14

15 11 0
                                    

THIRD PERSON

Panibagong araw para sa gazettes, kanya-kanyang gawa sila sa loob ng kanilang tinutuluyan. Ang mga lalaki ay inilabas ang mga natirang gamit sa van habang ang tatlong babae naman ay nasa kusina para magluto habang si Dixie ay abala sa sinusulat.

“Xie, you want to join us?” yaya ni Zeiara. Ilap pa rin sa kanila si Dixie at naiintindihan nila ‘yon, mukhang naga-adjust ulit.

“Later na lang po, it's too crowded na e.” sagot sa kanya. Bahagyang ngumiti si Zeiara sa kanya at tumango. Nagpatuloy lang silang tatlo sa kusina habang ang mga lalaki ay nagpapasok ng gamit sa loob.

“Hoy Kianna! Ano ba ‘tong gamit mo—may laman ba ‘tong bato?! Sobrang bigat!” sigaw ni Giles ng makapasok. Nilingon siya ng dalaga bago tinaasan ng kilay.

“Manahimik ka nga diyan!” sigaw din naman ni Kianna.

“Hoy ‘te! Hindi tayo titira dito ng isang taon para dalhin mo lahat ng gamit mo!’ muling sigaw sa kanya ni Giles.

Kumunot ang noo ni Dixie habang nakikinig sa pasigaw nilang usapan. Kaunti na lamang ay paitutusok niya na ang gamit na ballpen sa pikon dahil sa sigawan ng dalawa.

“So what? Wala kang pakialam! E sa gusto kong magdala ng maraming damit e!’

“So what, so what! So what-in mo mukha mo! Tapon ko ‘to sa dagat e!”

Hindi na mapigilan ni Dixie na maibagsak ng malakas ang gamit na ballpen sa kaniyang notebook at tumingin sa kanilang dalawa.

“Pwede bang mag-usap kayo ng hindi sumisigaw?! Nakakabingi kayo!” galit na sigaw nito dahilan para matahimik ang lahat ng nasa loob ng bahay, miski ang kararating na tatlong lalaki ay napatigil din sa pagpasok dahil sa sigaw ni Dixie. Dabog na lumabas si Dixie sa bahay at mabilis naman na tumabi si Achilles na siyang nasa pinto.

“Bakit kasi kayo nagsisigawan dito, alam nyo namang ayaw niyan sa ingay.” dismayadong basag ni Drein sa katahimikan. Tumungo lang ang dalawa.

“Kausapin na lang natin mamaya. Magpapalamig lang muna ‘yon.” dagdag ni Kyron na sinang-ayunan ng lima. Nagpatuloy sila sa kanilang ginagawa hanggang sa magtawag na ng mga kasama.

DIXIE

Matapos ang pagsigaw na ginawa ko sa kanila ay mabilis akong lumabas para magpalamig ng ulo. Nakarating ako sa tabing dagat at doon naupo. I don't even know how to control my anger right now. That's why running from the issue is the right thing that I can do.

Napabuntong hininga ako dahil nilalamon ako ng guilt. They are my ate and kuya, and for what I did isn't right. Kaso kasi, kasalanan naman nila kaya ko sila nasigawan. Muli akong napabuntong hininga bago tiningnan ang sinusulat ko kanina.

Trying to run from a hunter,
one knows the truth by
lying through the mask.
Keeping the secrets
while bearing the pain…

Kumunot ang noo ko habang binabasa ang huling stanza. It's off. Akmang gugurihan ko na ito ng may marinig akong boses sa likod.

“It's a nice poet, Xie.” nasarado ko ang notebook ko at gulat na tumingin kay Zeiara na nasa likod ko na pala. Pumwesto ito sa tabi ko.

“Why are you here?” direktang tanong ko.

“One thing that didn't change from you is you're still a straightforward person.” hindi ako sumagot sa sinabi niya bagkus ay tumingin ako sa dagat na patuloy sa malakas na alon.

I saw from my peripheral vision ang ginawa niyang pagbuga ng hangin. “Hinahanap ka ng kuya mo—‘di pa rin ba kayo nag-uusap ng ayos?”

Mula sa sinabi niyang iyon ay napalingon ako sa kanya at muling binalik ang tingin sa dagat bago umub-ob sa dalawang tuhod ko.

“I still don't know how to approach him…” usal ko ng nasa ganoong posisyon. Hindi ko nakikita ang reaksyon niya, pero alam kong naaawa na ito sa'min lalo na kay kuya.

“Kapatid mo siya, Xie. Ikaw na lang hinihintay ni Drein. He wants you, he needs you. He needs his sister's back, Dixie. Kailangan ka namin.” iniangat ko ang ulo ko at kitang-kita ko kung paano tumulo ang luha ni Zei.

Iniiwas ko ang tingin sa kaniya. Simula noong mamatay si Ries ay wala na akong pinansin sa kanila, masyado akong natakot na baka may mawala na naman sa 'kin.

Halos magda-dalawang oras na rin ako rito bago ako matagpuan ni Zei kaya hindi ako magtataka kung nag-aalala na si kuya sa'kin. Alam niya kasing takot ako sa dagat kaya imposibleng pumunta siya rito para silipin ako.

Muli akong tumingin kay Zei ng bahagya itong tumawa habang nagpupunas ng luha. “Sorry, Dixie. Nahihirapan na rin kami tulad mo. We love you so much. Kung iniisip mong mawawala kami sa'yo—no. Hindi kami mawawala.”

Nasa gano'n kaming eksena ng makarinig kami ng mga boses. Sabay kaming nagkatinginan at tumingin kung saan nanggagaling ang mga boses.

“Kasalanan mo kasi ‘to Kianna kaya nawawala si Dixie!” boses iyon ni Giles. Hindi ko tuloy maiwasang ma-guilty.

“Tanga ka! Kung ‘di ka ba naman nagsisigaw pagpasok mo!” si Kianna.

“Can you both please stop shouting! I have packaging tape inside my bag! Bubusalan ko na kayong dalawa!” sigaw sa kanila ni Kyron.

“Maghanap na nga kayo! Pag talaga may nangyari sa kapatid ko, sasakalin ko kayo parehas!” sigaw din sa kanila ni kuya. Nilingon ko si Zei na ngayon ay nakangiti na sa'kin.

“Balik kana, Xie… Hinihintay ka namin…” deretsong salita ni Zei habang nakatingin sa mga mata ko. Ngumiti ako sa kanya at siya naman ay tumayo habang nakalahad ang palad. It's been 5 months since I smiled at them. Maybe it's time to let go of the tragedy memories from Ries.

Tinanggap ko ang alok niya at tumayo na. Rinig na rinig ko si Kianna na sinisigaw ang pangalan ko kaya naman napairap ako sa hangin na ikinatawa ni Zei.

“That's the Dixie I know…” aniya.

“Drein! Kasama ni Zeiara si Dixie! Nasa may tabing dagat!” sigaw niya at lumapit sa'min. Tatakbo na ito at muntik pa madapa. Nang makalapit ay hinawakan ako sa magkabilang braso at inispeksyon bago ako yakapin.

“Omygosh! Glad you're safe. Sorry na baby, ‘di na kami uulit.” nilayo ko sa sa'kin bago sinamaan ng tingin.

“Kadiri ka, layuan mo ‘ko.” pang-aasar ko sa kanya.

“You heard it, guys?! Maldita na ulit siya!” ang ingay niya talaga. Lumayo ako ng bahagya sa kanya bago tiningnan si kuya na nakatingin lang sa 'kin. Tinaasan ko siya ng kilay na siyang kinagulat niya.

“Problema mo? Maghahanap kana lang ‘di pa doon sa ayaw ko. Malay mo nag-suicide na pala ako kaya ako nandito?” biro ko sa kanya. Lumapit ito sa akin at bigla akong niyakap. Ramdam na ramdam ko ang pagkasabik ni kuya sa'kin kaya naman ginantihan ko siya ng yakap. Alam ko ang pinagdaanan mo, kitang-kita ko at rinig na rinig ko.

FLASHBACK

Habang nanonood ay bigla akong nauhaw kaya naman bumaba ako para kumuha ng tubig. Nang nasa ika-limang hagbang na ako ay bigla kong narinig ang usapan nila kuya kasama sila Giles. Nagtago ako sa likod ng pader at doon nakinig.

“Hindi ko alam na ganun ang epekto ni Ries sa kapatid ko, feel ko tuloy siya ang kapatid at hindi ako…” sabi ni kuya dahilan para may tumulong luha sa mata ko. Hindi ko alam na ganito na pala ang nararamdaman niya—masyado akong self-centered. Nakalimutan kong may kapatid nga pala ako. Tumalikod agad ako at bumalik na sa kwarto.

END

“Tangine pre, bading kana yata e.” rinig kong asar ni Achilles.

“Gago, nakakaiyak kasi sila.” ganti sa kanya ni Giles. Mukhang naiyak na naman ang mokong na ‘to. Ako ang unang kumalas sa yakap namin ni kuya at kita ko kung paano nag-uunahan ang luha niya kaya naman pinahid ko ito.

“Ang pangit mo.” sambit ko sa kanya. Bahagya itong ngumiti sa akin bago humawak sa bewang ko at nagsimulang maglakad.

“Mas pangit ka.” asar niya. Sabay-sabay kaming pumasok sa bahay at nagsimula ng mag tanghalian. Alam kong may kulang sa parte ko, pero at least alam kong hindi ako iiwan ng mga taong ‘to.

Beneath the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon