25

22 10 0
                                        

THIRD PERSON

Pumatak ang umaga at naunang nagising si Giles sa kanilang anim. Nagtungo ito sa pinto para buksan ito. Nang mabuksan ay napansin niyang may sulat sa baba kaya naman pinulot niya ito.

“Kay Mang Tomas ‘to, ah?” usal niya habang humihikab pa. He just shrugged his shoulder and he decided to go out so that Mang Tomas will get the letter.

Nang makarating sa kabilang bahay kung saan nanatili si Mang Tomas ay napansin nito na may dugong lumalabas mula sa pinto. May pag aalinlangan man ay minabuti niya na lang pumunta sa pintuan para buksan ito. Nakahinga naman siya ng malalim ng magbukas ang pinto. Binuksan niya ng malaki ang pinto at doon bumungad ang katawan ni Mang Tomas na naliligo sa sarili niyang dugo. Dahil sa takot ay nabitawan ni Giles ang sulat na para kay Mang Tomas at kumaripas ng takbo patungo sa tinutuluyan nila.

Lahat ay bagong gising pa lamang ng dumating si Giles. Lahat sila ay nagtataka dahil sa pagtakbo nito hanggang sa makarating sa sala.

“Guys, you need to know what did I just saw early…” salita niya habang habol ang hininga.

“Maupo ka muna, Giles.” asikaso ni Zeiara sa kanya. Umiling lang si Giles sa kanya habang isa-isa silang tiningnan.

“H…hindi, n-nakita ko yung katawan ni Mang Tomas,” sambit niya. Patuloy ito sa paghahabol ng hininga kaya naman inabutan siya ni Keah ng tubig na tinanggap niya agad. Nang makahinga ng ayos ay inilahad niya ang nakita niya.

“I saw his dead body in his house.” dere-deretso niyang sabi. Gulat na tumingin sila Zeiara at Keah sa kanya habang ang dalawang lalaki naman ay nakatitig lamang kay Giles, at si Dixie ay nilalaro na ang mga daliri.

“Are you sure?” paninigurado ni Zeiara.

“Sana nga nagbibiro ako kaso hindi Zei. Naliligo sa sariling dugo yung tao,” saad ni Giles habang umiiling.

“What if he made it…?” bulong ni Dixie sa isang tabi na narinig naman ng kuya niya.

“Did who, Xie?” may galit na tanong ni Drein sa kapatid niya. Tumingin sa kanya ang nakababatang kapatid habang nakahawak sa magkabilang dulo ng damit.

“Can you please… stop asking?” gigil na usal ni Dixie sa kanya. Bahagyang nagulat ang kapatid niya dahil sa pagsagot ni Dixie.

“Pardon?” nakangising ani Drein habang nanlilisik ang matang nakatingin kay Xie.

“Look at them! Look around yourself! Dal’wang tao na ang nawawala sa kaibigan mo!” sigaw sa kanya ng kapatid. Pasugod na lumapit si Drein sa may hagdan kung saan nakaupo ang kapatid dahilan para mapatayo si Dixie at tinapatan ang kapatid.

“Anong alam mo, ha?” nanggigigil niyang tanong sa kapatid. Napupuno ng galit ang mga mata nila habang nakatingin sa isa't isa.

“Ikaw… anong alam mo?” balik na tanong ni Xie sa kanya. “E wala ka ngang alam!” sigaw niya habang pinanlilisikan ng tingin ang kapatid.

“Don't even try to raise yourself at me, Dixie. Nakakatanda mo akong kapatid!” sigaw din ni Drein sa kanya. Namamanghang tumingin sa kanya si Xie habang ang kamay ay nasa batok.

“Don't use that card on me, kuya.” seryosong sabi ni Dixie habang deretsong nakatingin sa mata ng kapatid niya.

“Pre, tama na yan…” awat ni Kyron at bahagyang nilayo si Xie sa kanya. Napabuga ng hangin si Drein habang pinapakalma ang sarili. Tumalikod ito ng bahagya sa kapatid.

“Dre, awat. Nakakabata mong kapatid ‘yan…” awat ni Giles kay Drein at hinawakan ito sa braso.

“No one's listening to me, then let's see kung saan tayo pupulutin.” makahulugang sambit ni Dixie. Gigil na humarap si Drein sa kanya habang sinusubukan na makawala sa nakayakap na ngayon na si Giles.

“Ano bang pinupunto mo, huh?! Bakit hindi mo kami diretsuhin, Xie?” asik ng kapatid niya.

“Kumalma kayo.” sabat ni Zeiara na hindi rin alam ang gagawin kung paano pakakalmahin ang dalawa. Mahirap awatin ang magkapatid na ito ‘pag nag-away.

“Xie, you need to calm down…” bulong sa kanya ni Kyron na hawak ang braso nito.

“How could I fucking calm down if there's a dead body out there, huh! Saan ako kakalma!?” sigaw ni Dixie habang nakaturo sa may pintuan.

“We'll get there, Xie. Aksidente nangyari kay Kianna…” pagpapakalma ni Zeiara sa kanya.

“If you all knew…” dismayadong usal niya. Walang habas niyang hinigit ang kanyang braso kay Kyron at lumabas. Nakasunod lang ang mga kasamahan sa kanya hanggang sa mawala ito sa paningin nila.

“Bitawan mo nga ako!” bulyaw ni Drein kay Giles na nakayakap pa rin. Nagtungo sila sa mesa at doon naupo. Hinilot ni Drein ang sintido niya habang inalala ang naging aksyon niya sa kapatid.

“Dapat hindi mo na pinatulan si Xie kanina, pre.” salita ni Giles na kumakain ng cake.

“Mhm, I agree with Giles. Nakababata mo ‘yon saka babae rin, pre.” dagdag ni Kyron para lalong ma-guilty si Drein sa ginawa.

Sumandal ito sa upuan saka bumuga ng hangin, “Napuno ako, pre.”

“But you know naman na she's sensitive right?” sabat ni Zeiara. Nasapo na lamang niya ng noo.

“Yah, magaling siya magtago, pero ‘di niya kayang magpigil.” dagdag ni Keah.

“Ikaw lang makakaayos niyan, Drein. Inaasahan pa naman ng kapatid mo na maintindihan mo siya.” saad ni Giles. Walang magawa o masabi si Drein sa kanila dahil totoo naman ang mga sinabi nila. Muli itong bumuga ng hangin bago pinikit ang mata at inisip ang dapat gawin.

Sa kabilang banda, nang nakalabas si Dixie sa bahay ay nagtungo ito kung nasaan nananatili ang caretaker ng tinitirihan nila. Mabuti na lamang at dala nito ang cellphone kaya naman cinontact niya agad ang mga pulis. Ilang minuto lamang ay dumating na ang mga ito.

“Kailan nyo po nalaman na patay na ang biktima?” tanong ng pulis sa kanya.

“Mga bago mag alas siyete po.” sagot ni Xie sa kanya. Nakarinig siya ng mga naglalakad papalapit sa kanya kaya naman nilingon niya ito at doon natagpuan ang gazettes na papalapit sa kanya. Muli niyang binalik ang tingin sa pulis at hindi na pinansin ang mga kasama.

“May alam ba kayo na pwedeng gumawa nito?” tanong muli ng pulis. Hindi magawang magsalita ni Dixie kaya naman si Giles na ang sumagot ng makalapit.

“Wala ho e. Malipit lang din namin siya makita,” sagot sa kanya ni Giles. Nagpasalamat ang mga pulis at umalis na rin. Nagtagal pa sila rito hanggang sa mapagdesisyonan na nilang bumalik. Nahuhuling maglakad ang magkapatid at ramdam ni Dixie na may gustong sabihin ang kapatid kaya siya na mismo ang bumasak sa katahimikan sa pagitan nila.

“What do you want to say?” walang ganang tanong niya.

“I just wanted to say sorry.” usal ni Drein.

“Okay.”

Hindi na sila muling nag-imikan hanggang sa makarating sa bahay. Nagtungo na sila sa mesa kung nasaan ang mga kasamahan at nagsimula na rin kumain.

“Ano sa tingin nyo?” basag ni Giles sa katahimikan.

“Saan?” pagtataka ni Keah.

“Kay Mang Tomas, may pumatay kaya sa kanya?” pukaw ni Giles sa atensyon ng lahat.

“Tanga, sino naman papatay sa kanya? Private ‘tong villa.” asik ni Kyron sa kanya.

“Malay mo lang ‘di ba? Come to think of it, bobo.” ganti ni Giles sa kanya. Inismiran lamang siya ni Kyron at nagpatuloy na sa pagkain. Nagkatinginan ang apat ng mapansin na hindi magkatabi ang magkapatid sa mesa. Si Xie ay naupo sa tabi Kyron habang si Drein ay nasa dating pwesto niya.

“Kyron at Drein, kayo ang kota today huh? Kayo na bahala dito.” paalala ni Keah bago umalis sa mesa. Napailing na lamang si Drein habang si Kyron naman ay inaasikaso si Dixie. Pinanood lamang ni Drein si Kyron dahil hindi niya magawang asikasuhin ang kapatid sapagkat hindi pa rin sila ayos.

Beneath the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon