KEAH
Alas tres na ng hapon at nagsimula na ang party na plano ni Giles. Kanina ko pa napapansin ang masasamang titig ni Dixie at minsang pag-irap nito kay Achilles. Napabuntong hininga ako.
“Let's go somewhere.” nilingon ko si Achilles na nagyaya. Tumango ako at tumayo na.
Nagtungo kami sa kung saan namin natagpuan si Dixie noon. Naupo kami rito at tahimik na dinamdam ang hampas ng alon at hangin. Muli kong naisip ang sinabi ni Kianna na baka may kabit na nga ba siya. Muli akong napabuntong hininga.
Hindi ko maiwasang magduda sa kanya lalo na't hindi imposibleng mangyari ang sinabi ni Kianna.
“Babe?” tawag ko sa kanya at bahagya siyang nilingon.
Hindi niya ako nilingon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot. You were like melting an ice into a fire.
“Is there something bothering you, mhm?” masuyong tanong niya. Umiling ako at muling itinuon ang paningin sa dagat at pinanood ang bawst hampas ng alon.
“Naisip ko lang na…” na baka may iba kana. “malapit na pala ang anniversary natin.”
“Why do you need to bring it up, Keah?” halos pagalit na ang tonong ginamit niya dahilan para magulat ako. Lumingon ito sa'kin dahilan para itago ko ang pagkagulat ko.
What makes you change, Achilles?
“Nabanggit ko lang naman, Achi…” halos pabulong na sabi ko. Hindi ko alam pero mukhang tama nga si Kianna. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang siya na mismo ang bumasag ng katahimikan.
“I think…” usal niya. Tumigil pa ito na parang nag-iisip ng sasabihin. Hindi ko alam, pero nagsimulang dinambol ang dibdib ko. “I think… we need space.”
Namamangha ko siyang nilingon ng sabihin niya ‘yon. Sa ilang taon naming magkarelasyon ay hindi siya humingi ng space sa'kin.
“Space, huh? And you have the guts to say that?” sarkastiko akong ngumisi sa kanya habang pinipigilan ang luhang nagbabadyang tumulo. “Well, you're right. We need space.” pagdidiin ko.
Tumayo ako at pinagpag ang suot kong short. Akmang aalis na ako ng bigla niyang hilain ang kamay ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
“That's not what I meant, babe…” aniya. Ramdam ko ang panginginig sa boses niya.
“Shut the fuck up, Achilles! I'm so sick of all of your excuses!” garagal na sigaw ko sa kanya. Bumuga ako ng hangin bago muling nagsalita. I looked straight into his eyes. “Hindi naman ako bulag para ‘di mahalata ang mga galaw mo. And I guess… Kianna’s right.”
Inagaw ko ang kamay ko sa kanya at mabilis na naglakad palayo sa kung nasaan kami kanina. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha sa mata ko habang inaalala ang tonong ginamit niya sa'kin.
Patuloy niyang tinawag ang pangalan ko at niisa sa mga ‘yon ay hindi ko nilingon. Hindi tayo tanga ngayon. Nagtungo ako sa kubo kung saan kami tumambay nila Zeiara noon at doon umiyak nang umiyak, hindi alintana ang dilim sa paligid nito.
ACHILLES
Inis kong nasabunutan ang sarili ko because I really messed up.
“Damn it, Achilles! What did you do?!” bulalas ko.
“Achilles…” nilingon ko ang tumawag sa'kin at gulat na napatingin dito. Nilingon ko ang bawat paligid bago ibinalik ang tingin kay Seah.
“How did you get here? Baka may makakita.”
“I've heard everything…” sambit ni Seah. Lumapit sa kanya si Achilles at hinala ito para yakapin siya.
“I'm sorry.”
“It's okay, I understand.”
“Malapit na, Seah. We'll get there.” halos bulong ko sa kanya. Niyakap niya lang ako hanggang sa may marinig akong palakpak mula sa likod. Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Seah at nilingon kung saan nanggagaling ang palakpak na iyon.
Dixie. Kitang-kita ko kung paanong napalitan ng seryosong mukha ang kaninang nakangisi. Inilagay niya ang bigat sa kaniyang kaliwang paa habang ang isang paa naman ay deretsong nakatayo. Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa'min hanggang sa tumigil ito sa'kin.
“Ang kapal din talaga ng mukha mong dalhin ‘yang ahas na ‘yan dito, ‘no?” may bahid na galit niyang tanong.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot dahil sa tono ng pananalita niya. She may be the sweetest person you'll ever meet, but she's dangerous once she finds out your darkest secret.
“Just who the hell you are?” tanong sa kaniya ni Seah.
“Shut up, Seah. You don't know her.” pagpapatahimik ko sa kanya. Bahagya namang natawa si Dixie dahilan para lumatay ang kilabot at takot sa sistema ko. Masyadong matinik ang isang ‘to. Drein is dangerous, but Dixie is more than a dangerous person. Sa kanilang magkapatid mas maraming alam si Dixie.
“Let's just say…” huminto si Dixie sa sasabihin niya at dahan-dahang naglakad patungo sa kung saan nakatayo si Seah. Nang makarating ito ay bahagya itong tumungo hanggang sa matapat sa may tenga ni Seah. “... I'm your nightmare.”
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba dahil sa sinabi niya.
Umayos ito ng tayo bago tumingin sa'kin. Ngumiti ito ng napakaganda sa'kin. “Alam mo, okay ka naman, pero lumamang ka sa pagiging gago.”
“Isipin mo, sobrang talino ni Keah at mas maganda sa kabit mong ‘to na mukhang clown ang make up.” aniya bago tumingin kay Seah.
“What did you say! Bitch!” nginisian lang siya ni Dixie bago tinaasan ng kilay.
“Mahiya ka naman sa kutis ko, ahas. Kung bitch ako, ano ka pa? Anong atake mo? Birhen?” pang-aasar niya. Akmang susugudin na siya ni Seah ng hilain ni Dixie ang buhok niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla akong natuod.
“Huwag mo sagarin pasensya ko, ahas. Baka makita mo na lang sarili mo nasa hukay na.” seryosong saad niya at patapon niyang binitawan ang buhok nito. Naglabas ito ng alcohol at nilagyan ang kamay bago muling tumingin sa'kin.
“Weakshit people.” ani Dixie bago kami talikuran. Kampante akong sinundan siya ng tingin dahil alam kong hindi magsasalita si Dixie, pero hindi pa rin ako pwedeng makapante masyado dahil maling kilos ko ay kayang-kaya niyang sabihin ang nalalaman niya.
"Whoever she is, I hate her!" sigaw ni Seah habang inaayos ang sarili. Hindi ko siya binigyan ng pansin bagkus ay iniisip ko kung paano makakalusot sa gulong ginawa ko.
You really messed up, Achilles. You're really a walking shit in this world.

BINABASA MO ANG
Beneath the Mask
Mystery / ThrillerBehind the killings there's a reason-a person seeks justice for a crime that accidentally made. In what circumstance will you do when the woman you loved most was murdered? Who would think that a simple vacation could be their downfall? Behold the l...