biktima dahilan ng pagkamatay nito.” salita ng isang officer. Inilabas ng kasama niya mga dalang gamit ni Kianna. Nagkatinginan kami bigla ni Keah habang pinoproseso ang sinasabi ng mga pulis sa'min.

May panibagong inilabas ang pulis at nakita namin ang camera ni Kianna na madalas niyang gamit sa pagv-vlog.

“We found a camera malapit sa katawan ng biktima, huwag ho kayong mag-alala dahil patuloy pa rin ho ang imbestigasyon ng aming team sa naturang murder.” kinuha ko ang camera at chineck kung gumagana pa ito. Nang mabuksan ay chineck ko agad kung maayos pa ang camera.

“While checking the camera, who found out that there's a video.” dagdag ng pulis. Nagpunta ako sa gallery ng camera niya at doon ko napansin na may video nga ito. Inisa-isa ko ang mga video habang nakikinig sa kanila.

“What video?” tanong ni Keah.

“A  video of her own demise.” sagot ng pulis sa kanya. Tumayo ang mga ito at isa-isa kaming kinamayan. Nagsitayuan sila Keah at lumapit sa pwesto ko. Pinanood namin ang video at doon namin natuklasan ang pagkamatay ni Kianna. It was intentional. Umiiyak sa tabi si Keah habang inaalo ko siya. Bumuga ako ng hangin habang nagpipigil ng emosyon. Kumuha kami ng kopya ng mga video at muling ibinalik ang camera sa kanila.

“Mauuna na ho kami. Kami po ay lubos na nakikiramay sa pagkawala ng inyong kaibigan. Maraming salamat sa inyong kooperasyon.” aniya sabay labas ng bahay. Nagulat kami ng makarinig kami ng lagabog. Nakatayo roon si Kyron habang nagdurugo ang kamao.

“Hayop ang gumawa niyan kay Kia!” nangangalaiting usal niya. Nilapitan siya ni Giles, napatayo ng bigla na lamang hablutin ni Giles ang kwelyo ni Kyron.

“Get yourself together, Kyron! Kailangan tayo ng mga prinsesa natin!” sigaw sa kaniya ni Giles. Hindi ko alam ang gagawin dahil umiiyak pa rin si Keah.

“Hey, kumalma kayong lahat. Hindi masosolusyunan ang problema kung lahat ay hindi kalmado,” pagpapakalma ni Drein. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil inawat niya ang dalawa.

“W-what if mangyari din sa'tin?” biglang salita ni Keah. Nakatingin ako sa kanya. Wala akong makuhang sagot dahil hindi imposible na mangyari sa'min ang nangyari kay Kianna.

“Shh, walang mangyayari sa 'ting masama…” pagpapakalma ko sa kanya. Natuon ang atensyon ko kay Dixie na ngayon ay nakatayo sa may hagdan, umiiyak ito habang nakatingin sa'min.

Ilang oras din na walang kumikilos sa aming lahat hanggang sa ako na mismo ang tumayo. Nagtungo ako sa kusina at nagtingin ng makakain sa loob ng ref. Kumuha ako ng mga gulay at karne at nagsimulang maggayat. Lumapit sa'kin si Drein at tiningnan ang lulutuin ko bago nagtungo sa ref.

“Ano lulutuin mo?” tanong niya.

“Fried eggplant, adobo, ginisang repolyo with egg, and chop suey.” sagot ko sa kanya. Sinarado niya ang ref at nagtungo sa lababo dala ang pork steak, mukhang kay Dixie.

“Tulungan na ba kita?” alok niya.

“Kung okay sa'yo e.” kumuha ito ng kawali at sinimulang iprito ang ulam ni Dixie saka tumulong sa paggagayat ng mga gulay. Natapos namin ang pagluluto at inilagay na sa mesa. Umakyat muna si Drein para tawagin ang ang kapatid kaya naman ng matapos kong mailagay ang mga plato ‘t kutsara ay tinawag ko na sila.

“Kumain muna tayo dahil wala rin tayong almusal.” nagsilapitan silang apat at sakto namang bumaba na ang dalawa. Nagsi-upuan kaming lahat sa mesa at doon ko napagtanto na isa-isa kaming nawawala.

“Hey peeps! Magagalit si Kianna kung malungkot kayo, sige.” pagpapagaan ng loob ni Giles. Alam kong siya ang pinakaapektado sa lahat dahil si Kianna ang madalas niyang kabangayan.

Tiningnan ko sila isa-isa, lahat ay hindi makakain dahil sa pagwala ni Kianna. Nilingon ko si Dixie, miski ang sumubo ay hindi niya magawa. Nilalaro lamang ang pagkain na nasa harapan niya. Napatingin ako kay Drein na pinapanood lang din ang kapatid.

“Grabe, hindi ako sanay na walang maingay sa mesa…” usal ni Giles. Tumungo ito at tinakpan ang bibig para pigilan ang paghikbi. Iniwas ko ang tingin sa kanya at tumingin sa taas. Ngayon ko lang narealize na wala na akong kasabay sa pag-uwi at pagpasok. Wala na ako masasabihan ng problema. Wala na si Kianna.

KEAH

Kitang-kita ko kung paano nag unahan ang mga luha sa mga mata ni Zeiara kaya naman lumapit ako rito kung saan nakaupo si Kianna at niyakap siya. Humagulgol ito sa balikat ko at tulad ni Giles ay pinigilan nito ang paghikbi.

“H-hindi niya m-man lang naabutan ang m-mga achievements natin sa future…” usal ni Zeiara sa gitna ng pag-iyak niya. Mahigpit ko siyang niyakap dahil damang-dama ko ang hinanakit niya. Napatingin ako kay Dixie na biglang umalis sa mesa at nagtungo sa labas. Tumingin muna sa'min si Drein bago kami iniwan sa mesa at sinundan ang kapatid niya.

“Kung nasaan man si Kianna, masaya siya.” deretsong salita ko. Huminga ako ng malalim at saka ito binuga. Lahat kami ay kailangan ang isa't isa dahil sa pagkawala ni Kianna. Hindi na namin tinapos ang pagkain kaya naman tinakluban na lamang namin ito. Nagtungo kaming lahat sa sala at doon nagpalipas ng oras.

“Okay kana ba?” tanong ko kay Zeiara na humihikbi pa rin. Umiling ito sa akin.

“Hindi ko alam k-kung paano e-explain k-kila tita ang nangyari…” saad niya. Pinunasan ko ang luha ko bago hinarap siya sa'kin. Awang-awa ako ngayon kay Zeiara dahil sa aming lahat bukod kay Giles ay siya ang pinakamalapit kay Kianna lalo na sa pamilya niya.

“Nandito kami, Zei.” ani ko. “Sasamahan ka namin, mhm? Hindi ka nag-iisa, nandito kami.”

Isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko habang hinihimas ang kanyang braso. Sana nga hindi na ‘to maulit muli.

Ilang minuto rin ang tinagal ng magkapatid sa labas. Pumasok si Drein na buhat si Dixie. Parehas kaming napatayo ni Zei at nag-aalalang tumingin kay Dixie.

“Anong nangyari?” natataranta kong tanong.

“She passed out. Ilang araw na siyang umiiyak at ilang araw na rin walang gana kumain kaya nahimatay.” sagot ni Drein. Hinaga niya ito sa may mahabang sofa at saka lamang naupo sa may paahan ng kapatid. Masyado ng magulo ang lahat—hindi na namin alam ang gagawin pa. Inasikaso namin si Dixie hanggang sa magkaroon ito ng malay.

Beneath the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon