27

22 10 0
                                        

DIXIE

Habang naghahanap kay Keah ay napansin ko ang aninong nakasunod lamang sa'kin. Hindi ko magawang tumakbo o sumigaw dahil nasa gubat na ako. Nagsimula ng bumilis ang tibok ng puso ko ng palapit nang palapit ang anino sa'kin. Bumilis ang naging lakad ko hanggang sa tumakbo na ako gano'n din ang aninong nakasunod sa'kin.

“Kuya…” tawag ko sa kapatid ko na sobrang hina, nangangarap na darating siya rito.

“Dixie…” tawag ng kung sino sa'kin. Nakaramdam ako ng takot dahil sa boses na ‘yon. Tumigil ako sa pagtakbo at luminga-linga sa paligid, nagbabakasali na makita ang tumawag sa pangalan ko.

“Xie! Ianne!” napalingon ako sa boses na nanggagaling sa malayo, it was kuya. Mabilis akong tumakbo kung saan nanggagaling ang boses na ‘yon.

“Kuya! Nasaan ka?!” sigaw ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. This night is chaotic.

This isn't the vacation that we expect... Sobrang layo nito sa inaakala naming lahat.

“Dixie! Is that you?!” pangc-clarify ni kuya. Muling dinambol ang dibdib ko ng makita ang naka-maskarang tao sa hindi kalayuan. Nasabunutan ko na lamang ang sarili ko habang patuloy sa pag-iyak.

Anong ginawa namin sa'yo para pahirapan mo kami ng ganito?

Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa makita ko ang daan palabas ng gubat. Nagkaroon ng pag-asa ang buong pagkatao ko ng makita si kuya roon. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya ngunit hindi yon nangyari. Napahinto ako sa pagtakbo ng nasa harapan ko na ang nakamaskara na tao na ngayon ay nakatabingi ang ulo.

“Saan ka naman pupunta, Xie?” nagdala ng kilabot sa sistema ko ang pagtatanong niya. “Hindi pa nga tayo nagsisimula.”

Root you to hell, fucker.

Humakbang ito papalapit kaya naman wala akong magawa kundi ang umatras palayo kung nasaan si kuya. Nilingon ko ang pwesto ni kuya at ang kinatatayuan ko.

Imposibleng matakbo ko ang pwesto niya dahil hindi pa man ako nakakalayo ay may tama na ako sa ulo.

Kumaluskos ang mga sanga at dahon na siyang inaapakan namin dahilan para muli akong mapalingon sa kung nasaan si kuya at nakahinga ako ng maluwag ng lumingon ito sa direksyon ko. Masyado akong nanghihina para lumaban pa.

“Dixie!” sigaw ni kuya na tumatakbo sa kung nasaan ako. Nang marinig kong iwinasiwas ng nakamaskara ang bakal niyang dala at akmang ihahampas sa'kin ay buong pwersa ko ‘tong sinalag.

“Tanga lang magpapatama sa bakal, bobo!” sigaw ko sa gitna ng takot kong mahampas. Gamit ang kaliwang paa ay buong pwersa ko siyang sinipa hanggang sa mabitawan niya ang bakal na hawak. Nang magkaroon ng tiyansa na makatakas ay nagmamadali akong tumakbo sa pwesto ni kuya.

“Tara! Tara!” hinawi ko ang mga luhang nag-uunahan sa mata ko hanggang sa makarating kami sa villa. Lihim akong napamura dahil hindi safe ang lugar na ‘to sa'min. Akmang tatakbo na nasa ako ulit ng makita ang nakamaskara na mukhang hinahanap kami.

“Xie, nandito pa sila Kyron at Keah.” nilingon ko si kuya na nasa pinto kaya naman wala akong nagawa kundi ang pumasok sa loob. Wala akong makita bukod sa dilim.

“Nasaan sila Giles at Zeiara?” nag-aalalang tanong ko.

“Someone killed them.” galit na sagot ni kuya. Napahilamos ako ng mukha ng marinig ang sagot niya.

Hindi ‘to mangyayari kung walang nangyari.

Sumunod lang ako kay kuya hanggang sa makarating kami sa kwarto ni Giles. Naroon si Kyron at Keah na mukhang nagtatago rin. Doon ko lamang napansin ang katawan ni Giles na nakahandusay sa lapag. Umupo ako sa sahig habang nag-uunahan ang mga luha.

Hindi talaga ‘to mangyayari kung walang nangyari noon. Salita ko sa isip ko. Naiwan kami sa kwarto ni kuya at pinauna sila Kyron kung nasaan ang sasakyan. Mabuti na lamang at naka-park ang sasakyan sa madilim na parte kaya malaki ang tiyansang hindi sila makita.

KYRON

Hindi ko pinahalata ang gulat ko ng makita ko ang nakamaskarang tao na ngayon ay nasa harap namin ngayon ni Keah. Pinwesto ko siya sa likod ko habang patuloy kami sa pag-atras.

“Do you want to bid your goodbye to Dixie?” nakakalokong tanong niya na nagpapintig ng tenga ko.

“Ikaw ba pumatay sa mga kaibigan namin?!” galit kong sigaw sa kanya.

“Mhm.” malalim ang ginawa kong buntong-hininga ng marinig ang sagot na ‘yon. Inambahan ko siya ng suntok at mabilis itong nakailag. Akmang ihahampas sa'kin ang bakal ng makailag ako rito. Mabilis kong nasalag ang bakal na muntik ng tumama sa'kin at pabato ko itong binitawan. Sinipa ko ang kanyang kaliwang tuhod gamit ang kaliwang paa ko at ng matumba siya ay sinipa ko ang maskara na nagsisilbing taklob sa mukha niya.

Muli itong tumayo at inayos ang maskara. Hinanda ko ang sarili ko ng muli itong umatake sa'kin. Nilingon ko si Keah na nanonood lamang sa'min habang nakatayo sa hindi kalayuan.

“Save yourself, Keah!” sigaw ko sa kanya. Muli kong sinalag ang bakal na muntik na tumama sa'kin.

“Paano ka?!” umiiyak niyang sigaw.

“Tanginang buhay ‘to, oh.” bulong ko. Inilagay ko ang bigat ko sa kanang paa ko at sinipa ang dibdib ng nakamaskarang ito dahilan para tumalipon siya sa malayo.

Mabilis akong nagtungo kay Keah at hinigit ito palayo sa villa ngunit doon ko napagtantong mali ang ginaw akong desisyon. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakabulagta sa sahig habang naliligo sa sariling dugo. Alam kong malayo ‘to sa spine kaya hindi ako mamamatay, pero kung mauubusan ako ng dugo ay paniguradong huling hininga ko na ‘to.

I wasn't able to confess my feelings to Drein's sister, huh? Sa isip-isip ko. Pinilit kong tumayo dahil sa pagtawag ni Keah ng muli akong makaramdam ng hampas mula sa batok ko. The last thing I knew before I lost my consciousness is Keah’s lying on the floor with her own blood.

I am sorry if I wasn't able to help you, Keah.

Beneath the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon