Ika-Dalawampung Kabanata

1 0 0
                                    

Astraea

Ngisi ni Calantha ang bumungad sa akin nang pumasok ako sa silid-kainan ng hari. Inabot ng buong maghapon ang pagpupulong ng hari kasama ang konseho kaya't hindi na niya ako nabalikan kahapon. Ngayong umaga na lamang niya ako ipinatawag upang sabayan siyang mag-umagahan.

"Nakasimangot ba ang reyna ni Kaios dahil mali ang gising niya o kulang lamang siya sa halik?" tanong ni Calantha nang makalapit ako sa kaniya.

Sumimangot ako sa kaniya. "Calantha, magtigil ka nga! Marinig ka ng mahal na hari!" saway ko sa kaniya.

"Sus. Nahihiya siya. Ayaw mo bang marinig ni mahal?" sabi niya na nagpalaki ng mga mata ko.

Narinig ba iyon ni Calantha?

"Narinig mo?" tanong ko. Humalakhak ng tawa si Calantha. Napapahampas pa siya sa aking braso. Napatitig na lamang ako sa kaniya at hinintay na matapos siyang tumawa.

"Mas malala pa!" sabi niya nang medyo huminahon na siya mula sa pagtawa.

Napalunok naman ako sa sinabi niya. Mas malala pa? Narinig ba niya lahat ng pinag-usapan namin ng mahal na hari?

"Alam mo ba 'yang hari mo? Halos nalimutan na ata ang pangalan mo at puro mahal ko ang binabanggit kapag ikaw ang napag-uusapan" sabi niya.

Napatakip ako sa aking bibig sa gulat. Ano ba naman 'yon mahal na hari?

Tila gusto ko na lamang magpalamon sa lupa sa mga sandaling ito. Hindi pa nakatulong ang pagsundot-sundot ni Calantha sa tagiliran ko.

"Sus, kinikilig ang babae!" sabi niya.

"Hindi kaya!" giit ko na tinawanan lang niya.

"Bakit namumula ka?" tanong niya at kinurot pa ang dalawa kong pisngi.

"Aray! Calantha!" daing ko.

"Kinikilig ka talaga!" pang-aasar pa niya habang hindi pa rin binibitawan ang aking mga pisngi.

Inabot ko rin ang kaniyang pisngi at nanggigil din iyong pinisil.

"Astraea! Aray!" daing niya na tinawanan ko lang.

"Masakit, diba?" tanong ko.

"Astraea, bitaw na!" sabi niya.

Nang-aasar akong umiling. "Bumitaw ka muna"

"Mauna ka!"

"Calantha, nauna kang mamisil! Ikaw muna ang bumitaw!" sabi ko.

Umiling si Calantha at mas pinisil ang pisngi ko kaya napangiwi na ako.

"Calantha!"

"Astraea!"

"Anong ginagawa niyong dalawa?"

Natigilan kaming dalawa ni Calantha at napatingin sa pinto. Nakatayo doon ang hari. Nakahalukipkip siyang nakatitig sa amin na tila hiwagang-hiwaga sa ginagawa namin.

Nagkatinginan pa kami muna ni Calantha bago namin binitawan ang isa't-isa. Napahawak ako sa aking pisngi at marahan iyong hinimas. Ang sakit mamisil ni Calantha. Babawi ako sa babaeng ito sa susunod.

"Ano bang ginagawa niyo?" tanong ulit ng hari nang makalapit siya sa amin. Tumingin siya sa akin at nangunot ang noo. "Ang pula ng pisngi mo, mahal" sabi niya.

Napatingin ako kay Calantha na tumawa. "Mukhang mas namumula ngayon si Astraea" sabi niya.

"Gusto mong makurot, Calantha?" tanong ko.

"Grabe, tumatapang ka na, binibini. Iba talaga kapag ipinaglalaban" sabi niya at iniwan kami,

Napasunod na lamang ako sa kaniya ng tingin hanggang sa makaupo siya. Ibinalik ko ang tingin ko sa hari na nagpipigil ng tawa.

StruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon