Kaios
"Cielle, anong oras na! Male-late tayo sa graduation mo!" sigaw ko nang mapansin kong wala nang isang oras at magsisimula na ang program.
"Wait lang, Dad! Nagpapaganda pa ako! Isusumbong kita kay Ina!" sigaw niya pabalika.
Napailing na lang ako at napatingin sa pinakamagandang babaeng nasilayan ko.
"Itong anak natin, hindi na nagbago. Napaka-kulit pa rin" sabi ko.
Nanatili lang siyang nakangiti habang nakatingin sa akin. Napailing na lang ulit ako at tumingin sa relo.
"Cielle!" sigaw ko ulit nang hindi pa rin lumabas ang anak ko.
"Ito na nga po!" sabi niya at lumabas sa kwarto.
Suot na niya ang toga niya at kulot-kulot pa ang buhok niya. Natatandaan kong maka-ilang ulit akong naipatawag dahil sa buhok niya para pakulayan ng itim pero ipinaglaban ko rin nang paulit-ulit na natural niya iyong buhok. Sa pagdaan din ng panahon, nakita ko kung paano natutunang mahalin ni Cielle ang uniqueness niya.
"Maganda ba, Dad?" tanong niya.
Ngumiti ako at tumango. "Syempre, mana ka sa Ina mo" sabi ko.
Ngumiti siya at lumapit sa akin saka yumakap. "Graduate na ng college ang prinsesa mo" sabi niya.
"Bawal ka pa ring mag-asawa" sabi ko na nagpasimangot sa kaniya.
"Bahala ka nga diyan, Dad!" sabi niya at nauna nang lumabas ng bahay.
Natawa na lang ako at kinuha ang susi. Muli akong bumaling kay Astraea.
"Mahal, punta na tayong graduation ng napaka-sutil mong anak" sabi ko at lumabas na ng bahay kasama siya,
Nag-aantay na sa labas ng kotse si Cielle nang matapos kong ikandado ang bahay. Mabilis na rin akong luampit sa kaniya at pinagbuksan siya ng pinto. Nang maiayos ko sila ng kaniyang Ina, sumakay na rin ako at nagsimulang magmaneho.
Apaat na taon na rin simula nang umalis kami ng Ildimir. Tuluyan ko nang iniwan kay Calantha ang pangangalaga ng Ildimir. Mahirap man sa kalooban ko noong una ang desisyong iyon, alam kong kung nandito si Ama, mas gugustuhin niya ring protektahan ko si Cielle.
Minsan ay bumabalik pa rin kami ng Ildimir para makamusta sila Calantha pero mabilisan lang dahil masyadong busy si Cielle sa pag-aaral. Buti na lamang at nagmana siya kay Astraea na pursigido laging matuto.
"Dada, saan tayo magse-celebrate mamaya?" tanong ni Cielle.
"Saan mo gusto?" tanong ko habang nasa daan pa rin ang tingin.
"Sa Ildimir. Miss ko na si Tita Calantha. Si Tita Illiana ba hindi natin mapapapunta?" tanong niya. Sandali akong napatingin sa kaniya at umiling.
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Inabot ko ang kamay niya at marahan iyong pinisil.
"Graduation mo ngayon. Bawal ang malungkot ngayon. Paano tayo magpo-pose. Sayang naman ang porma ko" sabi ko.
"Sus, si Dada, nag-yabang na naman" sabi niya na nagpatawa sa akin.
Matapos ang mahaba-habang byahe namin nakarating na kami sa unibersidad kung saan magtatapos si Cielle. Nauna na akong bumaba at pinagbuksan ang mag-ina ko. Mabilis naman akong hinila ni Cielle papasok sa bulwagan kung saan gaganapin ang graduation niya.
"Dada, excited ka?" tanong niya habang pumipila kami.
Ngumiti ako at tumango. "Syempre naman" sagot ko.
Nagsimula nang gumalaw ang pila hanggang makarating kami sa gitna kung saan kami kukuhanan ng litrato. Malaki ang ngiti naming tatlo nang tumapat sa amin ang camera.
BINABASA MO ANG
Struck
Fantasy"As long as the sun, moon, and stars, shine, I will love you" - The Kingdom of Fhrymea, a peaceful and harmonious kingdom of women ruled by three goddesses; Adeena, the goddess of light, Eleanor, the goddess of harmony, and Illiana, the goddess of a...