GILES
Lumipas ang mga oras hanggang sa gumabi na. Pinapanood ko lamang sila sa mga ginagawa nila habang iniisip ang pagkamatay ni Kianna.
“Maraming leftover kanina, huwag na magluto.” ani Drein habang pinapanood sila Zeiara na mag-asikaso sa kusina.
“Hindi ba tayo uuwi bukas?” tanong ni Xie na kakagising lang ulit.
“Depende pa, marami rin tayo kailangan asikasuhin dito.” sagot ni Kyron na tinutukoy ang nangyari kay Kianna. Hindi na sumagot pa si Xie at tinuon na lang ang tingin sa fries na nasa harap niya.
Muling namayani ang katahimikan, tanging kupyertos lamang ang naririnig na ingay. Masyadong blangko ang isip ko para mag-isip pa ng iba bukod sa pagkawala ni Kianna. Parang namatay ay kalahating pagkatao ko.
“Kain na tayo.” tawag ni Zei sa'min. Sabay kaming tumayo nila Kyron at nagtungo na sa mesa. Ngayon ko lang napansin na nakaupo si Zei kung saan nakapwesto si Kianna.
Kung nawalan ako ng kalahating pagkatao, may mas nawalan ng pagkatao sa'min. Sa isip-isip ko.
“Naihatid na ba ang katawan ni Kianna sa bahay nila?” natigil kami sa pagsubo at nilingon namin si Zeiara muli rin naming binalik ang tingin sa pagkain.
Kyron clear his throat. “Ang sabi ng mga pulis ay baka bukas pa o sa isang araw.”
“Uuwi na ba tayo?” tanong ni Keah.
“Depende pa raw sabi ni niya,” sagot ni Dixie na nakanguso sa kuya niya. “Marami pa kailangan ayusin.”
“Paano si Kia? Baka hindi tayo makatulong kila tita,” dagdag pang muli ni Keah bago nilingon si Zeiara na tahimik lang sa kanyang upuan.
“Delika—” hindi natapos ni Dixie ang sasabihin niya. Mabilis niyang inubos ang pagkain niya saka uminom at tumayo na. Nagtaka naman kami dahil sa inasal niya.
“Anong ibig sabihin ni Dixie na delikado?” nalilitong tanong ko.
“No one knows, Giles. Huwag na lang natin pansinin.” walang pakialam na sagot ni Drein. Hindi ko maiwasang mapikon sa sinagot niya. Inubos ko na lamang ang pagkain ko at saka tumayo na para iwan sila.
Nagtungo ako sa may pinto. Takang-taka ako dahil nakabukas ang gate kaya naman naglakad ako papalapit doon para sana isara ang gate ng mapansin ko si Dixie sa di kalayuan. May kausap ito na matangkad at naka-hoodie. Mukhang seryoso ang usapan dahil sa panduduro na ginagawa ni Xie sa kanya. Kitang-kita ko kung paano pagtaasan ng kamay si Dixie ng kausap niya mabuti na lamang at mabilis itong nakatakbo papalapit sa gate kaya naman mabilis akong tumakbo sa may pinto.
Nagmamadaling sinarado ni Xie ang gate at gulat na tumingin sa'kin ng makita ako sa may pinto.
“D-did you see something?” nanginginig ang boses niyang tanong. Nagkunwari akong nagtatakang tumingin sa kanya.
“Nevermind.” aniya saka ako tinalikuran para pumasok sa loob. Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa makaakyat ito sa taas. Ilang minuto akong tumayo sa may pinto hanggang sa mapagdesisyonan ko nang pumasok. Nagtungo ako sa may ref at kinuha ang Zinfandel na dala namin, kumuha rin ako ng tatlong shot glass bago pumunta ng sala.
“Bakit ba laging sa gabi tayo nag-iinuman, lagi ba tayong problemado sa gabi?” natatawang usal ni Drein.
“Magtaka ka kung sa umaga tayo mag-inom e wala pang problema no'n,” pambabara ko sa kanya. Nakatanggap ako ng sipa sa kanya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Gagong ‘to anong akala niya, bati na kami?
“Huwag mo ako sipa-sipain, hindi pa tayo bati.” pagtataray ko sa kanya. Rinig na rinig ko ang pagtawa ni Kyron kaya naman tinapunan ko rin siya ng masamang tingin.
“Tanginang bading na ‘to, magpasuyo ka sa bebe mo!” asik ni Drein. Naglagay ako ng wine sa bawat baso namin at kinuha ko ang sa'kin.
“Lolo mo bading,” asar talo kong sagot sa kanya para magtawanan ang dalawang ‘to.
“Tiklop ka pala, e.” pang-aasar ni Kyron sa kanya.
“Kiss na lang kita, Giles. Parne ka,’ pang-aasar pa ni Drein sa'kin.
“Pakyu ka!” singhal ko sa kanya. Nagtawanan lang ang dalawa hanggang sa manahimik ang mga ito. Muli kong naalala ang nakita ko kanina kaya naman tumingin ako kay Drein.
“Drein, may bf na ba si Xie?”
“Bakit?” sumama ang timpla ng mukha ko dahil sa sagot niya. Nagtatanong ako tapos sasagutin ako ng tanong din, bwisit.
“Sumagot kana lang!”
Sumimsim muna ito ng wine bago ako sinagot. “Wala.”
“May nakita kasi akong kausap niya kanina sa labas, naka-hoodie.” saad ko.
DREIN
“May nakita kasi akong kausap niya kanina sa labas, naka-hoodie.” napatigil ako sa pag-inom ng wine. Tiningnan ko si Giles na malayo ang tingin kaya naman napabuga ako ng hangin. Napahilot ako sa sintido habang pinoproseso ang sinabi niya.
“Sigurado ka ba?” paniniguro ni Kyron.
“Mhm. Pagbubuhatan nga sana si Xie buti nakatakbo siya.” kwento ni Giles para magdilim ng paningin ko.
“Nakita mo ba ang mukha?” tanong ko sa kanya.
“Naka-hoodie nga ‘di ba? Natural hindi,” pabalang niyang sagot. Kaunti na lang talaga ay mabibira ko na siya.
“Ano gagawin mo, Drein?” pagtataka ni Kyron ng tumayo ako.
“Pupuntahan ko kapatid ko,” seryosong sagot ko sa kanya.
“Pre, huwag…” pag-aalinlangan ni Giles kaya naman nilingon ko siya.
“Bakit?” galit ngunit mahina kong tanong.
“Alam ni Dixie na wala akong nakita dahil tinanong niya ako kung may nakita ba ako o wala at sinagot kong wala, kaya huwag.” inis kong ibinagsak ang sarili kong katawan sa sofa bago nilagok ang wine.
“Paano ba ‘yan, Drein mukhang may bago ka nang brother-in-law,” pang-aasar ni Kyron para samaan ko siya ng tingin.
“Baka mapatay kita.” asar kong tugon sa kanya.
“Hoy Ky! May gusto ka kay Xie?!” gulat na tanong ni Giles kay Kyron. Ngumiti lang ang loko sa kanya saka inubos ang laman ng baso bago nagsalin ng panibago.
“Tangina, ‘kala ko ba ako lang?!”
“Ang OA mo kasi lagi, Giles. Kaya iiwan na kita,” pang-aasar niya kay Giles. Natawa naman ako ng bigla itong umakto na nasasaktan. Binato ko siya ng fries na niluto namin kanina.
“Bading talaga ‘tong hayop na ‘to,” natatawa kong salita.
Nag-asaran lang kami sa sala hanggang sa suwayin kami ni Keah dahil sa kaingayan namin.
“Namiss ko bigla si Achilles, nagbakasyon lang tayo ‘di na kompleto sa inuman e.” sambit ni Giles na ngayon ay lasing na. Sa aming apat, siya ang pinakamababa ang alcohol tolerance.
“Kaya nga, siraulong ‘yon. Nauna umuwi ‘di man lang tayo hinintay.” gatong ko.
“Well, Achilles and his nature.” sabat ni Kyron kaya naman tumango kami ni Giles biglang pag sang-ayon. Alas dose na kami natapos mag-inom kaya naman hinatid muna namin si Giles sa kwarto niya saka kami bumalik ni Kyron sa sala.
“Lagi na lang tayo nahuhuli rito,” asar niyang salita.
“Taas alcohol tolerance e, ganyan talaga.” sagot ko sa kanya. Nagsimula kaming maglinis ng pinagkainan at pinaggamitan namin. Natapos na kaming maglinis at nauna ng pumasok sa kwarto si Kyron. Umakyat ako sa taas at pumunta sa pinakadulong kwarto kung nasaan si Dixie. Binuksan ko ang pinto nito saka pumasok.
Umupo ako sa may kama at inayos ang ayos ng kumot niya, doon ko napansin ang pasa niya sa braso. Hindi ko mapigilang magalit sa gumawa nito.
“Tell the truth before it's too late, Xie. Even if it'll cost our lives.” bulong ko sa kanya saka siya hinalikan sa noo. Lumabas na ako ng kwarto at bago ito sinarado ay tiningnan ko muna siya ulit. Nagtungo ako sa katabing kwarto ni Xie kung saan ako natutulog at nahiga na.
Gano'n ba kahirap sabihin sa'kin ang totoo mong tinatago, Xie?
BINABASA MO ANG
Beneath the Mask
Mystery / ThrillerBehind the killings there's a reason. A person seeks justice for a crime that was made. In what circumstance will you do when the woman you loved most was murdered? Who would think that a simple vacation could be their downfall? ...behold with the...