26

15 8 0
                                    

THIRD PERSON

The police cleared the crime scene, on the other hand, Dixie sneaks inside the house of Mang Tomas.

Doing this kind of shits is… grr. Sa isip-isip niya habang naglalakad sa loob ng bahay. Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng matagpuan ang bangkay ng caretaker. Binuksan ni Dixie ang kwarto na nasa kaliwang bahagi ng hagdan at bumungad sa kanya ang kwarto na naglalaman na puro stuff toys at gamit ng babae.

Naglibot ito sa loob hanggang sa mamataan niya ang isang litrato ng isang bata. Nagtungo ito kung saan nakalagay ang litrato at kinuha. Pinagmasdan niya ito ng matagal hanggang sa ibaba niya ito. Muli pa siyang naglibot sa loob ng kwarto hanggang sa mapagdesisyonan niya ng lumabas. Akmang isasarado na sana ang pinto ng mapansin niya ang isang bulaklak na pamilyar sa kanya.

“Kay Ries ba ‘to?” bulong niya sa sarili.

“Imposible.” aniya sabay iling. Isinarado niya ang pinto at nagtungo sa kabilang kwarto. Bumungad sa kanya ang mga gamit na luma. Habang naglilibot ay nakarinig ito ng ingay mula sa baba kaya naman mabilis niyang isinarado ang pinto at nagtungo sa baba.

Sa kabilang banda, pumasok si Zeiara sa unang kwarto na nasa sala at nagtingin ng gamit. Takang-taka ito ng makita ang relo na madalas na gamit ni Achilles, bigay ni Keah sa kanya.

“How…? Hindi naman siya napunta rito?” tanong niya sa sarili. Lumabas ito sa kwarto dahil nakarinig ito ng ingay na nanggagaling sa kusina. Sakto namang nakasalubong niya si Dixie na gulat din na makita sila rito.

“Why are you here, Xie?” gulat na tanong ni Zeiara na kasama si Keah.

“Ahm… I just checked something, how ‘bout you?”

Nakaramdam ng ilang si Zeiara kaya naman bahagya niyang itinago ang hawak na relo. “May tiningnan lang din.”

Nilingon niya si Keah na nasa kusina at doon niya napansin ang declogger na nakita niya sa kusina nila. The scent and after smell of sodium hydroxide lingered somewhere near them.

“Let's go,” yaya ni Dixie sa kanya. Sumunod agad ang dalawa sa kanya at sabay-sabay silang lumabas. Bumungad ang mga kaibigan nilang lalaki na nasa labas.

“May nahanap kayo?” tanong ni Giles. Bahagya pa itong nagulat ng makita si Dixie na nasa likod. “Xie, you're here?” ilang na tanong niya.

Tinapunan lamang siya ng tingin ni Dixie at nagpamaunang lumakad sa kanila. Sinundan lamang siya ng tingin ng kapatid hanggang sa makalapas ito.

“Hindi pa rin kayo nag-uusap ng ayos?” tanong ni Kyron at nilingon si Xie na malayo na bago binalik ang tingin kay Drein.

“Hindi, tinotopak.” sagot niya.

Bumalik sila sa bahay kung saan sila namamalagi at umupo sa sofa ng makarating.

“Wala kaming nakita, pero may napansin ako.” salita ni Zeiara na tinatago pa rin ang relo ni Achilles.

“Mhm?”

“There's a declogger, nasa may kusina.” saad niya.

“Huh? Did the killer dissolve something? Or Mang Tomas?” tanong ni Keah na mukhang nalilito.

“Ano pa?” tanong ni Kyron.

“It's been 2 days, right? Pero yung amoy lumilingawsaw pa rin.” sagot ni Zeiara sa kanya. Napaisip si Kyron sa naging sagot ni Zeiara habang ang apat naman ay nagpapakiramdaman.

Nasa gitna sila ng pagpupulong ng biglang may tumawag sa phone ni Keah. Tiningnan niya ito at sinagot din ng makitang si Wyxie ang tumatawag.

“Wyxie.” paalam niya.

Beneath the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon