Astraea
"Mag-iingat kayo. Sigurado ka ba Kaios na hindi niyo na kailangan ng mga kawal?" tanong ni Calantha nang pasakay na kami ng hari sa karwahe.
Tumawa ang hari. "Wala ka bang tiwala sa akin, Calantha?" sabi nito.
Inikutan lamang siya ng mata ni Calantha at saka bumaling sa akin. "Ikaw na lamang ang papaalalahanan ko tutal mas marunong kang makinig kaysa sa haring iyan" sabi niya na nagpatawa sa akin.
"Bumalik kayo bago lumubog ang araw. Kung ano man ang mangyari o maalala mo bumalik ka muna dito at saka natin pag-isipang mabuti kung ano ang gagawin natin. Maliwanag ba?" tanong niya.
Tumango ako at pabiro pang sumaludo sa kaniya. "Maliwanag, Ina" biro ko pa.
Umismid lang si Calantha. "Umalis na nga kayong dalawa. Umiinit lamang ang ulo ko sa inyo" sabi niya at halos ipagtulakan na kami papasok ng karwahe. Siya pa mismo ang nagsara ng pinto.
Natatawa kong inilabas ang aking ulo sa bintana. "Huwag kang mag-alala, Calantha. Pasasalubungan kita ng tubig at bato" sabi ko.
"Heh!" sabi niya.
"Pikon naman" tudyo pa ng hari na lalong nagpapula kay Calantha.
Sumilip si Calantha sa loob at itinutok sa hari ang hawak niyang espada. "Ikaw, huwag ka nang babalik, ha? Baka masaksak lamang kita. Pinaiinit mo ang ulo ko" sabi niya na tinawanan lang namin.
Ibinaba ko ang espada ni Calantha. Ngumit ako sa kaniya nang pagkalaki-laki. "Hintayin mo ang pagbalik ko, Calantha. Palalamigin ko 'yang ulo mo" sabi ko.
"Kahit huwag na. Magpakalayo-layo na kayo ng hari mo" sabi niya at lumayo na sa karwahe. "Umalis na kayo baka dilimin kayo. Delikado ka diyan sa kasama mo" dagdag pa niya.
Narinig kong sumakay na ang kutsero namin kaya't kumaway na ako kay Calantha.
"Paalam, Calantha!" sigaw ko. Ngumiti lamang siya at tumango.
Sandali ko pang tinanaw si Calantha bago ako umayos ng upo sa tabi ng hari.
"Matulog ka muna, Astraea. Mahaba pa ang byahe" sabi ng hari.
Inilibot ko ang tingin ko sa karwahe. "Saan ako matutulog dito?" tanong ko.
Ngumiti ang hari at iniunat ang kaniyang braso sa sandalan ng upuan. "Sa akin" sabi niya na nagpaikot ng aking mata.
"Delikado nga ako sa'yo mahal na hari" sabi ko.
"Hindi ba't ako ang delikado?" tanong niya na nagpakunot ng noo ko.
"Bakit naman?" tanong ko.
Umayos siya ng upo at lumapit sa akin. "Pakiramdam ko'y papanawan ako ng hininga dahil lagi mong pinabibilis ang tibok ng puso ko" sabi niya.
Ngumiwi ako sa sinabi niya. "Mahal na hari, hindi ako kinilig. Ulit" sabi ko na nagpatawa sa kaniya.
"Ah, talaga, Astraea?" sabi niya.
Ngumisi ang hari na nagpakunot ng noo ko.
"Ano na namang plano mo ma-KAIOS!"
Napasigaw na lamang ako nang bigla na lamang niya akong hilahin palapit sa kaniya. Napaupo ako sa kaniyang mga hita at kung hindi dahil sa mga kamay ko ay kung saan na lalapat ang mga labi ko. Napalunok ako sa lapit namin sa isa't-isa. Ngumisi lamang lalo ang hari at mas hinigpitan ang yakap sa akin.
"Ganiyan ka pala kiligin, Astraea. Natatawag mo ako sa pangalan ko" sabi niya.
Napaiwas ako ng tingin. "Nagulat lamang ako. Bitawan mo na ako, mahal na hari" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Struck
Fantasy"As long as the sun, moon, and stars, shine, I will love you" - The Kingdom of Fhrymea, a peaceful and harmonious kingdom of women ruled by three goddesses; Adeena, the goddess of light, Eleanor, the goddess of harmony, and Illiana, the goddess of a...
