THIRD PERSON
Alas dos na ng umaga at ang mga tao ay mga nasa malalim nang tulog. Naalimpungatan si Achilles kaya naman bumangon ito at nagtungo sa kusina para uminom.
Mula sa linawag na nanggagaling sa bintana ay napansin niyang may dumaan na anino ng tao dahilan para magtaka ito. Inaantok man ay pinilit nitong labanan ang antok at nagtungo sa pintuan para buksan ito. Kunot noo niyang tiningnan ang isang pares ng sandals na puro dugo. Dahil sa kuryorisado ay lumabas ito para silipin kung nasaan ang bintana ng kusina.
Napansin niyang bukas ang gate kaya naman pumunta siya roon, akmang isasarado na sana ng may mamataan siyang katawan sa hindi kalayuan. Namuo ang takot sa kaniyang sistema, pero mas nananaig ang kuryosidad kaya naman lumapit ito at gulat ng nakita ang katawan ni Seah na puro duguan.
Matapos yaon ay sinubukan niyang gisingin ito at humingi ng tulong. Namayani ang tunog ng bakal na tila sumasayad sa sahig na animo'y bitbit ito ng kung sino at kinakaladkad dahil sa nakakarinding ingay nito mula sa malayo.
Pangamba at takot ang namayani sa sistema ni Achilles habang pilit na ginigising ang kanyang kasintahan na si Seah.
Palapit nang palapit ang ingay sa kung nasaan sila hanggang sa makita niya ang pigura ng isang taong bitbit ang bakal na puro dugo.
Sa hindi inaasahang pagkakatao'y bigla na lamang may humampas ng bakal sa may bandang batok ng binatang si Achilles. Bago mawalan ng malay ang binata ay narinig niya ang boses ng siyang humampas sa kaniya.
“Everything is made for a reason,” at sa hindi inaasahan ay mapait itong napangiti bago mawalan ng hininga.
Sa kabilang banda, hindi alam ni Dixie kung ano ang gagawin. Tuloy-tuloy lamang ang pagpatak ng luha niya habang pinapanood kung paanong paghahampasin ng nakamaskara ang isa sa mga gazettes. Pigil-hininga ang bawat ginagawa niya. Litong-lito ito habang naaawa sa kaibigan ng kapatid niya.
Sinilip niyang ulit ang katawan ni Achilles at halos mawalan ito ng hininga ng nasa harapan niya na ang nakamaskara na siyang pumatay kay Achilles. Ang mga luha niya ay kusang tumigil ni ang kumurap ay hindi niya magawa dahil sa gulat.
Lumapit pa ang nakamaskara sa kaniya dahilan para umatras ito. Napaupo ito dahil sa pag atras dahilan para magkaroon ng putik ang kaniyang suot. Takot na takot ito—gustong tumawag ng saklolo pero hindi magawang sumigaw o miski humingi ng tulong at tumakbo dahil maling galaw niya ay mahuhulog ito sa may bangin na nasa likod niya.
“Dixie, are you confused?” tanong ng nakamaskara sa kaniya. Takot man ay nagawa nitong kwestyunin ang nasa harap.
“How…do you know my name?” garagal niyang tanong para matawa ang kaharap.
“You remind me of her...” pagpapahiwatig nito.
Nalilito si Dixie sa mga sinasabi ng nakamaskara sa kaniya hanggang sa muling lumapit ang nakamaskara sa kaniya. Dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan ay nakita niya ang tattoo sa pala-pulsuan ng nakamaskara.
Nakaukit dito ang simbolo na sobrang pamilyar sa kaniya.
Dahan-dahan niyang inangat ang tingin sa nakamaskara at doon ay muling bumalot ang takot sa kaniya. Nagulat ito ng biglang winasiwas ng nakamaskara ang hawak nitong bakal na puro dugo. Napaatras muling si Dixie.
“Siyang saksi ang huling susi. Mata ang magpapahiwatig habang bibig ang magsasabi.” kinilabutan si Dixie ng marinig ang isang stanza na mula sa mga tulang ginawa niya.
“Alam kong hindi ka magsasalita, pero hindi rin ako pwede makampante.” saad nito bago tuluyang umalis. Bahagya pa itong tumigil habang nakatalikod sa dalaga, "Take care of yourself, Xie."
Tulalang napatingin si Dixie sa pwesto ng nakamaskara kanina at ng makabawi ay nagtungo ito sa kung saan namatay si Achilles. Napaupo ito muli ng makitang wala na ang katawan ng binata. Hindi niya alintana ang mga sugat na natamo at ang mga putik na nasa katawan niya. Ang nasa isip niya lamang ay kung ano ang gagawin.
Hinang-hina ma 'y pinilit nitong tumayo. Kumapit ito sa harang ng bangin at inilagay ang bigat sa kanang kamay at pinilit tumayo. Nadulas ang kamay nito para muli itong matumba. Dalawang kamay ang kaniyang ginamit para makatayo siya. Luminga-linga siya sa paligid, nagbabakasali na makita ang katawan ni Achilles, pero wala.
Ang puti nitong damit ay napuno ng putik, ang binti at tuhod ay purk sugat dahil sa pagkatumba niya ng ilang beses. Nanghihina man ay nakahinga si Dixie ng maluwag ng makarating siya sa bahay. Napasandal ito sa pinto at muntik na matumba ng masalo siya ng kung sino. Nilingon niya ito at bumungad sa kanya ang kuya niya at nasa likod nito si Kyron.
“Anong nangyari sa'yo?!” galit na tanong sa kanya ng kuya niya. Ibubuka niya na sana ang bibig ng maalala niya ang huling sinabi ng nakamaskara. Umayos ito ng tayo at mabilis na yumakap sa kuya niya at umiyak lang ng umiyak sa bisig nito. Nilingon ni Drein si Kyron na nasa likod niya lamang habang inaalo ang kapatid.
Pinagpalit ni Drein ng suot si Dixie na sinunod naman agad ng nakababata niyang kapatid. Naiwan silang dalawa ni Kyron sa sala at naupo sa sofa.
“Ano sa tingin mo nangyari?” bakas ang pag-aalala ni Kyron dahil sa tono niya. Ipinatong ni Drein ang siko sa kanang hita at nangulumbaba na para bang nag-iisip.
“Hindi ko rin alam…” sagot nito. Hindi niya rin mabigyan ng sagot si Kyron dahil wala naman siya kung nasaan si Dixie kanina.
“Should we take a look?” nilingon siya ni Drein at nagkatitigan. Sabay silang tumayo at lumabas. Luminga-linga sila sa paligid ng may mamataan si Kyron na parang katawan sa hindi kalayuan.
“Pre, tingnan natin.” sabay turo doon sa parteng bangin. Sabay silang nagtungo rito at laking gulat nila ng makita ang katawan ni Seah. Tiningnan nila ang laman na bag nito at doon natuklasan na ito ay karelasyon ni Keah.
“Gago talaga ang tarantadong ‘yon.” nangangalaiting salita ni Kyron habang tinitingnan ang mga litratro na nasa wallet ng dalaga.
“Dalhin mo ang wallet na ‘yan, Kyron.” utos sa kaniya ni Drein. “May dala ka bang panyo o kahit anong pwedeng ‘di maglalagay ng fingerprint mo?”
Kinapa ni Kyron ang suot niyang short at nakapa ang panyo. Pinakita niya ito kay Drein, tumango ito sa kaniya. “Ano gagawin?”
“Iwan mo ang mga atm at personal cards ng babae sa bag.” ginawa ni Kyron ang sinabi ni Drein at bumalik na sa bahay. Nakabalot ang wallet sa panyo ni Kyron.
“May drawer sa loob ng kwarto mo, ‘di ba?” tanong ni Kyron kay Drein. “Ikaw magtago.”
Kinuha ni Drein ang wallet ng dalaga at itinago iyon sa loob ng drawer na nasa kwarto na tinutuluyan niya. Bumalik siya sa sala at naabutan doon si Dixie na halata ang pagkabalisa. Hindi nito maiwasang mag-alala at manaig ang kuryosidad sa nangyari.
BINABASA MO ANG
Beneath the Mask
Mystère / ThrillerBehind the killings there's a reason-a person seeks justice for a crime that accidentally made. In what circumstance will you do when the woman you loved most was murdered? Who would think that a simple vacation could be their downfall? Behold the l...
