THIRD PERSON
Wala ni isa sa mga ito ang gumalaw o gumawa man lang ng ingay. Lahat ay gulat sa nangyari kay Ries. Nanghihinang tumayo si Dixie at nagtungo sa kung saan nalaglag si Ries. Napasinghap ito ng hangin sapagkat wala man lang bangkay na nakita rito, tuloy ay mas lalong napaluha ang pinakabata sa kanila. Marahas niyang pinunasan ang luha at dire-diretsong pumasok sa rest house. Akmang susunod sana si Kianna at Zeiara ng pigilan sila ni Keah at Giles.
“Hayaan nyo muna…” halos bulong ng dalawa. Walang nagawa ang mga ito kundi sundan lamang ng tingin si Dixie.
“You killed her!” gigil na sigaw ni Keah kay Deira na ngayon ay nakatingin lamang sa mga kamay na puro dugo.
“Dixie is suffering now because of you!” pagpapatuloy niya. Sumugod ito kay Deira at malakas na sinampal ang dalaga. Wala itong nagawa kundi tanggapin ang mga sampal ni Keah.
Lumapit dito si Achilles at pinigilan ang kanyang girlfriend. “Stop it, Keah.”
“Bitawan mo ‘ko!” sigaw sa kanya ng nobya. Napabuntong hininga naman ito.
“Hindi na maibabalik ang buhay ni Ries, Keah. Stop it.” nagtitimping saad ni Achilles. Masama ang loob ng dalaga dahil sa sinabi nito.
At dahil doon ay malayong maibalik lalo natin ang ugali ni Dixie! Ayan ang salitang gustong bitawan ni Keah ngunit mas minabuti na lamang na manahimik. Nag-iwan ito ng masamang tingin sa nobyo bago pumasok sa rest house kung nasaan si Dixie, sumunod sa kanya ang dalawang babae at naiwan silang apat at si Deira.
“Abogado na bahala sa'yo.” malamig ngunit may halong galit na sambit ni Drein bago tumalikod.
Halos limang buwan na ang nakalipas mula ng mangyari ang trahedyang nangyari kay Ries. Mabilis na umugong ang isyung ito sa loob ng kanilang campus at sila rin ang sinisi sa pagkamatay ng dalaga tulad ng nangyari kay Haile. Noong mahanap na ang bangkay ng dalaga ay pahilim na nadalaw si Dixie sa burol nito at alam iyon ng buong hierarchy. Hindi nila maiwasang malungkot at maawa sa nangyari sa kapatid ni Drein dahil mas lalong namatay ang buong pagkatao nito.
Panibagong araw para sa kanilang lahat. Tahimik ang buong paligid ng mag message si Keah sa kanilang group chat.
Keah: They've been talking nonsense about us, ‘di ko na alam kung ano’ng gagawin pang mga explanation!
Keah: Their minds are filled with their own thoughts and puro haka-haka ang naririnig ko everywhere!
Zeiara: Alam niyo guys, kumalma muna tayo at magpalamig ng mga ulo natin.
Drein: Well, relaxation time ba? I got you.
Drein: Elyu kaya tayo?
Kianna: OMG! Gusto ko ‘yan! Masaya yan, I can imagine it na!
Giles: Si OA.
Achilles: May alam ako na dagat somewhere.
Achilles: May vacation house tapos malapit lang!
Achilles: G ba?
Kyron: Kami na ang bahala ni Giles sa foods.
Giles: Hala, si Kyron. Pumayag ba ako?
Kyron: Huwag ka sumama, bwisit!
Keah: I guess a moment to relax wouldn't be bad once in a while.
Zeiara: Drein, inform mo kaagad si Dixie for tomorrow.
Drein: Rest house tayo meet up, malapit sa school. Ako na bahala sa sasakyan.
Achilles: Guys, 6 A.M. sharp tayo, ha. Mamamatay ang late.
BINABASA MO ANG
Beneath the Mask
Mystère / ThrillerBehind the killings there's a reason. A person seeks justice for a crime that was made. In what circumstance will you do when the woman you loved most was murdered? Who would think that a simple vacation could be their downfall? ...behold with the...