Ikalawang Kabanata

1 0 0
                                    

Adeena

"Anong kulay kaya ang mas magugustuhan ni Ina? Lila o dilaw?" Tanong ko kay Illiana na nakasandal sa balikat ko. Iminulat niya ang isang mata at tiningnan ang hawak kong bulaklak.

"Pula" sagot niya at bumalik sa pagkakapikit.

"Napakatalinong dyosa" naiiling na komento ni Eleanor na nakaunan sa mga hita ni Illiana. Natawa na lang ako sa mga sinabi nilang iyon.

Ako lamang talaga ang normal na anak ni Ina. Itong dalawa kong kapatid? Mukhang nagkauntugan sa sinapupunan ni Ina habang ipinagbubuntis kaming tatlo.

"May hardin naman si Ina, hindi ba? Bakit araw-araw mo pa siyang dinadalhan ng bulaklak?" Tanong ni Illiana.

"Wala lang. Gusto ko lang laging ipaalala sa kaniyang mahal ko siya" sabi ko at tinalian ang mga hawak kong bulaklak. Parehong kulay na lang ang ibibigay ko, baka mag-away pa mga kapatid ko, mahirap na.

"Parang nakakahiya talagang maging kapatid ni Adeena" Komento ni Eleanor na tinawanan ni Illiana.

"Ikaw lang ang nahihiya. Ikaw lang naman ang sakit ng ulo ni Ina sa ating tatlo" sagot ni Illiana.

"Nagsalita ang tumakas at pumunta sa mundo ng mga mortal" naiiling na sabi ni Eleanor na biglang nagpatigil kay Illiana at napaiwas ng tingin. Napatigil ako sa pag-aayos ng bulaklak at pinagmasdan siya. May kakaiba talaga sa kaniya, hindi ko lamang mawari kung ano. Ngayon ko lang napagtanto na kada iyon ang mapag-uusapan namin ay umiiwas siya. May nangyari kaya sa kaniyang hindi maganda sa mundo ng mga mortal? Bakit ibang lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya kada mababanggit iyon?

"Kailangan pala ako sa pulong para sa susunod na pag-aani. Maiwan ko na kayo dito" biglang sabi ni Illiana at sa paghampas ng hangin ay nawala na rin siya. Napatingin sa akin si Eleanor at takang itinuro ang kinatatayuan kanina ni Illiana.

"Nagalit ba siya sa sinabi ko?" tanong ni Eleanor.

"Hindi...ko alam?" alanganing sagot ko.

"Ang kapatid nating 'yan talaga, napakamalihim" naiiling niyang sabi at hinawakan ang kamay ko. "Kaya ikaw Adeena, huwag kang magdadalawang-isip na magsabi sa akin, ha? Kahit ano pa iyan. Dadamayan kitang mamroblema" nakangiti niyang sabi na agad kong tinanguan.

Matapos ng usapang iyon ay nagpaalam na rin ako kay Eleanor para ihatid kay Ina ang mga bulaklak na pinitas ko. Dahil hindi naman ako katulad ni Illiana na kayang makarating sa kaniyang desisyon sa isang pitik ng daliri kailangan ko pang hanapin ang alaga kong si Andromeda para ihatid ako sa kastilyo ni Ina. Isang kulay lilang dragon si Andromeda. Ang itlog niya lamang ang natirang buo nang matagpuan namin ang pugad niya at dahil hindi namin matagpuan ang ina niya ay napagpasyahan kong alagaan na lang siya.

Agad akong kumaway nang makita ko si Andromeda na papalapit sa akin. Mabilis siyang nakalapag sa harap ko at agad inilapit ang ulo sa akin para maglambing.

"Nangangayayat ka yata Andromeda. Hindi ka ba pinapakain ni Eleanor no'ng nasa kaniya ka?" tanong ko habang hawak ko ang ulo niya. "Sa susunod kapag hindi ka niya pinakain, kagatin mo" natatawang sabi ko. Bahagya namang nanlaki ang mata niya sa sinabi ko na lalong nagpatawa sa akin.

"Hindi naman malaking kagat. Kaunti lang Andromeda, buong binti gano'n" sabi ko pa na nagpanganga na kay Andromeda. "Biro lang, Andromeda. Biro lang. Tara na nga kay Ina"

Mabilis kaming nakarating sa kastilyo ni Ina at nang maibaba ako ni Andromeda ay agad akong tumakbo papasok. Sinalubong ako ng ngiti ng mga Fryhm na nagbabantay kay Ina na sinuklian ko rin ng ngiti. Isa ito sa pinakagusto ko sa kaharian namin, lahat kami ay magkakasundo. Lahat kami ay pamilya ang turing sa isa't-isa, kaya na rin siguro payapa kami ay dahil doon.

StruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon