15

15 9 0
                                    

THIRD PERSON

Ang lahat ay nasa sala-kakatapos lamang kumain at mapag-usapan ang isyu. Maayos na ang lahat. Ngayon, lahat sila ay nag-iisip ng gagawin. Si Kyron ay nagbabasa ng libro na kaniyang dala, si Drein ay nakahiga sa single sofa, si Giles at Kianna naman ay nasa single sofa rin habang si Giles ay nakaupo sa gilid nito. Si Zeiara ay katabi ng magkasintahan na si Achilles at Keah sa mahabang sofa habang si Dixie ay nakaupo sa sahig habang natutulog-nakapatong ang ulo sa mesa.

"Guys... It's so boring here...." basag ni Kianna sa katahimikan. Napatingin sa kaniya ang lahat miski si Dixie na nagising dahil sa ginawang ingay ni Kianna.

"Peace Kia, ang ingay mo oh." mataray na tugon nito at pasimpleng umirap sa hangin. Saktong irap ni Dixie ay napansin niya ang katahimikan ni Zeiara-mukhang malalim ang iniisip. "You okay?"

"Mhm. I just remembered Wyxie, I miss her. Iba pa rin talaga presensya niya when she's with us and all of us are complete." hindi sumagot si Dixie dito. Sadyang hindi niya gusto si Wyxie sa hindi malamang dahilan.

"Hayaan mo siya, ginusto naman niyang hindi sumama e." sabat ni Giles na sinang-ayunan ni Kianna.

"I agree with Giles. Just let her be, ginusto niyang unahin ang ibang bagay kaysa sa'tin e."

Hindi na mapigilan ni Keah na sumabat dahil masama na ang loob. "Ano ba kayo. Intindihin niyo na lamang si Xie. She has her reason kung bakit hindi siya sumama."

"Tama na 'yan. Keah has a point. Kung ano man ang inuuna niya ay para sa ikakabubuti ng lahat." sabat ni Drein sa kanila. Natahimik ang tatlo at sakto namang may pumasok na ideya kay Giles kaya naman tumayo ito.

"Chin up, people!" sabay hawak sa chin ni Kianna at bahagyang itinaas ito dahilan para lumagitik ang hampas ni Kianna sa kanya na hindi niya pinansin. "Let's throw a simple party! Para naman may purpose ang pagpunta natin dito, 'no."

Sarkastikong ngumisi sa kanya si Kianna. "May nasabi ka ring tama. G ba?"

Sumang-ayon ang lima habang si Achilles naman ay tutok sa phone. Napansin ito ni Kianna kaya naman sinita ito.

"Hoy 'te! Kanina ka pa tutok sa phone! Ayan lang gf mo-katabi mo!" singhal niya. Tinaasan siya ng kilay ni Achilles.

"I'm talking to my cousin, Kia." sagot niya. "Anyway, I'm in."

"Baka naman may kabit kana, Achi? Kapal mo naman?" sarkastikong biro ni Kianna dahilan para samaan siya ng tingin ni Keah na nagdala ng ibang atmosphere.

"Stop it. Tara na mag-prepare kung gusto nyong matuloy 'tong party." awat ni Kyron at naunang tumayo. Sumunod sa kanya si Achilles at sumunod na rin ang apat.

Naiwan ang anim sa loob habang si Achilles ay lumabas para magpahangin. Sa pwesto niya ay para itong may hinihintay.

"Babe..." tawag ng kung sino sa kanya. Malapad na ngumiti si Achilles at humarap sa babae-mistress.

"Babe! You're finally here, I missed you." bungad ni Achilles sa kanya at sinalubong ito ng yakap.

"Of course, gusto mo akong makita e." tugon nito dahilan para ikatawa ni Achilles. Sumeryoso ang babae at kumalas sa pagkakayakap. "Kailan mo siya hihiwalayan?"

Bumuga ng hangin si Achilles at hinawakan ang dalawang kamay ng babae. "Seah, please wait. Malapit na."

"If you say so..." nawawalang interest na sabi ni Seah sa kanya.

DIXIE

Nang sabihin ni Kianna ang tungkol sa kabit thingy ay kuryorisado akong tumitingin kay Achilles. Tuloy pa rin ito sa pagce-cellphone hanggang sa lumabas ito kaya naman nagpaalam ako kay kuya na lalabas.

"Huwag kang lalayo, ha? Dalhin mo ang phone mo." mabilis naman akong sumunod sa sinabi niya at patakbong lumabas.

Luminga-linga ako sa may daan at madali ko namang nakita si Achilles na ngayon ay nakatayo na parang may hinihintay.

Nagtago ako sa hindi kalayuan sa kanila para marinig ang kanilang pinag-uusapan. Mabuti na lamang at maganda ang napili kong pwesto dahil medyo tago ako rito.

Halos gusto kong masuka ng marinig ko ang malanding tinig ng kabit niya. Nakakadiri. Kung ikukumpara ko ito ay Keah ay wala siyang binatbat kay Keah. Kung meron man ay ang pagiging clown make up niya dahil natural beauty si Keah, halos lahat naman kami.

"Kailan mo siya hihiwalayan?" biglang tanong nito.

Gusto ko tuloy lumabas sa kinatataguan ko at sabunutan siya at ingudngod sa lupa hanggang halikan niya ang mga putik dito.

Nanggigigil akong tumingin kay Achilles na hindi ako pansin. Gustong gusto ko siya ihulog sa bangin kung saan sila nakatayo ngayon.

Ang kapal ng mukha magloko e mas pogi pa sa kaniya yung tatlo. Kay Keah pa siya nagloko, huh? Ang kapal ng kalyo sa mukha niya.

Nakinig lang ako sa usapan nila habang pinapatay silang dalawa sa isip ko. Mabilis akong nagtago ng mapansin ako ng babae.

Mabuti na lamang at bumalik na ulit ang tingin nito kay Achilles kaya naman nagkaroon ako ng tyempo na tumakbo pabalik sa rest house.

Hingal akong tumigil sa may gate habang nakapikit, at ang kamay ay nasa dibdib. Hinahabol ang bawat hingang ginagawa.

"Okay ka lang?" gulat akong nagdilat ng mata ng marinig ko si Keah na nasa harap ko na ngayon. Ilang akong ngumiti sa kanya bago tumango.

Hindi ako okay, nakita ko bf mo-niloloko ka. Gusto ko itong sabihin kaso may pumipigil sa'min.

Pumasok kami ni Keah sa loob ng yayain ko siya. Mabilis akong naligo at nagbihis ng damit, sakto namang pagbaba ko ay nandoon na si Achilles. Mabilis na nagtama ang mata namin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

Dukutin ko mata mong cheater ka. Inirapan ko siya ng makababa ako at nagtungo sa pwesto kung nasaan si kuya.

Kinuha ko ang kinakain nitong sitsirya at tumingin kay Achilles na nakayakap kay Keah ngayon.

"Xie, durog na 'yung kinakain natin. Masyado ka yatang gigil?" bulong sa'kin ni Kuya. Tumingin naman ako sa sitsiryang hawak ko at doon ko napansin na durog na nga ito.

"May nakapasok kasing ahas sa hawla." parinig ko. Tansya kong narinig 'yon ni Achilles dahil sa biglang paglingon nito sa pwesto ko kaya naman muli ko siyang tinaasan ng kilay.

"What do you mean?" muling tanong ni kuya kaya naman irita ko siyang nilingon.

"Are you nuts? Or what? Ahas! Kabit! Hawla! Kulungan!" sigaw ko sa kanya dahilan para magulat ito. Miski ang iba ay nagulat sa biglang pagsigaw ko kaya naman iritable akong kumain ng sitsirya. Bawat nguya ay may gigil.

"Sana kasi 'di ba sinabi mong personification?" sarkastikong sambit ni kuya. Hindi ko siya sinagot bagkus ay binato ko ng kinakain ko. Hinihintay kong ambahan ako kuya pero wala akong nakuha. Tiningnan ko lang sila ni Keah lalo na si Achilles dahilan para lihim akong mapangisi.

Parehas ahas. Bagay kayo ng kabit mo, leche.

Beneath the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon