Adeena
"Ina, ikaw lang naman ang mahal namin" sabi ni Eleanor na nakakalong kay Ina.
Tumawa si Ina at humalik sa pisngi niya. "Sa ngayon pero hindi natin masasabi sa mga dadating na panahon. Maaaring may biglang dumating na pupukaw ng atensyon niyo" paliwanag niya.
"Masama ba ang mag-mahal, Ina?" tanong ko.
Bumaling sa akin si Ina at umiling. "Hindi ngunit kaakibat ng kapangyarihang ipinagkaloob sa inyo ay ang responsibilidad na kailangan niyong punan dito sa Frhymea. Ang buong kaharian ay patuloy na mabubuhay kung iingatan ninyong tatlo ang puso niyo at ilalayo sa kahit anong temtasyon" sabi niya.
"Anong mangyayari kung susuway kami doon, Ina?" tanong ni Illiana.
Itinuro ni Ina ang bukal ng buhay sa gitna ng palasyo. "Titigil ang pagdaloy ng tubig at sa pagtigil noon ay ang pagtigil ng daloy ng buhay dito sa ating kaharian"
"Hindi. Hindi. Hindi maaari, mahal na hari" umiiling kong sabi habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng hari.
Naguguluhang tumingin sa akin ang hari. "Astraea, ano bang nangyayari?"
Patuloy akong umiling. Pagpikit na lamang at pagkapit nang mahigpit sa hari ang tangi kong magawa. Walang awat na bumuhos ang luha ko kasabay ng unti-unting pagguho ng buong mundo ko.
"Hindi maaari" iyak ko.
Hindi pwedeng nangyari ito! Hindi ako nagtraydor sa Frhymea! Hindi! Hindi!
Nagmahal lang ako! Minahal ko lamang ang hari bakit magiging kapalit noon ang buhay ng Frhymea? Paano? Paano ko sasabihin sa kaniya? Paano ko sasabihin sa haring minahal ko na siya ang pinakamalaking kasalanan ko?
"Astraea!"
Hindi na halos rumehistro sa tainga ko ang mga sigaw ng hari. Sa mga sandaling ito tanging ang sakit at konsensya ko ang umiiral sa buong sistema ko.
Hindi ko lubos maintindihan. Hindi ko maintindihan bakit nangyari ito? Bakit sa akin? Bakit sa amin ng hari?
"B...Bitawan mo ako, mahal na hari" sabi ko at buong lakas na itinulak ang hari.
Bago pa man niya ako mahawakan ay mabilis akong umahon at tumakbo palayo.
"Astraea!"
Mas binilisan ko pa ang aking takbo nang marinig ko ang mga yabag niya. Alam kong maabutan niya ako kaya't nang may makita akong malalaking bato ay agad ako roong nagtago. Napaupo na lamang ako sa likod no'n at mahigpit na niyakap ang aking mga tuhod.
"Astraea naman! Astraea, mag-usap tayo!"
Agad kong tinakpan ang aking bibig upang hindi kumawala ang mga hikbi ko. Mariin akong napapikit at napahawak sa aking dibdib.
Ang sakit. Ang sakit-sakit. Bakit kung kailan mahal ko na siya saka ko malalaman na isa palang kasalanan iyon? Bakit ngayon lang? Bakit hindi pa noon? Bakit hindi pa noong wala pa kaming pakiealam sa isa't-isa? Bakit ngayon pa kung kailan handa na kaming bumuo ng sarili naming kinabukasan?
"M...Mahal"
Napasandal na lamang ako sa bato. Nasa malapit lamang siya. Rinig na rinig ko ang mga hikbi ng hari at ang walang humpay niyang pagtawag sa akin.
Binibiyak ang puso ko sa bawat hikbing kumakawala sa kaniya. Ngayon ko lamang narinig na tumangis ang hari nang ganito at dahil pa sa akin.
"Astraea, mahal. I...Ikaw na lang ang mayroon ako. Huwag namang ganito"
BINABASA MO ANG
Struck
Fantasy"As long as the sun, moon, and stars, shine, I will love you" - The Kingdom of Fhrymea, a peaceful and harmonious kingdom of women ruled by three goddesses; Adeena, the goddess of light, Eleanor, the goddess of harmony, and Illiana, the goddess of a...
