KIA'S POV
"Sorry sir late." Hingal na hingal na sabi ko sa prof namin ng makarating ako sa classroom.
"Oh Miss Torres, anong nangyari at mukhang pagod na pagod ka??" Nag tatakang tanong ng prof namin at mukhang mag sisimula palang sya mag turo.
Pano ba naman, di ako updated na lumipat pala kami ng ibang building kaya nag ka ligaw ligaw pa ako bago makarating dito huhu.
"Uhh naligaw po kasi ako eh." Sabi ko sabay ngiti, yung ngiting nang hihinayang at natatawa sa sarili ko. Katangahan ba naman selfff.
"Haha yan kasi, minsan mag on ka sa messenger or mag open ka ng fb mo para updated ka. 2025 na kia, hindi 2015.. lahat nasa social media na." Sabi ni sir habang nakangiti at halatang natatawa sakin, 'teacher ko ba talaga to??
"Haha okie po, thank you." Ayon nalang ang nasabi ko kasi di ko alam ang sasabihin.
"Sige na, go to your seat." Sabi nya at tinuro pa kung saan ako naka upo.
"Thank you po ulit sir." Sabi ko at tumungo pa ng onti para mag silbing pag galang at pumunta na sa upuan ko. Sa upuan ko kung saan nakikita ko yung kaibigan kong traydor na nag iwan sakin kanina at hindi man lang sinabi sakin na lumipat na kami ng building!!!
Nanliliit ang mga mata ko habang papalapit dun sa kaibigan kong yun, nakakagigil sya oo.
"Bang*" mahinang pag bagsak ko ng kamay sa lamisa namin at tinignan sya ng masama, nag peace sign lang sya sakin at ngumiti na parang nag sasabi na bati na kami.
Tinarayan ko nalang sya at naupo na sa upuan ko, bahala sya dyan.
"Uy sorry na beh." Sabi nya at sinilip pa ang mukha kong nakatingin sa harapan.
"Wag moko kausapin, naiinis ako sayo." Sabi nya at tumigil naman sya.
"Okay class, let's sta--" Biglang naputol ang pag sasalita ni sir ng may biglang pumasok na new student na nakapag pahiyaw sa mga kaklase ko.
''OMG DON'T TELL ME DITO DIN YUNG ROOM NYOOOO!!" Kinikilig na sigaw ng isa naming classmate at nag siingay nadin yung iba.
"Hayst." Sabi ko nalang, wala ako sa mood ngayon para makinig sa lahat ng mga sinasabi nila. Yumuko nalang ako at pumikit, makalipas ang ilang minuto ay parang nakaramdam ako ng mga taong nakatingin sakin kaya onti onti kong inangat ang ulo ko.
"Kia." Tawag ni Eya sakin kaya napalingon ako sakanya.
"Bakit?" Takang tanong ko at bigkang nguso nya naman sa katabing upuan ko.
"Oh?" Tanong ko ulit at lumingon, nung pag lingon ko ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. Para nag stop mag function yung brain cells sa utak ko sa sobrang gwapo ng nasa tabi ko.
Kanina ko pa sila nakita oo pero bat ganon?? Parang first time padinnnnn.
"Hey miss are you okay??" Tanong sakin nung lalaking nakatayo sa katabing upuan ko.
"Uhh o-oo?" Takang tanong ko pabalik at hindi ko alam kung anong sasabihin, pati ako naguguluhan sa sarili koooo.
"Haha I'm asking you if may nakaupo naba dito sa tabi mo?" Tanong nya sakin habang nakangiti at napapailing.
"Ahh." Sabi ko at tumungo.
"So may nakaupo ba??" Tanong nya ulit at napaisip ako.
'May nakaupo ba dito?' tanong ko sa sarili.
'Aba malay ko, diko din alam.' Sabi ko ulit sa sarili ko and alam ko na ang sagot.
"Hindi ko alam." Diretsyong sagot ko sakanya at napa ngawi naman sya.
"Well kakalipat palang din namin ng building so diko alam kung ano ba yung seating plan, but since wala namang nakaupo dyan ngayon then maybe wala pang naka upo." Sabi ko at tumingo naman sya.
"Ahh okay, thanks." Sabi nya at nilapag na ang bag sa chair at umupo na. Nakita ko naman na umupo din sa tabi nya yung isa pa nyang kaibigan at yung isa naman dun sa tabi ni eya.
'What??' Nag tatakang tanong ko sa sarili ko at tumingin kay eya na namumula nanaman. Hayst walang kwenta to ngayon, mamaya kona kakausapin.
Tumingin nalang ulit ako sa unahan kung saan nakatayo si Sir at mukhang nagulat din sya. Well lalo na ako kasi sino ba naman kami sakanila para tabihan kaming dalawa ni eya dito no??
Nung inalis ko ang mga mata ko kay Sir ay nilibot ko ang paligid namin at lahat sila nakatingin samin, 'what do you expect?? Sikat tong mga to.. ay shit???
Ngayon kolang na realize na baka mag ka issue pa kami sa school or bullyhin kami ni eya dahil samin sila tumabi??
What if bigla nalang may mag abang samin sa gate tapos pag sasabunutan kami?
What if biglang may humarang saming mga naka black na suit tapos kidnappin kami kasi akala nila girlfriend kami ng mga toooo???
What if--
What if tumigil nako kakawhat if no?
Mukha nakong tanga eh.'
"Okay class!!" Biglang sigaw ni Sir kaya nawala ako sa iniisip ko dahil sa gulat sa sigaw nya. "Ehemm* Ano okay na tayo??? Wala ng kulang?? Wala ng papasok dit--"
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Stalker
Teen FictionGumagamit ka ba ng mga dump acc or rp? Nag kabf or gf kaba dun? Pano kung meron kang naging bf dun na.. na mahal na mahal ka.. pero.. pero hiniwalayan mo sya... Pano kung... Pano kung yung taong yun na hindi mo kilala.. hanapin ka... "This story is...