05

45 18 0
                                        

ZEIARA

Patuloy silang nag-uusap usap habang ako nama'y nakikinig lamang sa kanila. They keep on talking about the death of Haile.

Nagpatuloy ako sa pag obserba ng aking paligid because on the other hand— feels like may presensya akong nararamdaman.

When we were in Mcdo ay nakita kong may nakasunod sa'min. Kung tutuusin noong una ay hindi ko 'to napansin, but since Kianna noticed it too, doon ako naghinala na tama ako. Hindi lang si Kianna ang nakakita dahil simula pagpasok namin sa loob ng fast food ay ramdam ko na rin ang presensya niya, but instead of freaking Kianna out, hindi ko na lamang sinabi at hinayaan ko na lang i-keep sa sarili ko.

"Hey, you're zoning out. You good?" bulong sa'kin ni Kiana. Bahagya kong inilayo ang mukha ko sa kanya dahil sobrang lapit niya bago ako tumango. Well, siya ang madalas kong kasama kaya siya ang unang makakapansin na may mali sa'kin.

"Tell us if something's bothering you." usal nito at muling nagpatuloy sa pagkain.

Habang abala ang lahat sa sari-sariling kwentuhan ay hindi ko maitis na hindi tanungin si Kianna. That moment— when she saw that girl mukha siyang gulat na hindi mo maintindihan.

"Do you know that girl?" bulong ko sa kanya dahilan para siya'y matigilan saglit bago muling nagpatuloy sa pagkain. Maliit ang pag-iling na ginawa niya para mapaisip ako.

Kung hindi mo kilala ay bakit gano'n na lamang ang reaction mo?

Nasa gano'n akong pag-iisip ng marinig ko ang boses ni Dixie. Panigurado akong mag-aasaran lamang ang magkapatid na ito at hindi nga ako nagkamali.

"Kuya, paano 'pag lumipad 'tong tinidor ko papunta sa tagiliran mo?" asar na sabi ni Dixie sa kapatid niya. Napailing na lamang ako dahil walang araw na hindi sila nag bayangan ng kuya niya.

"Hindi pa nalipad 'yan nasa tagiliran mo na 'tong akin," pang pipikon pa ni Drein.

Hindi ko na maiwasang magsalita dahil nakakaagaw na sila ng atensyon ng iba. "Stop it, both of you."

Sabay silang tumingin sa'kin bago nagpalitan ng sama ng tingin. Hindi ko alam kung may saltik ba 'tong si Drein dahil kung umasta ay parang bata— mas bata naman sa kanya si Dixie. Napabuga ako ng hangin bago muling nagpatuloy sa pagkain ko. Nauna na ako sa kanilang pumunta sa room dahil may klase pa ako habang sila naman ay wala.

Habang naglalakad ay muli kong naramdaman ang tingin na nakasunod sa amin noong nasa fast food kami. Tumigil ako sa paglalakad at inilibot ang paningin, nagbabakasakali na makita ang taong iyon.

Or maybe naga-assume lang ako?

Muli akong naglakad patungong room hanggang sa hindi ko na maramdaman ang tingin na 'yon.

Just... who the hell you are?

KYRON

I know something is bothering Zeiara. Mula sa pananalita niya, pagbulont niya kay Kianna, at ang pag-alis niya agad-agad.

She's the most transparent among the rest.

I didn't bother to ask because her eyes speak it so well. Umalis na ang mga babae at kami na lamang ang natira. Nakaupo pa rin kami ngayon dahil nakain pa rin halos.

"Have you seen the girl with short hair? Her jacket is black?" tanong ni Achilles while demonstrating it to us.

Mukhang pare-parehas na kami nakakaamoy na mayroong nanonoof sa'min.

"Maraming short hair at nagsusuot ng itim na jacket, Achi. Mag-isip ka nga!" singhal sa kanya ni Drein habang nasipsip ng zest-o. Malaking palaisipan sa'kin kung paano niya nagagawang magbiro sa ganitong sitwasyon gayong mas mabilis siyang makahanap ng impormasyon kaysa sa'min, of course with the help of his sister, Dixie.

"Yung kasama ba ni Haile?" sabat ni Giles na kumakain pa rin ng manok. Nakakainis tingnan ang itsura ni Giles. Tumango naman si Achilles bago sumimsim ng kape. Nilingon ko si Giles at dahan-dahan akong huminga at malakas na binuga ang hangin dahil sa itsura niya.

Mukha na siyang manok sa paningin ko.

Hindi mawala-wala ang interest ko ng tumango si Achilles sa sinabing iyon ni Giles. Well, which means hindi lang ako ang sunusundan maging sila rin.

What for? What's the motive?

"What's with her?" pagpapanggap ko. Simula pa lang I'm aware that someone's watching us.

"I've been seeing her a couple of times, I think she's spying on us," seryosong sabi ni Achilles at doon ko napagtanto na tama nga ang hinala ko.

From the moment I saw her staring at me that day, I know that she's trying to sneak. Pero hindi niya magagawa 'yon— we're capable of doing something.

"Paano mo naman nasabi 'yan?" parang may pagdududang tanong ni Drein na halata ko namang nagpapanggap lang. Ngayon alam ko na kung bakit palaging sinasabi ni Dixie na ang bobo ng kuya niya— ang hilig niyang magmaang-maangan.

A good actor, huh?

"Tanga mo. Nang mamatay si Haile ay nagsimula yung babae na 'yon na mag-spy sa'tin sa malayo." pagpapaliwanag ni Achilles. Tahimik akong nakikinig sa mga sinasabi ni Achilles habang iniisip kung bakit ginagawa 'yon ng babae.

The reason is— we're becoming evil once our love ones lost their lives. Hindi sa magandang paraan.

"Come to think of it, we were accused of something we didn't do. And now, we are being spied on by someone. What will happen next?" pagsabat ni Giles na kanina pa tahimik. Mukhang ubos na rin ang manok na halos bucket na ang inorder kanina.

"Baka i-spill mga information na meron tayo inside the journalist room?" patanong na sagot ni Achilles sa kanya.

"Or maybe it's a threat for us..." mahina ngunit sakto lamang para manahimik kaming lahat.

May possibility na tama ang sinabi ni Drein, but mas acceptable pa ang sinabi ni Achilles. Well, yes, possible na pwede kaming mawala anything because of the stalking, pero imposibleng mangyari 'yon dahil wala kaming ginagawang masama.

Isa lang ang naiisip kong kasagutan para sa problemang 'to. Either siya ang unang aatake o kami ang mauuna.

"Protect our princesses." habilin ko saka tumayo paalis ng cafeteria. Nakasunod naman ang tatlo sa'kin hanggang sa may mamataan kami.

Whoever you are, mess with us and you're dead.

Beneath the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon