DIXIE
Nang bumalik si kuya sa sala ay tumabi ito sa'kin. Hindi ko alam kung paano tutulog mag-isa ngayon kaya naman ng makalapit si kuya at tumabi sa'kin ay inihilig ko ang ulo sa hita niya at doon nahiga saka ipinikit ang mata.
“Inaantok ka pa?” malambing niyang tanong. Idinilat ko ang mata ko sa tanong ni kuya.
“Don't make alis, ha?” pakiusap ko sa kanya.
3:30am pa lang ng umaga ngayon at nandito kaming tatlo nila Kyron sa sala. Mukhang nalito si kuya sa sinabi ko pero pinagsawalang bahala ko na lamang ‘yon. Muli kong pinikit ang mata ko at ilang minuto lang ay nakabalik ulit sa tulog.
“Bakit puro sugat ang kamay ni Dixie?” tanong ng kung sino. Hindi ganoon kalalim ang tulog ko kaya naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila.
“Naabutan na lang namin siya sa may pinto muntik matumba buti nasalo ni Drein tapos pagtayo niya ng ayos saka lang namin nakita na puro siya putik at sugat.” pahayag ni Kyron.
“Nagamot nyo na ba?” tanong ni Zeiara. Siya rin ang nagtanong kung anong nangyari sa'kin.
“Hindi pa, ‘di ko alam nasaan ang kit na dala natin.” sagot ni kuya habang hinihimas ang buhok ko. Nakarinig ako ng yapak papalapit sa'min kaya naman minabuti kong makinig muna at hindi dumilat.
“Oh my, what happened to our bunso?” OA na tanong ni Kianna.
“Hindi namin alam, walang may alam.” sagot ni kuya na mukhang nauubusan na ng pasensya. Miski ako ay nauubos na rin ang pasensya dahil sa mga tanong nila.
“Guys, nakita nyo ba si Achilles?” nag-aalalang tanong ni Keah. Bigla akong natahimik at nagsunod-sunod na ang pagtulo ng luha ko. Mukhang naramdaman ni kuya na basa na ang hita niya kaya naman sinilip niya ako.
“Hey, princess. Are you awake?” bumangon ako habang nakapikit pa rin at humarap kay kuya. Dahan-dahan akong nagmulat dahil sa mga luhang nag-uunahan. “Hey, bakit ka naiyak? Anong nangyayari sa'yo?”
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Gusto kong magsalita, pero hindi ko pwedeng gawin ‘yon. Yumakap ako kay kuya at sa bisig niya umiyak. Hindi ko alam kung saan ang lulugar ngayon, naiipit ako sa sitwasyon. This isn't the vacation that I was expecting...
“Baka naman nagpahangin lang, Keah.” sagot sa kaniya ni Kianna. Tiningnan ko ang reaksyon ni Keah at bakas pa rin ang pag-aalala niya.
“I agree, hindi naman masyado lalayo ‘yon.” dagdag pa ni Giles na mukhang kakagising lang. Napatingin ito sa'kin at nagtama ang mata namin.
“Anong nangyari sa'yo, Xie?”
“I… I slipped.” pagsisinungaling ko. I saw how Achilles was killed that night. I also saw his woman's body. It was traumatic.
“May pagkain na ba?” tanong ni Zeiara. Ako ang kusang humiwalay sa yakap namin ni kuya dahil magluluto pa siya. Humarap ito sa akin at chineck ako.
“Are you good?” tumango ako.
“Is there something you want me to cook for you? Magluluto kasi sila ng lomi for this morning.”
“Nothing, I want bread.” tumango si kuya at nagtungo na sa kusina. Sumunod naman sa kanya ang dalawa at naiwan kaming apat.
“Hey, Xie. Sama ka sa'kin mamaya?” nilingon ko si Kianna at takang tumingin sa kaniya.
“Where?”
“May nakita kasi akong spot sa kabilang street, dadaan tayo sa gubatan.” umiling agad ako ng marinig ko ang gubat word. Just not today.
“KJ mo naman, pero go. Sa lagay mong ‘yan e.” pasiring giit niya na hindi ko na pinansin pa. Ilang minuto rin ang itinagal namin sa sala hanggang sa tawagin na kami para kumain ng umagahan.
BINABASA MO ANG
Beneath the Mask
Mystery / ThrillerBehind the killings there's a reason. A person seeks justice for a crime that was made. In what circumstance will you do when the woman you loved most was murdered? Who would think that a simple vacation could be their downfall? ...behold with the...