06

43 17 0
                                        

ACHILLES

I know that Kyron is serious about what he said. I don't even know why do we need to go on this path, marami namang daan pero dito talaga kami napadaan.

O sadyang trip lang talaga ng tadhana na dumaan kami rito?

"When I see you, I'll make sure that your body will never be found." kinilabutan ako sa sinambit ni Kyron, he's talking to himself.

Hindi ko alam, pero malakas ang kutob kong nababaliw na siya at malamang sa malamang dadalhin namin siya anytime sa mental.

Medyo lumayo ako rito dahil baka bigla niyang hilahin ang kwelyo ko at ako patayin instead of this person who keeps on spying us. Mas lalo tuloy akong kinilibutan sa naisip ko.

Edi huwag ka mag-isip, utak ba. Laban ko sa sarili. Napairap ako sa kawalan habang kinakalaban ko ang sarili ko— mukha akong tanga.

Nasa gano'n akong pag-iisip ng biglang lumihis ng daan si Kyron at nagpaalam sa'min.

"I'll see you guys later." aniya sabay talikod sa'min at dumiretso sa department nila. Nang makaalis siya ay doon lamang ako nakahinga ng maayos. Napahawak ang isang kamay ko kay Drein habang ang isa ay nasa dibdib.

"Tangina, pre. Narinig mo ba sinabi niya? When I see you, I'll make sure that your body will never be found." panggagaya ko sa sinabi ni Kyron. Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi niya.

"Si OA, tama kana Achilles. Nahahawa ka lang kay Kianna e." Tinapunan ko ng masamang tingin si Giles dahil sa sinabi niya.

Lol, Kianna mo mukha mo.

"Pakyu ka." usal ko habang naka middle finger sa kanya.

He did the same thing. "Eto ka."

"Tumigil na nga kayong dalawa." pang-aawat sa'min ni Drein na mukhang malalim ang iniisip. Mula ng malaman niya ang tungkol sa spy ay hindi na ito nag-ingay pa.

Halatang malalim ang inuungkat sa memorya niya.

Nagpatuloy kaming muli sa paglalakad hanggang sa maramdaman ko na naman ang ibang pakiramdam na 'yon na parang may nakasunod sa'min.

Hindi ko pinahalata na ramdam ko ang presensya ng taong ito at nagpatuloy lang sa pagpapanggap. Binagalan ko ang lakad ko hanggang sa matapatan ko kung saan siya nakapwesto.

Kanina pa kita nakita, sinadya ko lang talaga na hindi ipahalata.

Hindi ako nagdalawang isip na bumaling sa kung nasaan siya at mabilis na tumakbo roon. Kita ko ang gulat na reaksyon niya at ng makabawi ay mabilis itong tumakbo. Naabutan ko siya agad at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.

"Who do you think you are, huh?" gigil na bulong ko sa kanya.

"Bitawan mo 'ko! Mga mamamatay tao kayo! Pinatay nyo ang kaibigan ko!" may galit niyang sigaw habang nagpupumiglas. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Sa susunod na mahuli kita... sa hukay na ang diretso mo, remember this day." nangangalaiting sambit ko bago siya pakawalan. Kita ko ang takot sa mata niya ngunit mas timbang ang galit na nananalatay sa mukha niya.

"Is that the girl?" sulpot ni Drein na hindi ko napansin na nasa tabi ko na. "Mhm."

"Let's go, we have a business to do." singit ni Giles sa usapan. Nagtungo kami sa club room at doon pinag-usapan ang nangyari.

DREIN

That girl is obsessed with Haile, according to my information. I know her. Mabilis na nawala si Achilles sa tabi ko kaya naman nilibot ko ang paningin ko at namataan ko na lamang na may hawak na babae. Tumakbo roon si Giles habang ako naman ay presenteng naglalakad patungo sa kanila.

Though, it is nice to see her again.

"Bitawan mo 'ko! Mga mamamatay tao kayo! Pinatay nyo ang kaibigan ko!" sigaw sa kanya ng babae. Ayan ang naabutan ko ng makalapit ako sa kanila. Hindi ko maiwasang mapangisi sa sinabi niyang 'yon.

As if we're the one who killed your best friend.

Lumapit pa ako kay Achilles at doon tumayo. Tiningnan ko ang kuko ko kung malinis ito habang hinihintay na muling magsalita ang katabi ko.

"Sa susunod na mahuli kita... sa hukay na ang diretso mo, remember this day." nakakakilabot na sabi nitong katabi ko. Nagmukha siyang maangas ng sabihin niya ang mga 'yon. Tumingin sa akin ang babae na mukhang hindi nahalata ni Achilles bago ito tumakbo palayo.

Yes, look at me.

"Is that the girl?" kunwaring tanong ko.

"Mhm."

Someone needs a coffin after this. And I'll get it for her.

"Let's go, we have a business to do." basag ni Giles sa katahimikan. Ngayon ko lang naramdaman na nage-exist pa pala siya dahil sobrang tahimik niya. Dumeretso kaming tatlo sa club room at doon nag-usap. Sakto namang pagpasok ng iba.

Mula sa aking pwesto ay naramdaman ko ang titig ni Dixie para lingunin ko niya. I looked into her eyes before I nodded. Mukha namang naintindihan niya ang gusto kong iparating dahil mabilis niyang kinuha ang kanyang laptop at cellphone at nagsimulang magtipa rito.

Ilang saglit lamang ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko kaya naman kinuha ko ito mula sa aking bulsa bago tiningnan ang dahilan ng 'pag vibrate.

Send me the details.

Basa ko sa message ni Dixie. Well, I know that she's already trying to find an information sa taong 'to kaya naman binigay ko ang detalyeng meron ako.

Nagsimula silang magsalita habang kaming dalawa ni Dixie ay nagpapalitan ng impormasyon. Nang matapos kami ay doon lamang ako nakinig sa kanila hanggang sa matapos ang usapan.

Beneath the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon