Ika-Tatlumpung Kabanata

2 0 0
                                    

Astraea

"Ina"

Ramdam ko ang sunod-sunod na pagtulo ng sa palagay ko ay mga luha sa aking pisngi at mga brasong nakabalot sa akin. Hindi ko man maimulat ang amg mata ko, nakikilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng mga brasong iyon.

Sandaling oras na lamang, pakiusap, Kahit kaunti lamang, para kay Cielle.

Matapos ang maka-ilang ulit kong pagpilit sa aking mga talukap na bumukas, sa wakas ay sumunod din iyon sa akin. Sa aking nanlalabong mga mata, pinilit kong aninagin ang mukha ng dalagang nasa harap ko.

Ngumiti ako sa kaniya. Kita ko sandali niyang pagkagulat bago siya napasigaw.

"Gising na si Mama!"

Mabilis na naipon sa aking tabi si Illiana, Calantha, at ang hari. Napangiti ako sa nakita ko. Ganito pala ang pakiramdam ng nasa paraiso. Lahat ng lalapatan ng iyong mata ay nagbibigay kapayapaan sa puso mo.

"May masakit pa ba sa'yo?" tanong ni Illiana na agad kong inilingan.

"W...Wa...la na" nakangiti kong sabi.

Kita ko ang pangingilid ng luha niya bago siya napatalikod sa amin.

"Sa labas muna kami ni Illiana, ha? Para makapag-usap na kayo" sabi ni Calantha at hinawakan ang braso ni Illiana.

Palabas na sana sila nang tawagin ko si Illiana. Mabilis siyang lumingon sa akin.

"S...Salamat" nakangiti kong sabi sa kaniya.

Bumagsak ang mga luha niya bago siya mabilis na lumapit sa akin at yumakap. "M...Mahal na mahal kita, Adeena. Mahal na mahal kita, bunso" sabi niya.

Napangiti ako at tumango. "A...Ako rin" sabi ko. Ramdam ko ang pagtango niya at ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

Lumapit na rin sa amin si Calantha na umiiyak na rin. Humawak siya sa kamay ko at pilit na ngumiti. "M...Masaya akong nakilala kita. Salamat sa pagkakaibigang habang buhay kong iingatan sa puso ko" sabi niya.

Tumango ako at pilit na pinisil pabalik ang kaniyang kamay.

"Salamat din" sabi ko.

Matagal pang nanatiling nakayakap sa akin si Illiana bago siya humiwalay. Pinunasan niya ang luha niya at ngumiti sa akin. "Ito na 'yong pangako ko" sabi niya at bumaling sa hari sa aking tabi. "I...Ikaw na ang bahala, ha?" sabi pa niya.

"D...Diyan na kayo" sabi ni Calantha habang inaalalayan si Illiana patayo.

Isang ngiti pa ang iniwan nila sa akin bago sila tuluyang lumabas ng silid. Napabaling ako kay Cielle sa tabi ko na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.

"Cielle" tawag ko sa kaniya.

"Ina" sabi niya at sumubsob ng yakap sa dibdib ko.

Napangiti ako sa ginawa niya at marahang hinaplos ang kaniyang buhok. "Ka...m...musta?" tanong ko sa kaniya.

Mabilis siyang tumunghay at humarap sa akin. "Hindi po ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan?" tanong niya.

"A...yos lang a....ko. Ik...aw?" sabi ko at hinawi ang mga buhok niyang nakaharang sa kaniyang mukha. Hinawakan naman niya ang kamay ko at isinandal doon ang kaniyang mukha.

"Masaya po, sobrang saya" sabi niya na nagpangiti sa akin.

"P...Pat...a...wad" sabi ko na agad niyang inilingan.

"Hindi po ako galit. Naiintidihan ko po. Huwag niyo na 'yong isipin" sabi niya at tumingin sa kaniyang Ama. "Pagalitan mo nga si Ina. Ayoko ng ganitong usapan, naiiyak ako" sabi niya na nagpatawa sa amin ng kaniyang Ama.

StruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon