Ika-Labing-Anim na Kabanata

0 0 0
                                        

Astraea

Katulad kahapon ay hindi na naman ako lumabas ng aking silid. Ilang beses akong kinatok ng hari ngunit hindi niya rin ako napalabas.

Nakatitig lamang ako sa aking kisame at hinihintay na lumipas ang oras.

"Astraea, hindi ka ba talaga lalabas?" Napabangon ako nang marinig ko ang tinig ng hari.

Lumingon ako sa pinanggalingan no'n at nakita siyang nakatayo sa may teresa. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin.

"Anong ginagawa mo rito, mahal na hari?" Tanong ko.

"Ayoko sanang basta pumasok dito sa silid mo ngunit nag-aalala na kami ni Calantha. Hindi namin alam kung ano nang nangyayari sa'yo" sabi nito nang hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan niya.

"Gusto ko lamang mapag-isa"

"Kahapon ka pa mag-isa"

"Mahal na hari, gusto kong mapag-isa hanggang sa mga oras na ito" sabi ko.

Kumunot ang noo niya sa sagot ko.

"Yan din ang sagot mo noong nakaraang inaya kitang bumaba sa sapa. Gusto mo lang bang mapag-isa o ayaw mo akong kasama?" Tanong niya na nagpaiwas ng aking tingin.

"Bakit, Astraea? May nagawa ba ako? Simula no'ng gabi ng salu-salo, hindi na kita nakausap nang maayos" sabi niya.

"Marami lang gumugulo sa isip ko, mahal na hari" sabi ko.

"Ba-"

"Narinig ko kayo ni Calantha, mahal na hari" putol ko sa kaniyang sasabihin.

Lito siyang tumingin sa akin kaya't ipinagpatuloy ko ang aking sasabihin. "Hindi mo na dapat tinuran ang mga bagay na iyon lalo't sa harap pa ni Calantha. Hindi mo ba naisip ang mararamdaman ni Calantha?" Tanong ko.

"Anong kinalaman ni Calantha dito?" Tanong niya at nagsimula nang lumapit sa akin. Tumayo agad ako at naglagay ng distansya sa amin.

"Mahalaga sa akin si Calantha. Hindi ko kailan man nanaisin na masaktan siya nang dahil sa akin" sabi ko na lalong nagpakunot ng kaniyang noo.

"Ano bang sinasabi mo, Astraea?" Tanong niya.

"Tama si Calantha. Makasarili ka, mahal na hari" sabi ko na nagpatigil sa kaniya.

"Makasarili ka, mahal na hari. Kung talagang pinahahalagahan mo si Calantha hindi mo na dapat tinuran sa harap niya ang nararamdaman mo. Hindi mo na dapat inisip ang bagay na iyon" dagdag ko.

"Hindi kita maintindihan, Astraea"

"Mahalaga ka kay Calantha, mahal na hari. Sobrang halaga at ang marinig sa'yo na may iba kang pinahahalagahan, naisip mo ba kung gaano kasakit sa damdamin niya iyon?" Tanong ko.

Sandali siyang natigilan.

"Astraea" tawag niyang habang naglalakad palapit sa akin. Ilang hakbang ang ginawa ko palayo sa kaniya ngunit agad niya rin akong naabot.

"Mahal na hari, lumayo ka sa akin" sabi ko.

"Bakit ang nararamdaman ni Calantha iniisip mo pero ang akin hindi?" Matigas niyang tanong habang pilit sinasalubong ang mga tingin ko.

"Wala nang natitira kay Calantha, mahal na hari. Ikaw na lamang. Ayokong mawala ka sa kaniya nang dahil sa akin" sabi ko.

Binitawan ako ng hari at hindi makapaniwalang tumitig sa akin.

"Itinataboy mo na naman ako, Astraea" sabi niya.

Umiwas ako ng tingin. "Ito ang tama, mahal na hari" sabi ko.

StruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon